Sobrang sama nito dahil bumabagsak na lahat ng dipensa ko na hindi mahalin ang taong ito.

Axcel's POV

Hawak ko ang isang stem ng sunflower at napatingin ako sa buong paligid.

Malayo ang lugar na 'to.

Napatingin ako sa lapida sa kanan ko.

When Sun rise in the Garden

Yan lamang yung katagang nakaukit sa lapida nito.Wala ni kahit na anong pangalan o date man lang kung kailan ito nawala. Pero madalas itong padalhan ng mga pulang rosas  ng mga Altamirano ayon sa imbestigador na nahire ko.

"Ayaw ng mga Altamirano ng eskandalo..." nakangising bulong ko sa hangin dahil hindi ka nila maitatago ng matagal. Nilapag ko yung sunflower sa gilid ng lapida nito kasama yung mga rosas na nasa paligid.

"Hindi maitatakas ni Callen ang Mommy mo sa akin..." bulong ko sa lapida bago ako tumayo ng maayos at pagtalikod ko ay may sumugod sa akin. Halos parang yakap na nya ko at ramdam ko yung bagay na parang halos nakatarak na sa may gilid ng tyan ko. Napalunok ako at hindi ko matanya kung bumaon ba iyon o kung ano.

"Papatayin kita kapag may nakaalam...." malamig na saad nito sa akin.

"That's enough Ishan...." Napaangat ang tingin ko sa pinagmulan ng isang pang boses. K-Kaia.

Tawang tawa itong nilalang sa harap ko ng bumitaw ito sa akin. Pagtingin ko sa damit ko ay may kaunti itong dugo. Bumaon yung tip ng swiss knife nya. Para itong batang lumapit kay Kaia. Napangisi ako. Papatay talaga sya. Mabait pareho ang mga magulang nya pero bakit kakaiba sya?

"Don't push yourself with the Altemirano. Hindi mo talaga sila kilala." seryosong saad ni Kaia.

Napangisi ako.

"Bitawan ni Callen si Daph... magiging okey ang lahat." nakangising saad ko.

"You don't understand... wag mong gawing komplikado ang buhay mo. Si Callen ang magiging masahol na makakaaway mo. Huwag mo syang galitin." saad ni Kaia. "Hindi mo makukuha si Daph sa kanya."

"Hindi mo din pwedeng gamitin yung mga bagay na nangyare sa Palawan dati patungkol kay Daph... that's the worst thing you will do." kaswal na sabi ni Ishan. Tama sya sa parteng iyon pero doon ko matatalo si Callen.

"That's the Callen's fall down right?" ngisi ko. Nagtataka silang napatingin sa akin.

"Don't act like you don't remember every single thing happened that night Axcel." saad ni Kaia at humakbang sya palapit doon sa puntod at kinuha nya yung sunflower na nilapag ko kani kanina lang. Tinapat nya iyon sa sikat ng araw at waring sinipat sipat nya.

"Baka iyon din yung greatest fall down mo. Calculate everything you plan. Make sure na hindi makakalaban yung pinsan ko sayo... Isang pasadahan na laban lang yung gawin mo kase..." binaba nya yung sunflower pabalik doon sa puntod.

"Kapag nakapag isip iyon..... wawasakin nyang lahat ng mayroon ka sagad sa pamilya mo." nakangising saad ni Kaia sa akin.

Kaya ko syang sabayan sa lahat ng kagaguhan nya. Sa akala ba nya. Kaya kong sirain yung buhay ng Altamirano na yun.

Iniisa isa naman nila ang mga kaibigan ko bakit hindi pa namin sagarin.

Uunahin ko ang Riyon na yun.

"Just Daphne.... wala akong pakialam kung may masasaktan man o ano..." saad ko bago ako humakbang palayo sa kanila.

Habang pabalik ako sa sasakyan ko ay tinawagan ko yung kapatid ko.

"Uunahin natin yung nanahimik.." malamig kong saad.

Callen's POV

Pinapanuod ko sina Daph at Nanay Grace habang nag aayos ng table dito sa may garden sa harap ng bahay namin. Masaya si Daph na kasama si Nanay Grace. It makes me calm.

Mayamaya ay kung anu ano na yung tumatakbo sa isip ko. Next week ay pabalik na kami ng Pilipinas. Alam kong magbabago ang lahat kapag balik namin.

Hindi ako papayag na mawala ng lahat ng 'to sa akin. Lahat ng pangyayare sa Palawan nung may nangyareng masama kay Daph... hindi ko alam kung paano ko maaayos. Para akong mababaliw.

"Roi!" masayang tawag sa akin ni Daph kaya natauhan ako at napangiti ako sa kanya. Kinawayan nya ko na lumapit kaya napasunod ako.

Pagkalapit ko ay yinakap ko na sya at napangiti ako na pasimple syang sumiksik sa akin.

Nagiging clingy na din sya kahit may ibang tao na yung nakaharap sa amin. Nagpaalam si Nanay Grace sa amin na kukuhanin na nya sa loob yung mga pagkain na niluto nila ni Daph. Tutulong bale si Daph pero pinigilan ko sya. Pagkaalis nga ni Nanay Grace ay yinakap ko si Daph ng mahigpit. She rested her chin to my shoulder at gumanti sya ng yakap sa akin na syang kinangiti ko.

"I like you..."

Doon ako napatulos at halos magwala yung kalooban ko sa saya. Hindi ako makawala sa yakap nya dahil ibig ko pa man din syang iharap sa akin. Nahihiya sya? Napangiti ako sa saya.

"T-tama yung narinig ko di ba? Y-you said you like me?" pagsisiguro ko at lalong humigpit yung yakap nya kasabay ng pagtango nya.

Kinakain ng saya yung sistema ko kasabay ng isang malaking takot.... takot na mawala sya sa akin. Hindi ko kaya....

"Daphne... I love you.... kahit anong mangyare hindi kita susukuan..." anas ko habang yakap ko sya.

Gagawin ko ang lahat. Isang pagkakataon lang ito. Hindi dapat ako pumalya sa pag iingat at pagmamahal sa kanya
...............
Hahahahaha no need na para manghula dahil lahat kayo mamaliin ko sa dulo XD

Vote kayo at comment na din.

Salamat sa suporta at pagbabasa

~dark19

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now