"Kasi po, may emergency sa bahay nila Arny at kailangan ko po syang ihatid"

Nagulat ako sa sinagot nya, nilingon ko sya at pinandilatan ng mata. Anong ginagawa nya??!

"Ehem..slut" narinig ko sa may likuran.

"It must be important, hindi naman siguro kayo magcu-cutting at magdedate lang ano? Sige you two may leave" at napatingin si Mrs.Dimaapi sa akin.

What the hell? Bagsak na nga ako sa klase nya tapos aabsent pa ko.

Wala na akong nagawa ng isilid nya sa bag ang mga gamit ko at ng hilahin ako palabas ng classroom.

"What the hell?" Bulong ko dahil kakalabas palang namin.

"Lika na, bukas na yun" hinila nya ako at nakahawak sya sa mga kamay ko. Nakatingin lang ako sa maugat nyang kamay at gumapang ang tingin ko sa matipuno nyang braso. Nagfeflex ang muscles nito habang hinihila ako.

Nagpatinaod lang ako hanggang sa makalabas kami ng school. Pumasok kami sa isang mumurahing kainan at pinaupo nya ko.

"Jan ka lang" bilin nya at nagpunta sa counter.

Bakit ako nagpadala dito? Bakit ko sya sinunod? At anong ginagawa namin dito!

Ng makabalik siya ay may dala na syang isang tray na may dalawang mami.

"Masarap dito, kain na" sabi nya pagkababa niyon.

Sinimulan nyang humigop ng sabaw at may pawis na ang ibabaw ng kanyang labi. Parabg gusto kong punasan yon gamit ang bibig ko! Wah!

Tumigil sya sa paghigop ng sabaw at tinignan ang hindi ko pa nagagalaw na pagkain.

"Ayaw mo ba? Di ka ba kumakain ng ganyan?" Nagkunot ang noo nya at nag aalala ang mga mata. Damn those eyes!

Hinawakan ko ang kutsara ko. "Kumakain naman..pero, bakit mo ba ako dinala dito?"

Ayan na naman, binasa na naman nya ang labi nya gamit ang kanyang dila!

"Date nga di ba?"

"Di ba sabi ko ayoko?"

"Pa hard to get?" Nanunukso nyang sabi.

I rolled my eyes, kung pa hard to get ako eh di sana ay hindi ako nagpahila dito!

"Look, di ba nireject mo na ko? Ano to?" Mataray kong sabi.

He looked away. "Sorry nga di ba? Ayaw mo na ba sakin?" he says with pleading eyes.

Kinagat ko ang labi ko, namumulang kamatis nanaman ang pisngi ko. Di yata ay pinanganak ang lalaking ito para buhayin ang lahat ng cells ko sa katawan.

"G-gusto.." sagot ko sabay yuko.

Kinuha nya ang baba ko at iniangat ito. Tinignan lamang ako ng kanyang magagandang mga mata. Para akong jelly na lumalambot pagkahawak nya. Kasing pula naman ako ng kamatis pag tinititigan nya.

"Yung lahat ng nangyari dati, kalimutan mo na..lets start anew"

Naglahad sya ng kamay. "Hi, Im Raphael Sandoval, 24"

Kinuha ko ang kamay nya at tinanggap iyon. "Arny Ross Villamonte, 19"

Nagshake hands kami, nakaramdam ako ng relief. Mejo naweweirdohan parin ako pero mas nag uumapaw ang kilig sa sistema ko.

Hinatid nya ako sa condo pauwi. Mejo komportable na rin ako pag kasama sya. Dalawa lang silang magkapatid at mas matanda lang sya ng anim na taon sa kapatid nya. Ang Mama nya ay si Nanay Linda ang Papa naman nya ay Si Tatay Lino ang kapatid naman niya ay nagngangalang Aaron.

Kinwento ko rin sa kanya ang tungkol sa mga magulang ko at ang ginawa kong pagrerebelde noon. Ang sabi nya ay hindi naman daw ganoon kasama ang ginawa ko dahil ginawa ko lang naman daw ang bagay na magpapasaya sa akin.

Naghinto sya ng tatlong taon sa pag aaral at nagtrabaho muna. Nagkasakit kasi noon si Aaron at hindi na daw kayang tustusan ng kanyang Ama ang pagkokolehiyo, pero dahil sa masipag at pursigido sya ay kung ano anong trabaho ang pinasok nya. Nariyan ang pagwe-waiter, pagpasok sa fastfood at kung minsan ay nagsasideline din sya sa pwesto ng kaibigan ng Nanay nya sa palengke. That explains kung bakit nung una niya akong tinarayan sa telepono ang maingay ang paligid.

Hindi ako naturn off sa lahat ng sinabi nya, bagkus ay humanga ako. Parang lalo yatang nagugustuhan ko ang lalaking ito. He has everything every woman could wish for a man. Masipag. Gwapo. Matalino at HOT!

"Pano, dito nalang?" Nasa harap na kami ng pintuan ng condo.

"Salamat..i-ingat ka"

Binuksan ko ang pinto at naroon sa kusina si Serendipity.

"SERENDIPITY!" sigaw ko at kamuntik na syang mabilaukan ng juice na iniinom nya.

Inirapan nya ko at pinunasan ang juice na natapon sa lap nya. "Ano ba?! Bat ang ingay mo!"

Niyakap ko sya at niyugyog ang balikat. "My goodness! Ngayon lang yata ako naging masaya sa buhay ko! Gosh Im inlove!"

Nag uumapaw ang kasiyahan ko sa katawan. Mukang kilig yata ang ikamamatay ko.

"Teka teka sino? Kelan?" Sunod sunod ang tanong nya.

Umupo ako sa kusina at nagdaydream na naman. Inalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Ang bilis pero lahat ng oras na kasama ko sya ay parang hindi totoo. Too good to be true ika nga.

She snapped a finger at me at napabalik naman ako sa realidad.

"Sino ba ang nagpapangiti sayo ng ganyan?"

*beep

Tumunog ang cellphone at isa na namang unregistered number.

Nakauwi na ako. Kamusta? Raffe

Nanlaki ang mata ko, bakit bago ang number?

Nagreply ako.

Ako: Bakit bago ang number?

Wala pang isang minuto ay nagreply na sya.

Di ba sabi ko, lets start over again. Kaya dapat bago lahat.

Napatili ako at tinakapan ni Serendipity ang tainga nya!

Enebe nemen yen, beket be ke kenekeleg ng genete! Hihihi!

"OA! Ayaw namanmagkwento!" Inirapan ako at lumayas sa kusina.

Roughed and SweetWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu