"Huh? Nalilibang ka na ba? Ikaw magugustuhan ko? Never!" Ouch! Pero ok lang di ka naman worth it noh!
"Ok, sabi mo eh. Sige na babalik na ako sa room baka hanapin na ko ng teacher natin"
Pagpasok ko sa room, binigay agad sa akin ng teacher namin ang test paper. Mukhang magchechek na ng quiz namin. Well, very obvious naman.
Hinanap ko yung pangalan ni Luigi pero wala sa akin yun. Tinignan ko pa yung hawak-hawak ni Amy na siyang kasama ko sa pamigay ng mga test paper.
"Nandyan ba test paper ni Luigi?" Tanong ko.
What if isipin niya na crush ko si Luigi gaya ng iniisip ni Law. Shumers ayoko nun. Wala na akong pakelam kung ano naisip nila. Basta ako malinis konsensya ko.
"Wala dito, gusto mo siya noh? Kaya hinahanap mo."
"Hindi ah! Si Venus kasi inutos niya sa akin" sabay kindat ko sa kanya. Tumawa siya ng onti saka umiling.
Umiling din ako. Mukhang di siya naniniwala sa akin. Bahala siya diyan! Hmp!
Pinamigay ko muna ang hawak kong test paper. Kinuha ko muna ang test paper ni Law. Siguradong walang makakatanggi sa isang Law Arsenio!
Pwera lang sa akin. Of course!
Pinuntahan ko bawat kaklase ko pwera lang sa JELL. Laking ginhawa ko na, na kay Mae lang pala.
"Gusto mo mag-exchange tayo?" Paligoy-ligoy kong tanong.
Nagdadalawang isip pa siya pero pinakita ko ang test paper ni Law. Doon siya nagsang-ayon.
Sabi ko nga ba walang makakatanggi sa kanya.
"Palit tayo Venus" kunwari ngiwi ko.
"Huh? Bakit?" Naguguluhan na aniya.
"Kasi madaming chechekan dito noh! Nakakatamad kaya mag check" hawak-hawak niya papel ni Tres. Onti lang naman yung magsagot hehe.
"Sino ba chechekan mo?" Tanong niya. Parang umilaw ang mata ko bigla. This is a sign!
"Si Luigi" ngiti ani ko. Napangiwi pa siya sa sinabi ko. Kalaunan pumayag din.
"Sige"
As expected, onti lang ang sinagutan ni Tres.
14/50
Muntik pa mag-ten.
Napatingin ako kay Venus na pabalik-balik sa teacher. Dalawa na yung chechekan niya isa kay Luigi at isa kay Mae. Walang may gusto mag-check sa kanya kaya si Venus na lang nag-usa. Chechekan ko sana kaso ang gulo ng sulat niya.
Lumapit ako kay Tres at pinakita ang papel niyang muntik pa mag-10.
"Ok lang yan atleast di 1 point"
"Sige sinabi mo eh"
Comfort ba tawag sa sinabi ko? Di talaga ako marunong mag comfort. Tuwing ganoon ginagawa ko mas nagiging worst lang situation. Mas maganda nga na itikom ko na lang bibig ko. Oo nga mas maganda iyon.
"Ayoko na! Gusto ko na lang magpasagasa sa van" ang baba naman kasi ng score ko.
15/50
Beh isang point lang taas ko kay Tres.
"Good job! Classmate goals talaga tayo Shreya" tawa na aniya saka inakbayan ako.
Note! Quiz pa ito. Sa periodical 100 yung items.
"Ano ba! Classmate goals pa talaga" naiiyak na ani ko saka inaalis pag-akbay niya
"Hoy! Wag ka na umiyak!" Pagbawal niya sa akin.
"Pake mo! Yan na nga test paper mo saksak mo sa bunganga mo yan ah!"
15/50??!! Ang worst si Law pa yung nag-check. Di ako maka get over sa score ko. Di ko muna inintindi si Law noon binigay niya sa akin papel dahil kinakabahan ako sa score ko.
Lagi na lang siya.
Nakakasawa na.
Lumapit sa akin si Elio. "Ano kailangan mo ha." Tanong ko agad. Badtrip na ako dahil sa score ko tas dadagdagan pa nitong lalaki na ito.
"Ilan ka?"
"Beh. Kalikod mo lang si Law bat di mo itanong. Hmp!"
"Ay sorry naman. Ilan ka nga?"
"15, happy?!"
"15??!"
"Sige ulitin mo pa. Isigaw mo na din nahiya ka pa eh. Ikaw ba, ilan?"
"49"
Taas naman!! Nakakahiya talaga score ko oh!
"Edi ikaw na. Sana all"
"Ikaw pa talaga galit diyan. Sinagot ko lang naman tanong mo"
"Di ako galit"
"Di galit ka eh"
"Di ah"
"Galit ka"
"Hindi nga eh"
"Weh"
"Di nga sinabi! Kulit!"
Di ko na naiwasan na mapatayo at mapasigaw sa kulit niya. Napatingin naman ang lahat sa amin. Nagpaumanhin kaagad ako saka umupo.
"Di ko ma-keri yung kulit mo sa totoo lang" natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Hahaha, para ma-keri mo beh. Lagi na lang ako nakadikit sayo" gaya niya sa pagsalita ko.
"Nge" pareho kami napatawa sa nge ko. Ayos lang pala siya kasama.
Di tulad ng isa diyan.
Yung batas diyan!
Napatioim ako gamit ang bibig ko.
No! Rule number something : no nickname sa main lead.
Dahilan ito ng pagkakaroon ng romantic relationship between the characters.
Napalingon ako sa dilim ang mga mata na tumitingin sa akin. Nagulat ako na si Mae pala yun.
Is she jealous?
Shumers kala ko si Law lang gusto niya?
Teka bakit maka-Law ako ngayon ah! No!
"Ok ka lang ba? Biglang kang nagugulat dyan beh" singit ni Elio. Nandito pa pala ito sa tabi ko.
Operation 1 . Failed
Diko naman naging close si Luigi, kaloka. Mas naging close niya ata si Venus kesa sa akin. Which is good naman kasi yun yung unang ideya ko.
Blessing in disguise ang nangyari.
At dahil yun kay Mae, tsk!
-----
To be continued....
happy 8th monthsary auo!!
Thank you for voting (≧▽≦)
©ikigai2u❣
[2022]
YOU ARE READING
An Unpredictable Operation
FantasyMystic series #1: Reader x Ml Serene Riyanna Lagasca is a teenager turning senior high this school year. She is the eldest among her siblings. She always titles herself as a black sheep of the family. Reading fiction books always gives her a sense o...
Operation 10
Start from the beginning
