06 - A Dozen of Dates

3.8K 146 18
                                    

"Heto! Isuot mo! Heto pa! Eto pa! At eto!"

Lahat ng mga hinahagis sa akin ni Cori ay kinukuha ko naman. "Uy Cori. Ano ba 'tong mga binibigay mo sa 'kin?"

Pinamaywangan niya ako habang hawak-hawak yung kulay itim na hindi ko alam kung ano.

"Tang¡na! Wag ka na ngang maraming tanong! O itong bulletproof isuot mo!" Siya na mismo ang nagsuot sa katawan ko ng bulletproof na yun.

"Para saan ba kasi 'to?"

"Nyeta naman oh! Eh diba makikipagdate ka sa mga gagong EKSO na yun? Kaya yan! Kelangan mo ng proteksyon!" sagot niya. "Hubarin mo yang pantalon mo! Isuot mo 'to!"

Binigay niya sa akin ang kulay itim na parang...

Diaper?

"Ano 'to?"

"Bulletproof diaper yan! Kaya kahit barilin ka dyan hindi ka tatablan!"

Natatakot na talaga ako. Gyera ba ang pupuntahan ko? Ang alam ko kasi makikipagkita ako sa mga lalaking yun eh.

Oo nagdesisyon nalang akong puntahan sila since pare-pareho lang naman sila ng venue na binigay. Lahat sa EKSO Tower. Kaya mabuti na rin yun.

"Teka, teka. Bakit mo ginugulo ang buhok ko?" Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Dami mong tanong Yehl! Kelangan mong maging panget no! Kaya ayan! Perfect na! Hindi na sila maaakit sayo!"

"Cori, may tanong ako sayo."

"Tang¡na! Wala na bang katapusan yang tanong na yan? Tsk. O ano yun?"

"Bakit ba parang galit na galit ka sa EKSO? Kinuha rin ba nila sayo ang virginity mo?" tanong ko. Curious lang kasi talaga ako eh. Hindi naman siguro siya magiging ganyan ng walang dahilan. Pero kung wala nang natitirang virgin dito sa EKSO City, ibig sabihin wala na rin ang virginity niya!

"A-Ah e-eh..." Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Umiwas pa siya ng tingin.

"Cori?"

"Hay naku Yehl! Wag ka na ngang magtanong! Umalis ka na nga lang!"

May tinatago ba siya?

*****

Ah. Ito pala yung EKSO Tower. Sa wakas nakarating na rin ako. Building pala siya. Sobrang taas na building. Mga 45 floors yata. Pero hindi na ako umakyat pa sa tuktok. Sa lobby nalang ako dumiretso.

Naupo ako sa isang bench. Nasan na kaya sila? Habang nagpapalinga-linga ako sa paligid, isang pamilyar na mukha ang nakita kong papalapit sa kinaroroonan ko.

Si Baekhyun, na nag-i-spray ng alcohol sa katawan niya.

Pero pagtingin ko sa kabilang direksyon, nakita ko namang papalapit din si Chanyeol, na may dalang libro na one-foot ang kapal.

Dumako sa kanan ang paningin ko. Papalapit din si Chen, na may hawak-hawak na damo.

Pagtingin ko naman sa kanan, papalapit din si Kai, na may hawak na porn magazine.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ni hindi nila siguro napansin ang iba.

Nakita ko rin si Kris, na kumakain ng ice candy niya.

Si Kyungsoo, na may hawak na aso habang nakayukong naglalakad.

Sumunod naman si Lay, na nakabusangot lang ang mukha.

Hindi rin nakalagpas sa paningin ko si Luhan, na may dalang maliit na electric fan para pahanginan ang mukha niya.

Si Sehun, na gaya ng dati ay nakasuot ng maluwag na damit, nakasumbrero ng kulay rainbow, at para bang nagsasagwan ang kamay habang bumubulong-bulong sa sarili.

The Last Virgin in Town [An EXO Fanfic]Where stories live. Discover now