Prologue

6.7K 215 32
                                    

Author's Note:

The news about Tao, I know, this is not a really good beginning for this. Kakapost ko lang nito kahapon and now heartbreaking news is in the air. Pero naisip ko isusulat ko na tong fanfic na to. I know how you guys feel right now. And it's breaking me, too. But I really hope that through this story I will be able to reach you and heal even just a tiny part of the pain in your heart. I wanted to see you, EXO-Ls, smile even though you have been carrying a heavy load along your way. Just stay strong. :)

~Mirah

*****

"Kumpleto na ba kayong lahat?"

Napalingon ang mga lalaking nasa iba't ibang bahagi ng rectangular pool. Isang lalaking nakasuot ng kulay puting long-sleeved polo na may nakapatong na black vest at may itim na pantalon ang lumabas mula sa malaking bahay sa di kalayuan ng pool na bahagi pa rin ng resort. Nasa early thirties siguro ang edad nito.

"Butler Maxx! Long time no see!" bati sa kanya ng mga kalalakihan.

Hindi sila nito pinansin at sa halip ay nagsimula itong magbilang habang isa-isang tinuturo ang mga lalaking umahon na sa tubig. "Eleven. Kulang ng isa!" Pinagmasdan nito ng maigi ang mga kalalakihan at pilit inaalam kung sino ang nawawala. "Nasaan si Sehu—"

"Present!" Isang lalaking kumakaripas ng takbo ang biglang sumulpot. Mabilis itong naupo sa isa sa mga benches na para bang walang nangyari. Pero halata ang pagod nito dahil humihingal pa ito.

"At bakit ka late?" taas-kilay na tanong nito.

Nagkibit-balikat lamang si Sehun at sa halip na sumagot ay inabot na lamang niya rito ang isang CD.

Napangisi si Butler Maxx nang kunin niya ang binigay nito. "Pasalamat ka umabot ka sa deadline." Kumumpas ito sa ere at biglang nagsulputan ang mga maids mula sa mansion. Tulak-tulak nila ang mga carts at nang maipwesto ng hile-hilera ay tumambad sa lahat ang labingdalawang rows ng patung-patong na CDs.

Lumapit mula roon ang Butler at pinatong ang hawak na CD sa row na may nakasulat na Sehun. Saka niya muling hinarap ang labingdalawang lalaki na halatang kabado habang matamang nakatingin sa bawat hilera ng CDs kung saan nakalagay ang pangalan ng bawat isa sa kanila.

"So," panimula ni Butler Maxx. "Ang CDs na nakikita niyo ay ang mga ebidensya na nagawa niyo ang mission niyo. Gaya nga ng napagkasunduan natin sa contest na ito, paramihan kayo ng madedevirginize na mga babae. At bilang pruweba ay dapat niyong i-video ang bawat "achievements" niyo. At gaya nga ng tradisyon ng lugar na ito, ang mananalo which is ang may pinakamaraming makuhang "achievements" ay siyang magiging Presidente ng EKSO City. Siya rin ang magiging successor ng lahat ng ari-arian, hacienda, mansion, kotse, at lahat ng kayamanan dito."

Nagpalakpakan ang labingdalawang lalaki. Malapad na ngiti ang makikita sa mga mukha nila. Lahat ay determinadong manalo. Lahat ay umaasa. Lahat ay halos maniwala na sa forever.

Nagpatuloy ang butler. "Ngayon na ang judgment day. Sa two weeks time na binigay ko sa inyo para magawa ang mission, masasaksihan na natin kung sino ang nagwagi sa pamamagitan ng mga "achievements" na nakuha ninyo. Ang may pinakamaraming CDs ay nangangahulugang may pinakamaraming nai-video. Ang may pinakamaraming nai-video ay nangangahulugang may pinakamaraming napasuko ng bataan. At ang lalaking yun ang mag-uuwi ng tagumpay."

Tension ang nararamdaman ng bawat isa. Sino nga kaya ang mananalo?

"Let's begin the counting of your "achievements". Pumunta si Butler Maxx sa pinakaunang hilera ng CDs. Para bang catering ang set up ng lugar. "Baekhyun." Binilang nito ang CDs. "20."

Dumako naman siya sa sumunod. "Chanyeol. 20."

"Chen. 20."

"D.O. 20."

"Kai. 20."

"Kris. 20."

"Lay. 20."

"Luhan. 20."

"Sehun. Supposedly 19. Pero dahil nakahabol, 20."

"Suho. 20."

"Tao. 20."

"And last but not the least, Xiumin. 20."

Nang matapos ang pagbibilang ay hinarap ng butler ang mga kalalakihan. "Pare-pareho kayo ng scores. In short, it's a tie."

Walang kumilos sa kanila. Halatang hindi makapaniwala ang lahat sa resulta.

"Tie breaker ang kailangan. Diskarte niyo na yan." wika ng butler.

"Pero ubos na ang babaeng virgin dito." protesta ni Luhan.

"Hindi ko na problema yan. Kayo ang gumawa ng paraan. Basta't ang alam ko ay dapat na kayong magpaunahan sa paghanap sa tie breaker. Tandaan niyo, isa lang ang mananalo. Ang pinakaunang makakapagbigay ng ebidensya ay siyang magwawagi." sagot nito at iniwan na sila roon. Naglakad ito papasok muli sa mansion.

Nagkatingin silang lahat. Ang ilan ay nakakunot-noo, magkasalubong ang kilay, napapakamot ng ulo, nakangisi, napapakibit-balikat at kung anu-ano pang gestures.

"EKSO laban sa isang babae? Exciting to."

The Last Virgin in Town [An EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon