"Ay oo kami nga o sya may nakita ka namang address diyan kaya pumunta kana dito para makausap mo din yung magiging boss mo".

"Sige po". Masayang pinatay ko ang tawag sapangkat magkakaroon nako ng trabaho okay lang kahit na nanny ang mahalaga meron nakong trabaho. Di ko na naubos yung pagkain ko dahil sa pagmamadali.

Kinaway ko ang aking kamay ng makakita ako ng taxi, sumakay ako at sinabi ko sa manong driver kung saan kami pupunta. At nakita kong papasok kami sa subdivision huminto ang taxi at tinignan ako ng guard at saka sinabi ni manong ang address, ay pinapasok na kami, at halos maluwa ang mata ko dahil sa anlalaki ng bahay at halatang mayayaman ang mga nakatira. Huminto ang taxi.

"Manong eto na po ba yon?"

"Oo hija yan ang nakasulat dun e". Nakangiting ani ni manong.

Bumaba nako at nagpasalamat. Tiningala ko ang bahay at sobrang laki hindi na ata bahay ito e mansyon na, paano ba naman sobrang laki mas malaki pa ito kesa dun sa mga naunang bahay at dulo pa sya ng subdivision. May nakita akong maliit na bilog kaya pinindot ko yon, hanggang sa may lumabas na babae, na nasa tingin ko mayordoma ng bahay na ito. Lumapit ang babae at nginitian ako. Pinagbuksan nya ko.

"Ikaw ba iyong tumawag kanina?"

"Ah opo manang ako po ulit si Keisha Kate Navarro". Nakangiti kong ani sa matanda.

"Ako nga pala si Luisita ang mayordoma ng bahay na ito, tawagin mo na lamang akong manang Luisita".

"S-sge poo.."

"Ngumiti siya, at pinapasok nako. At halos maluwa na talaga ang aking mata, mas maganda pa yung nasa loob kesa nung nasa labas pako. Sobrang kintab ng sahig nila na halos nakakahiya ng paakan sa sobrang kintab at linis. At ang ganda din ng chandelier at ganun din ay sobrang kintab at
yung bintana ay sobrang linis at kita dito sa loob ang bakuran. May hagdan at baka dun ata ang second floor at ang kintab din ng hagdan nila. Pumasok ako sa kusina at sobrang ganda. Wala akong masabi grabe sobrang yaman ng boss nito ni manang.

"Hija sumunod ka lang sakin ah".

"S-sge po".

"At umakyat kami at may nakita akong tatlong kwarto. Pumunta kami ni manang sa pangatlong kwarto at may nakasulat dun na Office".

"O'sge hija iwan na kita kumatok ka na lang o'sya may gagawin pako sa baba". Tinapik ni manang ang balikat ko at saka ako iniwan".

"Grabe kinakabahan ako hinga muna malalim Kate, inhale exhale. Inangat kona ang kamay ko at kumatok.."

"Come in". Baritonong boses ang nagsalita. Kaya pinihit kona ang pintuan, at ang una kong nakita ay ang sofa at sa gitna nun ay maliit na lamesa sumunod naman mga libro sobrang dami ng libro at makakapal, at may nakita din akong bintana at tanaw dito ang ganda ng bundok.

"Ehem".

Lumingon ako sa nag "ehem" at ang pogi nya meron syang makakapal na kilay, matangos na ilong at yung mata nya ay singkit ngunit bumagay naman sa kagwapuhan nya at ang mahahabang pilik mata na bumagay din sa singkit niyang mata at ang labi niya ay mamasa masa at namumula, at ang hugis ng kanyang panga ay bumagay din sobrang pogi niya. Nasa kanya na ang lahat at masasabi ko lang ay bagay kami.

"Are you done fantasizing me?" May ngising sabi niya.

"Ay shit nakakahiya yun, nagtanggal muna ako ng bara sa lalamunan at saka kiming ngumiti".

"A-ahm a-ako p-po s-si Ke-Keisha K-Kate Na-Navarro". Napayuko ako shit nakakahiya talaga bakit ba ako nauutal. Kiming ngumiti ako sa lalaki.

"Oh okay have a sit". Umupo ako sa katapat ng kanyang lamesa. Inilahad niya sakin ang kanyang palad.

"Can i see your resume?"

Inabot ko sa kanya ang aking resume. Tumango tango siya habang binabasa ang aking resume. Pagkatapos ay binalik na nya sakin ang resume ko.
Hinawakan niya ang kanyang baba, at tumingin sakin, shit na yan makalaglag panty ang peg tumigil ka nga Kate andito ka para mag trabaho hindi lumandi.

"My name is Nicholas Templeton". Inilahad niya sakin ang kanyang kamay. Kaya alanganin kong tinanggap. Pagdikit ng aming palad, ay bigla nalang may kuryente na dumaloy sa katawan ko at bigla na lang tumibok ng mabilis ang aking puso".

"Can you remove your hand first?" Saka lang ako natauhan ng nagsalita siya kaya agad kong tinanggal ang aking kamay, at ng tignan ko siya ay may ngisi sa kanyang labi.

"You're hired, uhm ang gagawin mo lang naman ay babantayan mo lang ang aking mga anak".

"Mga" wag niyang sabihin na..

"They are twins, ang gagawin mo lang naman ay babantayan sila and you will also make their food as well as take a bath at ikaw din ang maghahatid sundo sa kanila that's all." Mukang nabasa nya ang nasa isip ko.

"Ga-ganun p-po b-ba".

"Yeah".

" Uhm k-kelan po ako mag uumpisa??"

"Tomorrow but let's wait for them because the driver has already picked them up, ipapakilala lang kita sa kanila pagtapos magpahinga kana bahala na si manang bukas ang mag assist sayo."

"Ok po".

"Umalis kana, tanungin muna lang si manang kung saan yung room mo? Tumayo nako at yumuko ng konti.

"Sge po sir a-alis nako". Tumango siya na di tumitingin sakin kaya medyo nalungkot ako, hays baliw nako".

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now