Pagkarating ko, lumaki ang mata ko nang natanaw ko si Luigi na pinapakain ang tatlong pusa.

Nagtago muna ako sa malaking puno. Kumunot ang noo ko. Luigi? As in Castor Ludwig De Basque? Impossible diba?!

Sila yung pinaka mayabang sa buong klase. Hindi din pala sa buong klase pati din sa buong school.

JELL pa yun title nila. Pati title nila baduy!

He slowly stroke the cat's fur while wearing a smile on his face. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

Lumapit sa akin yung isang pusa. Bumaba ako para amuhin siya. Ngumiti agad ako sa pusa.

"Venus?" Takang ani Luigi sa akin. Natigilan ako sa tanong niya saka inangat ang ulo para tignan siya.

Gulat ang makikita sa mukha niya. Tumayo ako nang lumapit sa kanya ang mga pusa na inaamo ko. Nahihiyang tinago ko ang mga dala kong pagkain sa likod ko. Bumaba naman ang mata ko sa pinapakain niya sa pusa.

Cat treats, na talagang pang pusa talaga. Pati pagkain ng pusa mamahalin. Kasama din iyon ng gatas.

Paano naman ako, ulam namin ito saka kanin na di maubos ng kapatid ko.

Nahiya ako pero na balewala din iyon. Bakit ako mahihiya? Eh, di naman siya pinuntahan ko kundi ang mga pusa.

Inalis ko sa pagkatago ang hawak kong pagkain na dinala ko. Lumapit ako sa dalawang pusa na pinapakain niya.

"Mahilig ka pala sa mga pusa" aniya

"Ah, oo. Ikaw din pala"

"Obviously"

Tingnan mo ang sungit. "Joke, yes.  Mahilig ako sa mga pusa"

"Hala nag-joke ka" di  makapaniwalang ani ko. Umiling na lang ako sa sinabi ko. Nilapag ko ang pagkain dala ko sa harap ng mga pusa. Pumunta na ang pusa na inaamo kanina ni Luigi.

"Baka di nila to maubos" bulong ko.

"Oo nga eh. Di ko naman kasi alam na ikaw pala ang nagpapakain sa kanila. Kala ko mga janitor sa school natin"

"Syempre di mo maaalam di ko naman sinabi sayo eh" pagbibiro ko.

He stopped for a second then he blink his eyes. Tumawa siya ng malakas.

"Ano naman nakakatawa sa sinabi ko" pagtatayo ko sa kanya. Patay malisya lang.

"You're cute"

Nagulat naman ako sinasabi niya. Tinuloy namin magpakain sa mga pusa hanggang matapos.

"Sa susunod ulit" tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ayoko nga! Mauna na ko." Paalam ko saka tumakbong mabilis.

"Hay nakakapagod naman" bulong ko sa sarili. Kakauwi ko lang galing trabaho. Nasa kwarto ako ngayon nakahiga at hawak-hawak ko ang sellphone ng mama ko.

Luigi De Basque invite you to join helpful guide to cute cats

Luigi De Basque sent you a friend request.

Biglang lumitaw pangalan ni Luigi. Binuksan ko iyon.

Luigi De Basque
Facebook
You're not friends on Facebook

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now