“Hakdog. Ay esti, wala wala hehe”

Naku, gwapo pa namn kaso bingi lang. Char

Ipinagpatuloy ko na ang pag sasoundtrip, wala naman akong planong kausapin tung katabi ko. Mukhang masungit din kasi eh.

Hays. Traffic.

Huminto bigla ang bus, laking gulat ko nang andaming mga estudyante ang sumakay. Sa unahan kasi paaralan na yun kaya madaming mga estudyante ang sumakay. Naging siksikan ang bus, may mga nakatayo na dahil naubusan na nang upuan.

May matandang sumakay at wala na syang maupuan kaya, tumayo ako.

“Lola, dito kana umupo.”

“Lola, dito kana umupo.” sabay naming sabi ng katabi kong lalaki.

Nagkatinginan kami at sumenyas sya na parang nagsasabing “Umupo ka” nakss gentleman naman pala. Kaya ang ginawa ko ay umupo na lang ako at tumayo sya. Pinanuod ko sya kung paano nya inalayan yung matanda. Habang pinapanuod ko sya ay nakangiti lang ako.

“Salamat, iho.” sabi ng matanda.

Pagkaupo nang matanda ay kinausap nya ako.

“Ang swerte mo sa jowa mo, iha ah.” nanlaki ang mga mata kong napatingin sa lalaking katabi ko kanina. Rinig nya kasi ang sinabi ng matanda, tiningnan ko sya ngunit wala akong nakitang expression sa mukha nya. Siguro nahihiya lang sya.

Shocks! Jowa?!

“Ah, lola hi-hindi ko po sya j-jowa.” nahihiyang sabi ko.

“Ay, hindi ba? Bagay kasi kayo eh.” ay si lola palabiro. Well truth be told.

“Naku, lola. Yan!” sabay turo ko sa lalaki. “Eh, hindi nga po ako pinapansin nyan eh. Tapos ang sungit sungit pa.” parang batang nagsumbong sa magulang.

Tumawa lang yung matanda at nilingon ko yung lalaki, napansin ko eh napakamot lang sya sa kanyang ulo.

Kahit sa pagkamot nang ulo, gwapo pa din.

Unfair.

Bumaba narin ang matanda at medyo maluwag luwag na ang bus kasi nakalagpas na kami sa paaralan malapit na ako sa paaralan namin.

Nakarating na ako sa paaralan ko.

“Para po.” sabay ulit naming sabi.

Wait! Ha?! Dito din sya bababa?

Baka may jowa dito sa school namin, diba baka dadalawin lang nya.

Ah basta bahala na. Bababa na ako.

Sya yung unang bumaba at sumunod naman ako. Papasok na ako sa building namin at napatitig ako sa phone ko nang nag ring ito.
Sinagot ko ang tawag.

“Oh! Asan kana?” si Megan.

“Andito na, kararating ko lang.”

Luminga-linga ako nang mawala sa paningin ko ang lalaki. Baka nga may jowa to dito kaya pumunta dito sa school namin.

Papasok na sana ako sa building nang may marinig akong mga babaeng sumisigaw.

May sunog ba?

Naglakad lang ako nang naglakad at malapit na ako sa room namin nang biglang lumakas ang kaninang sigaw.

Anong nangyayari?

Buti at tumigil na ito.

“Settle down, be quiet.” rinig ko ang professor namin.

Hala, late na ako?

Kumatok ako sa pintuan dahil nakasara iyon at pinagbuksan naman ako ng professor ko.

“Miss Garcia, you're late.”

“Sorry Miss, traffic po kasi.” nakayukong sabi ko.

“Anyway, settle down. I have an announcement.”

Nakayuko parin akong pumasok at umupo sa chair ko.

“Antagal mo naman.” bulong ni Megan sakin.

“Naku, traffic nga diba.” nakayuko parin ako at ayaw kong tingnan ang prof. ko dahil sa hiya.

“Okay, let me introduce to you all. Doc. Drenz Clifford Smith who owns Smithsonian Hospital.” nakatingin pa din ako sa baba, kasi ayaw kong mag ka eye contact sa prof. ko.

Nakakatakot.

“A round of applause, please.”

Nagpalak-pakan ang lahat. Nakipagpalakpakan narin ako ket diko kita ang mukha ng doktor.

“It's nice to be here, in this school.” that voice, is very familiar.

Biglang nabuhayan ang puso ko at lakas loob na tumingin sa harap kung saan nandoon ang prof. ko at ang doktor.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala.

Yung lalaking nakatabi ko kanina sa bus ay itong nasa harap ko ngayon at isa syang doktor. Nagmamay ari ng pinaka sikat na hospital.

Si Mr. Sungit ay doktor.

Pag-ibig Sa Unang BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon