Nakaupo kami magkatabi sa sofa sa sala habang nakabukas ang tv sa harap namin. Kinuha nya ang aking ulo at nilagay sa kanyang braso.

"Salamat Kevin dahil lagi kang nanjan. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil may kaibigan akong tulad mo."

_________________________________________________

"Hoy Mark gising na. Tanghali na."

"Mamaya pa. Inaantok pa ako." nakapikit pa mga mata ko.

"Marami pa tayong pupuntahan."

"Mamaya na. Inaantok pa talaga ako."

"Mahiya ka naman sakin Mark. Ako dapat ang nagpapahinga tapos ikaw naman ang tulog ng tulog. Pinilit kong gumising para lang paglutuan ka."

Patay don! Ayan nangunsensya na si Huget. May point nga naman si loko, dapat ako ang gumagawa non. "Eh kung mabinat sya Mark?!" sabi ng konsensya ko.

Bumangon na agad ako. Sa sofa na pala ako nakatulog. Hindi na ako nagbago. Kahit nakaupo nakakatulog agad ako. Batugan ba?

"Bakit hindi mo ako ginising para naman nakalipat ako sa kwarto." tanong ko sa kanya habang pupungas-pungas.

"Ang sarap ng tulog mo sa braso ko paano kita gigisingin? Nag-drama ka pa kasi kanina." ayan nabuhay na naman ang ngiti nya, ngiting nakakagago.

Agad akong tumayo at diretso sa kwarto. Kinuha ang cellphone ko at tinawagan si yaya. Wala na akong nagawa kundi sabihin ang totoo pagkatapos ay ginayak ko na mga gamit kong isusuot. Nag-ayos ako ng sarili sa banyo. Sabay ulit kami kumain. Nagluto pala sya, A-D-O-B-O na naman. Yun lang kasi kaya nyang iluto kaya pagbigyan na natin. Pagkatapos ay gumayak na kami.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta."

"Ayan na naman yang basta nayan."

"Marami tayong pupuntahan."

"Okey ka na ba?"

"Tsssk. Masyado ka naman nagaalala."

"Nataranta ako kagabi sayo."

"Bakit naman?"

"Akala ko mamamatay kana."

"OA mo naman."

"Seryoso yun. Natakot talaga ako."

"Eh mahina pala loob mo eh."

"Sige ganyanin mo ko, kapag nilagnat-lagnat ka ulit mamaya pababayaan kita."

"Ang cute mo!"

"Bakit ngayon mo lang ba nalaman?"

"Medyo."

Sinakal ko sya ipit ang kanyang leeg sa kanang braso ko. Pinitik ko ang tenga nya at ang kanyang ilong na madalas nya ginagawa sakin.

"Nanghihina lang ako pero humanda ka pag nakabawi ako ng lakas."

____________________________________________________

Nagpunta kami sa The Mansion, ayun picture picture. Pati yung guard sa gate tinitrip ni Huget. Utusan daw ba na maging photographer si manong guard. Ang ganda ng mga larawang kuha ni manong, sana naging litratista nalang sya. Hehe. Pansin ko iba ang titig nya kay Huget. Hehe. Naglakad lakad din kami sa paligid. Buti nalang at sumikat si haring araw.

Nag Botanical Garden din kami. Medyo nahirapan nga lang kami na hanapin ang lugar. Muntik na nga namin iwanan yung kotse sa Burnham park para mag taxi nalang para daw mas madaling makapunta sa lugar. Hindi yun magandang idea kaya hindi ako pumayag.

Buti nalang after ilang ikot at maling daan, sa wakas natagpuan din namin ang hardin. Pumarada kami sa gilid ng daan at naglakad nalang kami pababa. Sobrang daming puno at ang lamig ng simoy ng hangin. Para kang nasa loob ng kagubatan sa ganda. Maraming pwede upuan at syempre ang libo-libong bulaklak sa paligid na nagdadagdag attraction sa lugar. Umupo kami ni Kevin sa damuhan at nagpahinga ng konti.

Dumaan din kami Camp John Hay pero hindi na kami duon nagtagal. Hindi na nga namin nakuhang bumaba ng kotse.

Alas kuwatro na ng hapon ng makapunta kami sa Mines View. Hindi gaanong karamihan ang mga turista kumpara kapag vacation. Ang dami namin naging pictures habang nakaupo sa konkretong harang sa bangin at nakaharap sa breath taking view ng Mines. "You look cute together" sabi ng isang banyaga na nakasabay namin habang nakaupo sa isang higanteng bato. Takaw pansin daw kami lalo pa't wala kaming mga kasamang girls.

Tanong nga ng isa sa mga tindera malapit sa park, "Oh mga hijo nasan yung mga girlfriends nyo?" ngiti lang ang sinagot namin. Hindi nila alam kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Hehe. Maraming tindahan ng kung ano-ano sa gilid ng daan. Ang dami kong gustong bilin pero wala naman akong pera. Ano kaya mabili para kay Kevin? Sheeeet bakit ba kasi ako walang pera! Buti nalang may naisip ako.

"Kevin maghiwalay muna tayo. May bibilin lang ako."

"Ha? Wala ka naman pera diba?"

Oo nga pala. Hehe. Mali yung palusot ko. "Hmmm basta text text nalang tayo mamaya."

"Kanina pa kita gusto alukin ng pera para naman may mabili ka kaya lang nahihiya akong gawin yun, baka kasi kung ano isipin mo."

"Okey lang yun Kevin." ngumiti ako. "Oh pano text text nalang?" dagdag ko.

Kahit nagtataka ay tumango nalang sya sa akin. Una akong umalis at tinungo ang direction kabaligtaran ng sa kanya.

Marami-rami naring hakbang ang aking nagawa pero hindi ko talaga mahanap. Alam ko nandito lang yun eh. Ayun sa wakas nakita ko rin.

"Manong magkano sangla nato?" inabot ko yung ipod classic ko na may 80G memory. Maingat naman ako sa paggamit kaya mukhang bago pa naman yun.

"Hmmmm. Apat na libo."

"Ano?!"

"Ganyan lang talaga presyohan nyan." sabi nya.

Sheeeet badtrip! Bigay pa naman to' ng nanay ko sakin nung Christmas. Gusto ko kasi bilan ng regalo si Kevin.

"Sige po deal!"


Bye-bye ipod!

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon