"Chill, Shreya"

"Chill?! Ibalik mo ko sa mundo ko! Staka, chill? Paano ako ma-chill ha?! Nasa mundo ako na hindi ko alam. May paaralan na hindi ko alam na nag-eexist! Wait, mali! Di man talaga nag-eexist. Tangina! Akala ko mababaliw lahat ng pamilya ko saka na rin ako. Kakaisip kung anu ba talaga ang nangyari!"

Mahabang peletensya ko pero walang bahid na gulat o kahit ano sa mukha ni Elke. Lalong kinainis ko.

"Sino ka ba talaga Elke? Bakit ka nagpakita sa akin? Bakit ka nandito? Saka baki---"

"Hep! Wag kang hihirit! Puro ka what if" pagputol ni Elke sa mga tanong ko. Tinapat niya pa sa akin kamay niya na naka-stop pose.

"Di mo man lang ako pinagsalita. Hirit ka ng hirit"

"Ay sorry naman"

"Nandito ka dahil gusto hwahahahahha" binatukan ko siya.

Bwiset!!

Ang tino niya naman kausap.

"Aray! Masakit ah" reklamo niya pa.

"Seryoso kasi ako. Tapos hihirit ka diyan"

"Ito na! Totoo nasa nobela ka, Shreya. Ang tungkulin mo ay maging kaibigan ng protagonists. Wala ka na dapat gawin kundi maging second lead sa storyang ito."

"What if binago ko?"

Bahagya siyang nagulat pero bumalik pa din ang ekspresyon niya gaya ng kanina.

"Edi humanda ka sa author ng storya na ito"

Bigla kumalabog ang puso ko. Natatakot ako baka di na ako makalabas sa storyang ito.

"Kaya wag mo nang tangkain baguhin to. Kasi pag ginawa mo yun....." Biglang siyang huminto. Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Kailangan ko na pala umalis, bye!" Naglakad siya papaalis.

What.

Ganon na iyon?!

Tumayo ako dahil sa di makapaniwala sa nangyari.

Bakit di ko siya pinigilan??

Umupo muli ako. Alam ko naman sagot sa tanong ko eh.

Dahil takot ako, takot ako kasi baka mas malala pa ang gawin niya sa akin.

Nagawa niya ngang ako mapunta sa nobela paano pa kaya kung iibahin ko ang takbo ng storya.

Kaso..

Kasalan niya! Bakit nga niya ako pinapunta dito?

Eh mulala pala yung author eh. Kung di niya ako nilagay dito wala siyang problema, diba?!

Haystt bakit kasi ginawa eh.

"What if... Ibahin ko storya tapos... Mabubuwisit siya tapos maghaharap kami tapos inisin ko siya hanggang naisipan niya na alisin ako sa nobela. Yesss, I think tama ako" bulong ko habang papaalis na. Ilan minuto na ko doon, noh. Saka na saraduhan na ako panigurado.

"Gumising ka na!" Malakas na sigaw ni Shea

"Gising na!"

Actually kababangon ko lang sa kama. As usual, pumunta ako sa banyo at nagmadali akong gawin iyon.

"Late na kami dahil sayo" sisi ni Shea.

Tsk, di kasi ako sasabay kay Venus ngayon dahil sabi niya may importante siyang gagawin.

Hula ko, pa pakainin niya lang yung pusa.

Taga nyo sa bato. Doon niya nga nakilala si Luigi eh. I mean nakilala niya naman dahil kaklase namin siya. Pero doon niya nakilala yung other side ni Luigi.

Tanong niyo sa akin saan ko nakuha.

Saan pa ba?! Edi sa nobela lang naman.

Masyadong nakakasakit ng damdamin pagsinabi ko na di man lang nagkagusto si Venus kay Luigi. Kahit na pinakita na ni Luigi ang soft side niya, na hindi niya pinapakita sa iba.

Tinignan ko lang lang si Shea ng masama. "Tara na!"

Humigap pa muna si Shanti bago lumabas sa bahay.

"Beh, naantok ka pa ata" komento ni Shea sa ginawa ni Shanti.

"Kasi naman yung isa diyan. Natutulog na lahat doon katok nang katok" inis na ani Shanti. Tinignan niya pa ako.

Edi wow

Nagpatuloy kami sa paglakad.

Sa bawat paggalaw ko ang hapdi ng tuhod ko.

Inalala ko mga ginawa ko kahapon.

Shemay paano ako sasampa?!

Bumalik ako sa harap ng pinto at pinagkakatok ito.

"Shea! Shanti! Silas! Mama! Gising pa ba kayo?!" Sigaw ko.

Napasabunot ako sa buhok. Ano to?! Dito ako matutulog?

"Kasalanan kasi ni Elke, eh!"

Pumunta ako sa may bintana at pinagkakatok ito. Lumapit ulit ako sa pinto at pinagkakatok. Hanggang napagod na ko sa pagkakatok.

Umupo muna ako. Naka-asian squat nang nakita ko ang hagdan ng kapitbahay namin.

"Pahiram po ng hagdanan" paalam na bulong ko.

Ok na yan. Atleast nadinig ng langgam.

May witness.

Kinuha ko ang hagdanan. Nilagay ko sa may tapat ng balcony ng kuwarto ko.

Umakyat ako sa hagdanan. Isang kamay na lang para makapunta na sa balcony nang naramdaman ko na bumukas ang pinto dahilan para mawala ang hagdanan.

Nahulog ako sa baba.

"Aray!!"

"Ah!" Sigaw ni Shanti.

"Bakit kasi binuksan mo?!"

"Malamang tumawag ka!"

"Aba! Kanina pa ako tumatawag tapos ngayon na papaakyat ako doon niyo lang ako binuksan"

"Aba! Parang kasalanan ko pa. Bakit ka nga di ka agad umuwi! Pumasok ka na nga!"

Tumayo ako sa sarili ko. Di man lang ako tinulungan. Pasalamat ako dahil sa pwet ako nahulog.

Buti na lang malaki pwet ko.

Sumunod ako sa loob.

"Minsan na nga natutulog ng maaga na abala pa" bulong nito bago pumasok sa kwarto niya.

Isang unat ang ginawa ko bago uminom ng tubig.

Naramdaman ko ang kirot na nasa bandang tuhod ko.

Masaket sya.

Kumuha ako ng band aid sa wallet ko. Buti na lang di ko inalis ito. Nilagay ko iyon sa tuhod ko at itinuloy ko ang plano ko

Eto ako ngayon iika-ika. Masakit kaya.

"Masakit?" Tanong ni Shanti. Tumango ako.

"Dahil sa katangahan mo yan"

Kala ko naman tutulungan niya ako tsk.

Pero yun sa sinabi ni Elke. Nakaka-overthink sa totoo lang.

Ano kaya consequence pag ginawa ko iyon?

-----

To be continued....

©ikigai2u❣
[2022]

An Unpredictable OperationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora