Kabanata 08 - Si Claire

Start from the beginning
                                    

Bunso sa tatlong magkakapatid si Claire. Sa kanilang magkakapatid, siya lamang ang pinalad na makatungtong ng kolehiyo dahil kinailangan ng kumayod ng dalawang kuya niya para matustusan ang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang kanilang ama kasi'y na-stroke at hindi na kaya pang maghanapbuhay. 

Pareho kaming iskolar ni Claire. Magkatuwang kami sa pag-aaral dahil pareho naming pinakaiingatan ang aming mga grado upang mapanatili ang pagiging iskolar. Dahil dito'y mabilis kaming nakapagpalagayan ng loob.

Di naglaon, ang pagkakaibigang iyon ay nauwi sa pag-iibigan nang maglakas-loob akong itanong sa kanya kung maari ko ba siyang maging girlfriend. Hindi kami dumaan sa ligawan pero iyon na agad ang tanong ko. Ayaw ko na kasing magpaligoy-ligoy pa. Lalong ayaw kong maunahan pa ng iba. Hindi ko nga alam kung bakit napakalakas ng loob ko noon eh. Pero sa awa ng Diyos ay hindi naman ako nabigo. Ibinigay ni Claire ang matamis niyang oo.

Sobra akong in-love noon kay Claire. Halos ayaw ko na ngang umalis sa tabi niya. Gusto kong makita siya araw-araw. Kapag bakasyon o kaya'y weekend, gusto kong hilahin ang mga araw para muli ko siyang makita at makapiling. Totoo pala 'yung sinasabi na kapag inlove hindi makakain? Kasi ako, tinitiis ko ang gutom dahil gusto ko sabay kaming kakain. Para bang wala akong ganang kumain kapag wala siya.

Pero tulad ng ibang relasyon, pinagdaanan din namin ang mga bagay na sumubok sa tatag ng aming samahan. May mga times na hindi kami nagkakaintindihan. Nagbabangayan dahil walang gustong makinig. Nag-aaway kahit sa maliliit na bagay. At may mga times rin na pakiramdam ko'y doon na matatapos ang relasyon namin pero nagpapakumbaba na lang ako, maayos lang ang problema dahil ano pang silbi ng pride kung mawawala naman ang babaeng mahal ko?

Ilang taon din kaming ganoon. Ilang taon na away-bati. Pero napatunayan ko na kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka basta-bastang magsasawa. Hindi ka basta-bastang susuko at maghahanap ng iba. Kasi ako, ganoon ko siya minahal. Lahat ay ginawa ko, mapanatili lamang siya sa tabi ko. Siguro nga'y dapat nagtira rin ako ng pagmamahal para sa sarili ko? Pero hindi eh. Ibinuhos ko ang lahat.

***

SA PAG-ALALA sa nakaraan ay nanumbalik muli ang sakit-- ang panghihinayang sa pitong taong pinagsamahan, mga pangarap na nabigo, at pagmamahal na kailangan ng iwaksi sa puso't isipan. Hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa bigat ng nararamdaman. Nawala sa isip ko na naroon pa si Claire sa kuwarto. Bumaluktot ako at tinakpan ang aking bibig, sinusubukang pigilin ang damdamin. Mukha akong tanga. Mukha akong gago.

Parang isang bulkang bigla na lamang sumabog ang nararamdaman ko. Alam kong nagulat si Claire sa paghagulgol ko dahil nabitawan niya ang hawak at narinig ko iyong bumagsak at nabasag. Hindi pa niya ako nakikitang umiyak at mapahagulgol nang ganito kalakas.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama at paghaplos ng kanyang kamay sa aking likod. Dahan-dahan niyang inilapit ang sarili sa akin at inilapat ang katawan sa likod ko. Hinilig niya ang kanyang baba sa may leeg ko. Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga malapit sa tainga ko.

"Alam ko, hindi ko na mababawi ang sakit. Alam ko, napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa iyo. Pero hihintayin ko 'yung araw na mapatawad mo ako, Roj. Hindi ko hinihingi na ngayon o bukas pero sana balang araw mapatawad mo ako. Hindi para sa akin. Hindi para sa konsensiya ko. Kundi para sa iyo, Roj. Para sa ikapapayapa ng puso't isipan mo. I don't want you to carry all this pain, Roj. I want you to move on. I want you to find a woman better than me. 'Yung hindi ka sasaktan, hindi ka lolokohin, at hindi sasayangin ang pagmamahal mo. Kasi ako... sinayang ko. At alam ko na habambuhay ko itong pagsisisihan, but I have to face the consequences of my selfish decisions. Please remember that I will always love you, Roj."

Hindi ko alam kung anong mahika mayroon ang babaeng ito at napapakalma niya ang kalooban ko nang ganoon lamang. Her words were comforting and her touch turned me on. Umikot ako upang harapin siya. Nakita ko ang mukha niyang kalmado lamang na nakatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay malungkot at may luhang nagbabadya nang tumulo.

Hinawakan ko ang kanyang baba at marahang inangat ang sarili palapit sa kanya. Nagdikit ang mga labi namin. I kissed her gently. Naramdaman ko ang pagtugon niya sa halik ko. Ang luha niya ay tuluyan nang tumulo at nagtagpo ang mga basa naming pisngi. I want to feel her body against me, once again. Ang mga halik namin ay unti-unting dumidiin.

Ikinulong ko ang mukha niya sa kamay ko habang patuloy siyang hinahagkan. She closed her eyes. Pinunasan ko ang luhang naglalandas sa kanyang pisngi at ipinikit na rin ang aking mga mata. Gumala ang kamay ko at bumaba sa pagitan ng kanyang mga hita habang ang isa nama'y sinasalo ang kabuuan ng kanyang malulusog na dibdib.

Naramdaman ko rin ang paghaplos ng kamay niya sa aking dibdib at ang unti-unti nitong pagbaba. Tinanggal niya ang aking sinturon gamit ang isang kamay at ipinasok iyon sa loob ng aking pantalon. Naramdaman ko ang init ng malambot niyang kamay habang hawak ang aking pagkalalaki. Lalo akong nag-init at siniil siya ng halik at yakap.

The PolicewomanWhere stories live. Discover now