05 - Invitations

4.5K 152 21
                                    

Nagtuluy-tuloy ako pababa ng Virgin Mountain. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Luhan. Yung tungkol sa date. Wala naman akong alam sa mga ganyan eh. At kahit kelan hindi ako makikipagdate.

Nasa kalagitnaan na ako nang may bigla akong makasalubong na lalaki. Napahinto rin siya nang makita ako.

"Uy! Ikaw si virgin diba?" sabi niya habang turo-turo ako.

Si Chanyeol. The Einstein's Blacksheep. Nakasuot siya ng eyeglasses at may hawak na libro sa kanan niyang kamay.

Kelan pa naging "virgin" ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko kasi Yehl ang pangalan ko eh.

"U-Uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakatakot lumapit sa kanya dahil baka kung anong gawin niya sa akin. Baka ihambalos niya sa akin yung hawak niyang libro eh.

"Gusto mo magpatutor?"

"Huh?"

"Tuturuan kita ng mga nalalaman ko. Magaling ako sa logics!"

Wow. Akala ko ba sabi ni Cori sa sobrang talino daw nitong si Chanyeol ay nauwi sa pagiging bopuls? Eh mukha naman siyang smart eh. "Talaga?"

Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Oo naman. Heto sample. Logic. Sagutin mo ah."

Tumango ako. Mukha talaga siyang matalino eh.

"Imaginine mo nasa isang kwarto ka. Nakakulong. Walang pintuan. Walang bintana. Gawa sa bakal kaya hindi mo magigiba. Tapos mayroon kang kasamang baboy na nangangagat. Pula yung mata tapos may pangil. Nakakatakot dahil kakainin ka niya..."

May baboy bang ganun?

"...Ang tanong. Pano ka makakaalis dun?"

Pano ako makakaalis? "Umm, sipain yung baboy?"

"Mali! Imaginine mo kasi na bulletproof yung baboy kaya hindi masasaktan."

Nag-isip ako. Pano nga ba? "Umm, utusan yung baboy na gumawa ng pintuan para makaalis ako?"

"Mali! Imaginine mo kasi na sobrang tigas nung dingding."

"Eh may pangil naman siya ah!"

"Ah basta! Imaginine mo kasi na mahirap makalabas."

"Eh pano ba kasi?"

"Sirit na?"

"Sirit."

"Talaga?"

"Talaga."

"Okay. Kung pano ka makakatakas? Edi WAG KANG MAG-IMAGINE! WAHAHAHA!"

Eh?

"O diba ang genius ko!"

Pinanood ko lang siya habang tila proud na proud sa achievement niya. May dapat ba siyang ikaproud?

"Ang talino ko talaga no? Ang galing kong sumagot sa logics eh."

"Ah hehe." Napatawa nalang ako ng pilit. Kawawa naman eh. "Ah sige. Una na ako ah. Bye!"

Naglakad na ako pababa para matakasan na rin siya.

"Sandali lang!"

Huh?

"MAGDATE TAYO SA FRIDAY! MAGKITA TAYO SA EKSO TOWER! HIHINTAYIN KITA KAHIT ANONG MANGYARI!"

Ano daw?

"T-Teka..." Tatawagin ko na sana siya pero tumakbo na siya nang mabilis palayo.

Anong problema nun?

Bigla akong may naalala. Ganyan din ang sinabi sa akin ni Luhan kanina. Paano na yan?

Bahala na nga. Basta hindi naman ako pumayag eh.

The Last Virgin in Town [An EXO Fanfic]Where stories live. Discover now