Chapter 24 - The Flight

Start from the beginning
                                    

Well, ayos lang naman na ininvite ko si Kim at Joshua sa buena noche namin dahil hindi naman kami nag a-act ni Jea na we're together at hindi kami nagiging suspicious sakanilang tatlo ni Zoe.

Baka kasi isa kay Joshua at Kim ang traitor.

Pero malabo kasi talagang si Joshua 'yun. Sa kulit nun?

Kaya si Kim talaga 'yung pinag-dududahan ko. Bukod sa mataray sya sa'kin nung una, hindi rin maganda ang approach nya sa'kin noon.

It can't be Zoe rin dahil sa sobrang bait at pure nya like Joshua. Ako nga 'tong hindi maganda 'yung approach sakanya nung una.

I even called her stalker.

Hindi ko alam na pwede kaming maging close, just like this.



Kinabukasan, i waited for Jea to call me. Tanghali na, actually. Kina-kabahan na nga ako dahil baka ghinost na ako nito.

Saktong-sakto naman sa overthink ko, biglang nag-vibrate 'yung cellphone ko.

My cellphone is letting me know na may tumatawag sa'kin.

"Oh gosh, oh gosh! Jea?!" I didn't even bother to look kung sino 'yung natawag sa'kin.

"Mama ito Ja-neh anak. Punta ka dito, may hinanda akong food para tanghalian." I looked at the name and tama nga, si mama.

Nawala 'yung abot-tengang ngiti ko.

Pero don't get me wrong, i love my mama. Sadyang disappointed lang ako kasi kanina pa talaga ako naghihintay sa tawag ni Jea.

Grabe rin trust issues ko, maski boses hindi ko na pinagkakatiwalaan eh.

"Sige ma, be there in two hours." 10am na. Saktong ala-una ako makakapunta dun.

Pagka-end ko ng call, nag vibrate ulit.

This time, nakita ko na si Jea na talaga 'yung tumatawag. Kaya bumalik ang abot-tengang ngiti ko na kanina'y nawala.

"Hello babi! I'm already here in my penthouse on seattle." Akala ko ba New York?

Oh well, mayaman sya at i guess marami syang pambili ng penthouse.

I'm not going to overthink over a little thing na maski ako, kaya kong sagutin gamit ang utak at tiwala ko sakanya.

"How's the flight?" Tanong ko. "It's actually tiring, even though i'm just sitting in a chair of the airplane." I laughed at her dahil she do sounds tired.

"Well, i hate to break the call but i need to go and change my clothes dahil pinapa-punta na ako ni mama sa bahay."

"Wait, aren't you in your parent's house?"

"No, umuwi muna ako sa sarili kong bahay. Baka mamaya magkaroon na ng multo rito dahil hindi ko nanaman inuuwian." I jokingly said, then chuckled afterwards.

"Stop joking about ghosts. You know that i'm alone here, right?" Gosh, takot pa rin sya sa multo? Ang tanda-tanda na eh.

"Awooo!" Asar ko pa sakanya while laughing at her. "Jane, stop!" Ito na, titigil na.

"Gosh! Now i need to go outside just to forget your joke!" Grabe, ganon ka-lala pagka-takot nya sa multo?

Oh well, hindi ko naman hawak at kontrolado ang mga fears nya.

I once again said goodbye to her and nagbihis na ako.

Tinatamad pa nga ako pumunta kina mama kasi feeling ko may something na mangyayari na hindi ko magugustuhan?

Ewan ko ba.



Nakarating ako sa bahay ng 12pm. Sabi pa nga ni mama na ang aga ko eh.

Kumain kami ng lunch at aalis na sana ako, pero mama said na may surprise party raw.

Two GhostsWhere stories live. Discover now