Episode 2 (New Friends)

0 0 0
                                    

ALEXI

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay upang tulungan ko si mama na magtinda ng turon, medyo mabili ang turon ni mama kasi ngayon at kilalang kilala yan kasi dito at yan ang pinakamasarap na natikman ko sa buong mundo hehe

Pinauwi na kasi kami ngayon ng mga 2 pm at bukas na ang simula ng klase namin.

“Kamusta ang school anak?” deretsong tanong ni mama sa akin ng nakatingin lang sa kanyang niluluto

“Okay naman po ma!” saad kong sabi, “Medyo naligaw pa nga po ako haha.” nahihiya kong sabi ng may pagkamot pa sa ulo

“Haha okay lang yan masasaulo mo din yan.” sabi ni mama

“Oo na-----

Ateeee!!!!!!” sigaw ng kapatid kong si leo na akala mo naman nawala ako ng dalawang taon ay hahaha ang sakit sa tenga

Bakit bagaaaa?” sigaw ko din pabalik sa kanya ng sinamaan ko siya ng tingin at kaka-awas niya palang sa school niya

“Ma-may suprise ako sa iyo ate. ” excited niyang sabi sa akin na may patago tago pa ang kamay niya sa likod, hmm ano kaya yun

“Talaga?? ano po ba yun?” tanong ko

“Pikit ka muna” utos niya sa akin ng may pagngisi pa at ginawa ko na yung utos niya

“Pagbilang ko ng sampo ay mulat ka na ha!” sabi niya, “1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10” pagbilang niya at minulat ko na yung sarili ko na may hawak siiyang papel na nakangiti pa

“Wow naman!!”saad ko, na nakaperfect kasi siya sa math, “Very good bunso! ipagpatuloy mo lang yan.” proud kong sabi at niyakap ko siya ng pinakamahigpit hahaha at yumakap na rin siya kay nanay.at nagligpit na kami upang makapasok na kami sa bahay.

Dadating din sa panahon na makakatapos din ako ng pag-aaral at mabibigyan ko na sila mama ng magandang buhay. Alam ko na kasing hirap na hirap na sila sa pagkakayod nila at minsan nakukulangan na rin sila ng pera dahil nagbabayad din sila ng mga utang. Balang aras hindi niyo na yan mararanasan yang hirap na iyan

“Maging matatag ka lang Alexi at wag sumuko, laban lang.” mahina kong sabi sa sarili ko habang nagtitiklop ng damit ko.

*Tok tok tok*

“Ano yon?” sigaw ko habang nagtitiklop parin ang dami kasi

“Kakain na daw tayo sabi ni mama.” sigaw din niya pabalik, “Okay!!” sigaw ko ulit at tumayo na ako upang kumain.

”Oh papa nandiyan ka na pala!” saad ko, sabay yakap hindi ko na kasi namalayan na nandiyan na pala siya at hindi kasi parehas ang uwi niya minsan maaga or gabing gabing na

Yan si papa Marco na pinakapogi na nakilala ko sa buong mundo na payatot, kayumanggi ang kulay niya, pilosopo kahit kailan at lasingerro din minsan pero mabait yan kahit may pagkamasungit buti na lang hindi ako nagmana sa kanya kung oo siguro ting ting narin ako hahaha joke lang

“Hindi wala pa ako dito." pilosopo niyang sabi sa akin na nakatingin lang sa pagkain niya at tawang tawa na si leo sa kanyang inu-upuan

“Eto naman si papa” sabi ko at umupo na ako sa aking upuan at kumain na ng adobong tilapia

Hindi kasi kami masyado nag uusap ni papa hanggang ganun lang kami pero okay lang sa akin ang mahalaga healthy sila.

“Leo ikaw na maghugas ng plato huh.” utos ko sa kanya at sumunod naman siya agad kaya love ko yan eh.

“Hayss.. salamat makakahiga na rin sa wakas!” mahina kong sabi at tumingin na lang ako sa kisame

Simula bukas magklaklase na kami sana hindi masyado mahirap at back to stress na ulit kami hahaha...

The Love I GaveWhere stories live. Discover now