Nagtataka ko siyang tinignan. Parang gulat na gulat pa nga siyang makita na nandoon na ako? Lalapitan ko sana siya para tanungin kung anong nangyayari. Gustong-gusto ko na rin siyang yakapin, patahanin.

Bago pa man ako makalapit, tinignan niya ako sa mata at sinabing "I'm so sorry." Hindi ko alam kung bakit nanghihingi siya ng sorry. Pero ang sigurado ako ay nung makita ko ang mata niya, wala akong ibang nakita kung hindi sakit at pagsisisi.

Mabilis siyang nawala sa paningin ko habang pinoproseso ko ang nangyayari. Narinig ko na lang ang karipas na takbo ng sasakyan niya. Hindi ko man lang napansin na sa labas din pala iyon naka-park.

Gusto ko siyang habulin pero mas dinala ako ng mga paa ko sa loob ng bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto, iilang damit niya na lang ang natira sa closet namin.

Nanlambot ang mga tuhod ko, naalala ko yung araw na bigla na lang siyang nawala at hindi ko nanaman alam kung saan siya hahanapin. Iniwan niya nanaman ako.

~*~

Inisip ko na ang lahat ng pwedeng dahilan nung araw na 'yon pero hanggang ngayon tanong pa rin sa akin kung bakit iniwan niya nanaman ako.

Sinubukan ko na lahat ng paraan para mahanap siya pero kapag ang isang tao ay ayaw magpakita, hindi mo talaga siguro mahahanap.

Lumapit ako sa pamilya niya, lahat sila tikom ang bibig sa kung ano bang dahilan at kung nasaan si Ada. Maski ang Daddy niya ay hindi magawang magsabi sa akin ng totoo.

Knowing Ada, alam kong ibinilin niya yon sa family niya. Na wag sasabihin kung nasaan siya. At hindi naman ako nagkamali. Dahil nung tinanong ko ang Daddy niya, sagot lang nito ay "Si Ada lang ang may karapatan na magsabi sayo kung bakit".

Ilang beses na akong pinapauwi nila Mama sa bahay namin, doon na lang muna raw ako mag stay. Pero ako ang ayaw pumayag. Siguro kasi tama si Amber? Na hinihintay kong bumalik si Ada.

Hindi ako sumasama sa mga bakasyon, hindi ako nag a-unwind kasi paano kung umuwi siya tapos wala ako rito? Sinong aabutan niya?

Sobrang excited ako nung araw na 'yon, gusto ko siyang i-surprise noon pero ako pala ang na-surprise. At oo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit iniwan niya nanaman ako.

Tao lang din naman ako. Malapit na akong maubos. Kaya sana bumalik ka na, Ada.

~*~

ADA

Sa araw-araw na ginawa Ni Lord, hindi ko nakalimutang ipagdasal na sana nasa mabuting kalagayan si Jana. Wala akong ibang hiling kung hindi ang kaligayahan at katahimikan niya, kahit pa hindi na ako kabilang sa mga iyon.

Ang dami na naming napagdaanan at malaking parte siya ng buhay ko. Lagi siyang may special na place sa puso ko.

Pinili ko siyang pakawalan dahil sa mga nangyari, alam kong hindi ako makabubuti para sa kaniya. Laging mas lamang ang sakit na binibigay ko kaysa pagmamahal. Mas gusto kong piliin niya ang sarili niya dahil ganoon na rin ang ginawa ko mula nung araw na 'yon. Hindi dahil selfish ako, pinili ko lang kung ano yung mas mabuti para sa ikatatahimik ng lahat.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon