Samantalang ang kakatayo lang na branch sa Tagaytay ay next week pa magi-start ng operations. Napagdesisyonan niya na pagkatapos na lang ng kasal ni Jazzie niya iyon bubuksan para mai-focus niya ang atensyon doon.

Kahapon ng umaga siya umuwi galing sa Tagaytay kasama si Sander. Pilit pa nga itong sumasama sa bahay niya pero hindi na siya pumayag. Ano ito, sinuswerte? Free lodging? Free foods? Free all? Di bale sana kung pinangbabayad niya ito tulad noon e hindi naman.

Sa gilid ng mga mata niya, napansin niyang tumayo si Sander at tinulak ang swivel chair sa tabi ng upuan niya atsaka muling umupo.

Muli itong nangalumbaba at tumingin sa kanya. Hindi pala tumingin, 'tumitig' is the right word. Hindi pa nakuntento na sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya at talagang tumitig pa.

Inilayo niya ang mukha dito bago lumingon.

"Pumunta ka ba dito para titigan ako?"

Hindi niya alam kung mayayamot o ano ba siya sa pagtitig nito. Pero nakakailang kasi. Para pang nang-aakit ang mga mata nito at pilit hinihila ang tingin niya.

"That and to convince you na isama ako sa kasal ng pinsan mo." Anitong nakapangalumbaba parin at hindi parin tumitigil sa pagtitig.

"Are you serious?"

Hinawakan ng kabilang kamay nito ng dulo ng buhok niya at nilaro-laro iyon bago sumagot.

"Dead serious."

"But why? Bakit mo gustong sumama sa kasal ni Jazzie? And haller...? Sa tingin mo ba hindi kakalat sa buong Pilipinas na nandito ka na pag sumama ka dun? And what do you think my cousins and family will say?"

Bumuntong-hininga ito at kinagat ang pang-ibabang labi.

"That I'm awesome? And I'm handsome? And sooo... hot?" Tila wala lang na sabi nito at patuloy na nilalaro ang dulo ng buhok niya.

She sighed.

"Fine, fine. I just wanna be with you and meet your family and friends." Then he pouted.

"Bakit?" Namomroblema nang tanong niya.

Ibinaba nito mga ang kamay at huminga ng malalim bago tumingin sa kanya ng diretso. Kinabahan naman siya sa klase ng tingin na ibinigay nito.

"Because I don't wanna make the same mistake I did eight years ago. That mistake of not letting the whole world know about you."

Natigilan siya sa sinabi nito. Parang muling bumalik ang lahat ng sama ng loob niya? Bakit imbis na matuwa siya, galit ang nararamdaman niya sa sinabi nito?

She forgave him. Pinatawad niya ito nang hindi tinatanong ang dahilan. Na hindi inaalam kung bakit siya nito iniwan matapos nitong sabihing mahal siya nito.

Nagpatawad siya dahil iyon ang naisip niyang paraan para makawala na sa alaala nito. Baka sakaling sa pamamagitan noon, matahimik na siya.

That maybe, by forgiving him, she'll be able to move on with her life.

Pero ano 'to? Pagkatapos niyang magpatawad, nandito nanaman si Sander? Ginugulo ang isip niya? Nililito ang puso niya? At pilit muling pinapasok ang buhay niya?

"Know about me?" Pilit pinipigilan ang bugso ng damdamin na tanong niya. "What about me, Sander? Sino ba 'ko? Sino ba 'ko sa buhay mo noon? At ngayon? Sino ba ako, Sander?"

Kahit anong pigil niya ay hindi naitago ang hinanakit at sakit sa boses niya ng sinabi niya iyon.

Nagpatawad na siya diba? Bakit nakakaramdam parin siya ng sakit? Bakit gusto niya paring itanong ang sagot sa "bakit"?

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now