"What?" bored na tiningnan niya ito.

"See for your self." anito at tinaasan pa siya ng isang kilay.

Walang ganang kinuha naman niya ang brown envelop at binuksan para pagbigyan na lang ang kapritso nito at walang gulo.

Para siyang tinadyakan sa dibdib sa kaba nang makitang ilang litrato iyon ni Feigh. At ang mga sumunod ay litratong magkasama sila. Sa loob ng kotse, magkahawak ang kamay na lumalabas sa pinto ng bahay nito, maging litrato na pinagbuksan siya nito ng pinto isang gabi.

Kinabahan siya pero hindi niya iyon pinahalata kay Thannaly.

"So, what's with these?" kunwaring sabi niya sa tila bale walang tono.

"Oh don't act as you doesn't care at all, Justin. You care for that bitch!" mariing sabi nito na nagpainit sa ulo niya.

Pumikit siya ng mariin para pigilan ang sariling saktan ito. She's a girl. At kahit kailan, hindi siya nananakit ng babae sa pisikal na paraan. Pero ngayon, parang gustong niyang suwayin ang turo na iyon ng mga magulang niya sa kanya.

"Dont. You. Dare. Call. Her. That. Again.", mariin at puno ng galit na diniin niya ang bawat salita.

Nakita naman niya ang pagkagulat sa anyo nito but she did not back down.

"So what, Justin? Pag hindi mo nilayuan ang babaeng iyan at kumalat ito sa media, sa tingin mo anong itatawag ng lahat sa kanya?! Hindi ba't bitch, whore slut at mas matindi pa doon!"

Hindi na niya napigilan ang galit at nabayo na niya ng mga kamao ang lamesa sa pagitan nila kasabay ng pagtayo. Hindi pa nakuntento na binato niya ang nahagilap na vase doon sa pader na lumikha ng malakas na ingay.

Puno ng takot na humakbang palayo sa kanya si Thannaly. Walang nakakaalam kung gaano niya pinigilan ang sarili niya na hablutin ang mga braso nito.

"You wouldn't dare, Thannaly."

Ngunit matapang na tinaas lang nito ang noo at tinaasan siya ng isang kilay.

"Try me, Justin. Try me. Kung sa mga sinasabi ko pa nga lang, hindi mo na kinakaya, eh paano pa kaya ang lahat ng tao? Mas malala pa ang magiging reaksyon nila dito kumpara kay Laurice. Imagine? Dis oras ng gabi pumupunta ka sa bahay ng malanding babaeng iyon! Doon ka pa nagpapalipas ng gabi! At kailan pa nga ito nagsimula, Justin? Five months ago! Syinu-shoot pa lang natin yung movie, kinakalantari mo na ang babaeng yon!"

"Hindi totoo yan! Hindi ganyang babae si Feigh!" malakas na sigaw niya dito.

Kinakalabog na ng staff ang pinto ng silid na iyon pero naka-lock uyon sa loob. Narinig siguro nila ang sigawan nila ni Thann.

"Sa tingin mo, papaniwalaan nila iyan? Lalo na pag nakita nila ang mga litratong iyan? To think that she's just, what, fifteen years old?! Everyone will think of her as a young dirty slut!"

Naghanap siya ng kahit anong bagay n maibabato para mapigilan ang sariling sakalin ito sa sinabi.

"Kakayanin mo ba, Justin? Na makita siyang bina-bash sa internet at pinag-uusapan ng ganon sa media? Kakayanin mo bang makitang sinasaktan siya ng mga tao? She'll probably be thrown sa school na pinapasukan niya. To think na sa isang private Catholic school pa siya nag-aaral. Everyone will brand her as a crack whore at ni hindi siya makakapaglakad sa gitna kalsada dahil sa kahihiyan. Kakayanin mo ba? Or the one-million-peso question is, kakayanin niya ba?"

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now