Chapter Eight - Truth?

Start from the beginning
                                    

And let your love right through me

That's what you get

When you see your life

In someone else's eyes

That's what you get

That's what you get

So you see, this world doesn't matter to me

I'll give up all I had just to breathe

The same air as you till the day that I die

I can't take my eyes off of you

This world doesn't matter to me

I'll give up all I had just to breathe

The same air as you till the day that I die

I can't take my eyes off of you

"Maalam ka rin naman pala kumanta e." Sabi ko sa kanya.

"Tch." Walang sawang sabi niya -_-

"Ano na?" -ako

"Favorite ko yun." -siya

"Hehe. Parehas tayo :3" Pagpapa-cute ko naman. Joke! Asa pa siya. Hmm, pero pwede rin.

"Tch." Sabi niya ulit. -_- Wala talaga siyang sawa.

"So...? Ano yung nakita ko? Bakit mo nakita yun? At bakit ko rin nakita yun?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"We're special." Seryosong sabi niya.

"Huh?" Nalilitong sagot ko. I need more answers damnit!

"We see ghosts. We feel ghosts." Sabi niya ulit.

"Hindi kita maintindihan!" Sigaw ko sa kanya.

"May naghahabol sa'yo." Nanlaki ang mata ko noong sinabi niya yun.

Hindi ako makapag-isip ng tama. Bakit niya sinasabi sa akin ito? Na may naghahabol sa akin? Ano? Anong naghahabol sa akin? Multo? Anong kailangan nila sa akin?

"Hindi siya multo." Sabi niya, iba na ang kulay ng mata niya. Kulang na lang, puti na ang mata niya.

"A-ano?" Hindi ko na mapigilan ang luha ko, tumulo na siya.

"Demonyo." Bulong ni Jiro.

"Hindi! Hindi totoo yan!" Sinigawan ko siya at nagsimulang tumakbo papalayo sa kanya.

"Isabella!"

Tumakbo na ako ng tumakbo. Walang tigilan 'to. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi yun totoo. Walang multo. Walang demonyo. Walang demonyo na kukuha sa akin. Wala! Wala akong nakitang babaeng duguan kanina. Hindi yun totoo. Hallucinations ko lang yun. Binibiro lang ako ni Jiro.

Pero... baka totoo lahat nang yun? Na nakakakita kami ng patay na tao? Na may kukuha sa akin.

Hindi! Hindi pwede yun. Kaya itinulak ko na lang ang mga thoughts na yun sa kasulok sulukan ng utak ko. Hindi ko muna iisipin yun dahil hindi pa ako sure kung totoo nga yun.

Malapit na ako sa bahay namin. Nandoon ang kotse ni mama. Himala at naisipan niyang umuwi.

Bago ako makapasok sa gate, may nakita akong lalaki na nakabarong. Mukhang papasok siya sa... bahay namin? 

"Kuya..."

Napatingin sa akin yung lalaki. Ang weird, no, let me rephrase that, ang creepy niya. Nakabarong siya, malaki ang eyebags, yung mga mata niya ay kulay pula at namumutla siya.

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nag-bblink. Nagsimula nang tumayo ang mga balahibo ko sa batok. 

Biglang may dumaang mabilis na sasakyan at napatingin ako doon kasi nagliparan ang mga dala kong gamit. Nang makuha ko na lahat, pagkatingin ko sa may gate, wala na ang lalaki.

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay, pagdating ko, nandoon si mama. Nakaupo.

"Anak." 

**

A/N: Oleeeh! Sorry kung medyo mabagal ang update ko. Finals na e. Hope ya'll understand. /wink

So habang sinusulat ko 'to, nanonood kami ng kapatid ko ng Scream 4 sa Star Movies. And this is way too freaking scary. Parang feel ko may sasaksak sakin maya maya lang e. Nakakatakot. Tapos ang brutal pa ng pagkakapatay sa mga casts e! Pusang gala talaga!

Oh well, kasalukuyang pinapanood pa namin ito. Kaya comment, vote and fanimos!

A Twist in my Story [ON HOLD]Where stories live. Discover now