7: My Brain Is Not Braining

Start from the beginning
                                    

"Zera! Tara sabay?" Napangiti ako sa sinabi ni Grace. Hinintay ko siya matapos mag-quiz kasi batch 3 at uwian na.

"Tara!" Patakbo kaming bumaba ng hagdan para makabili agad ng tokneneng at iba pang turo-turo. Nakita ko sina ma'am Sab, sir Mark, at Keon sa lobby at nakatingin sila sa'min. Napahinto tuloy kami ni Grace.

"May practice ka ulit?" Tanong niya habang tinataasan ako ng kilay.

Tuesday. Puno nga pala ang schedule ko ng practice sa city meet.

"Grace, sorry ha. Bawi ako next ti— teka, what if pass muna ako? Dalawa't kalahating linggo na tayong 'di nagsasabay eh." Parang naliwanagan ang utak ko dahil sa light bulb na gawa ng idea ko.

"Ano ka ba, Zera. Magkapit-bahay tayo, oh. Tsaka naiintindihan naman kita." Pinisil niya ang braso ko. Habang nag-uusap kami pababa.

Nami-miss ko na ang chismis time natin 'pag uwian. Sa umaga na lang eh.

"Talaga lang, ha. Madalang ka lang lumabas kahit magkapit-bahay tayo. Hindi ka magtatampo?" Tinusok ko ng siko ang tagiliran niya at may nakakaasar na ngiti.

"Slight lang. Palalampasin ko 'to pero marami kang utang na chika sa'kin." Hinampas niya ako sa braso. Noong malapit na kami sa team ko nagpaalam na 'ko.

"Sure, walang problema! Marami-rami 'to at mainit-init pa. Bye, ingat ka!"

"Ingat ka rin, mauna na 'ko!" Bineso niya ako at kinawayan. Humarap ako sa kanila upang bumati.

"Hello po." Ngumiti ako.

"Parang ayaw mong mag-practice? Miss mo na ba dati mong routine?" Tanong ni ma'am habang papunta kami sa gym. Gamit kasi ng volleyball team ang outside court kaya nasa school pa rin kami.

"Ma'am, sanay na po akong nakasingit ang badminton sa sched ko. Kahit 'di ko naman po aminin, miss ko na ang umuwi ng may kasabay at kachikahan."

"Last week na 'to ng training natin. Kaunting tiis na lang, Zera. Next week city meet na. Nakita naman na namin ang pagbabago niyo ni Keon." Sabi ni sir Mark na nagpangiti sa'kin.

"Hindi ka ba talaga kinakabahan?" Siniko ko ang braso niya.

"Kasama kita. Bakit ako kakabahan?" Napatingin kaming tatlo sa sinabi niya. Ito, palibhasa alam niyang nagustuhan ko siya dati kaya ganiyan magsalita.

"May balak ka bang paglaruin ako mag-isa sa doubles?"

Dahil sa'yo napapa-overthink ako ng malala. Kainis.

Sabi na eh. Hinampas ko siya sa braso at tinawanan lang kami ng teachers namin. Nakita kong paalis na sina Grace at Jaz mula sa tindahan ng turo-turo. Nainggit ako. Sabay kaming kumakain ni Keon kapag break pero 'di kami gaanong nag-uusap.

I'd like to be with my friends soon.

"Zera! Pangalawang missed shot mo na 'yan." Nagising ako sa tawag ni ma'am Sab.

"Sorry po." Umayos ako ng tayo at nakipagpalit kay Keon.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" He signaled to them na time out muna. Dumami lang bigla ang isipin ko.

"Okay lang ako. Marami lang iniisip." Nginitian ko siya at nag-thumbs up pa. 'Di ko pwedeng istorbohin ang iba dahil mas gusto kong ako na lang mag-isa.

'Pag sa iba, handang makinig. Pero 'pag sa sarili, iniipon.

"Let's talk it over later if you'd like." He said in (what I think) a worried tone. "Walang mawawala sa'yo. My ears are good at listening."

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now