Chapter 16

251 9 1
                                    

𝘼𝙮𝙚𝙣 𝘾𝙖𝙨𝙨𝙖𝙣𝙙𝙧𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨




"AYOS NA LAHAT... pano honeymoon niyong dalawa?" Kasama ko ngayon si krista rito sa kwarto namin ni kade. Si kade naman? Ayun pumunta na sa mga kaibigan niya.




Pagkatapos naming kumain kanina saka lang dumating si krista.




"Krista" suway ko sa kaniya, simula ng dumating siya 'yung honeymoon na palagi niyang tinatanong. "Pwede ba wag muna natin pag usapan yan, ilang araw na rin babalik na si daddy shun sa Japan at tita cha sasama si mommy Rina" kwento ko kay krista, kanina lang din ito sinabi nina mommy rina at daddy shun.




"ha? Bakit" tanong niya sakin.




"Abay malamang nandu'n ang trabaho nila. Simpre babalik sila roon" nguso ko.




"Bakit sasama si tita rina? Hindi na ba siya magtuturo rito?" Tanong niya.




"Iwan ko, basta ang sinabi lang niya ay sasama siya at doon tumira pansamantala. Matagal na rin daw siya nagtuturo rito eh" iwan ko, pero sigurado rin na sasama si kade at tiyak na makakasama rin ako.




"So? Sasama kayong dalawa ni kade?"




"Tingin mo magpapaiwan iyun dito?" Tingin ko kay krista.




"haist, makakakita ka na niyan ng japan?" Tawang tanong niya sakin.




Well bakit hindi? Pupunta doon asawa ko simpre kasama na rin ako... Wait  𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰?... Wooo, kong maka asawa ko ah.




"Ito na ba lahat ang mga damit ko?" Tinignan ko lahat ang dala niya. May dalawang malita at dalawag bag na sakto lang ang laki.




"Oo, iyan na na 'yung pinadala ni tita rito" bumuntong-hiniga siya at nagsalita ulit "akala ko nga ako lahat mag bibitbit nyan, aayaw na sana ako kay tita eh, buti na lang si manong driver"




Napailing na lang ako sa sinabi niya, parang sira rin 'no kahit nga ako ang may-ari nito hindi ko rin bubitbitin 'to ang bigat kaya.





"Sira, pero salamat talaga Krista" lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Ikaw pa tuloy nagdala ng mga gamit ko rito, wag kang mag-alala pag ikaw naman ang ng asawa ako, ako naman magdadala lahat ng gamit mo sa bahay ng asawa mo" iwan ko kong bakit ako natawa sa sinabi ko.




"Lumayo ka nga sakin" tulak nya sakin nagdahan dahan. "Ano first day niyo ni kade? Okey lang ba?"




"Ahmm" nag isip pa ako "okey naman" kibit balikat ko.




"Panong okey? Wala bang nagyari?" Tinulak tulak pa niya ako gamit ang kamay nya nagdahan dahan.




"Nagyari? Wala naman, yung pag-uusap namin hindi na... Gaya ng dati, yung kami pa" napipilitang ngiti ko.





Oo natulog kami ng magkatabi ka Gabi at kaninang umaga muktik na kaming mag-... Iniling ko ang ulo ko sa naiisip ko. walang lang iyun pero tapos nu'n wala na parang walang nagbago ganon pa rin.




"Ayy anu ba 'yan" dissapointing binalik niya ang tingin sa cellphone nya. "ghe na aalis na ako, iyan lang naman pinunta ko rito. Basta sabihan mo ako kong kilan alis niyo" niyakap niya ako at hinalikan sa pisnge.




"Hatid na kita sa lahat" pag-o-offer.




"Ikaw bahala" lumabas na siya at sumunod na ako




MAAGANG naka uwi si kade sa lakad nya at nasa sala kami ngayon kasama ang mga magulang ni kade pag-uusapan nila ang tungkol sa pag alis paputang Japan. Sasama kaya si kade? Oo gusto kong makakita ng Japan pero, ayaw ko rin malayo kina mommy at daddy. Saka iyung clinic ko kawawa naman at maiiwan pa.




Kanina pagka uwi ni kade, I was about to talk to him hihingi Sana ako ng favor na wag na kaming sumama. Pero kong saan saan siya gumagala sa loob ng kwarto, kaya lumabas na ako at antayin ang desisyon niya.




"Kade, are you coming with us?" Tanong ni daddy shun kay kade.




Kade look at me then back to his dad "pa, sa tingin ko susunod na lang... Kami sa inyo, hindi pa nakakapag paalam si san kina mommy at may gagawin pa ako rito sa bansa. Kaya Mauna na po kayo"




Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi ni kade, hindi pa kami sasama? Salamat naman at naisip pa niya sina mommy. Baka mabigla iyun pagsinabi kong sasama ako kina kade papuntang japan, never pa akong nalayo sa kanya. Pero ano naman kaya ang gagawin ni kade nito?




"Okey if you say so, this Friday na kami aalis. Si tita cha at mama mo ang mag aasikaso ng ticket at passport namin. Kakausapin ko ang daddy mo, hija mamaya" ngiti ni daddy shun sakin.





"Sige, aayusin ko pa ang mga gamit ko" wika ni tita cha at umalis na. Si mommy rina, kade at ako na lang ang nasa sala.




"Ano pa ba ang aayusin mo rito kade?" Mommy rina asked.




"Ma, Akin na lang po iyun"




"Wag kang gumawa ng hindi maganda sa relasyon niyo ni San" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni mommy rina, what she mean by that?




"Ma, wala po akong ginagawang masama" tumayo sya at akmang aalis na ng magsalita ulit si mommy rina.




"Siguradohin" maikling aniya nya. Tuloyan ng umalis si kade. "Sige, anak baka tama rin si kade na baka mabigla ang mommy sa biglaang pag alis mo kaya aantayin kita na maka punta sa japan, ha?" Hinawakan nya ang pisngi ko at ngumiti sakin.




"Opo mommy rina, susunod po kami ni kade"




Napatingin naman ako Kay kade, bakit kaya ayaw niyang sumama ngayon? At ano naman kaya and importanting gagawin niya rito? Is he going to meet her mistress? Napaiwas naman ako ng tingin kay kade at sinusubokang alisin Ang iniisip ko. Wala akong magagawa kong may iba siya hindi naman niyang gustong makasal sakin.




"Sa kwarto muna ako." Ani ni kade tsaka umalis at nagtungo sa taas.




Nakatingin Lang ako Kay kade hanggang sa nakarating siya sa taas at lumapit sakin ang mama niya.




"Bantayan mo ang asawa mo, wag mong hayan na may lumapit na ibang babae." Hindi ko alam kong biro ba iyon o Hindi pero napatawa naman ako tsaka tumango.







______________
vote and comment cutiezzz...

Medjo nahihirapan ako sa acads ko haha... Iwan ko na lang pag college na baka diko na kayanin... Pero kakayayanin yun kasi may pangarap pa... Dapat kayo rin, wag tayong sumuko... Let's all reach our dreams together mga ka cutiezzz 🤞😚

MISUNDERSTANDING LOVEWhere stories live. Discover now