Naihilamos nito ang kamay niya sa kanyang mukha. "Wala," maikling tugon nito. Hawak nito ang noo nang titigan ako. Parang napakalalim ng iniisip nito. Bakit ba parang ang dami nitong pinoproblema? Kasi naman eh, bakit ba ayaw pa nitong makipag-ayos kay Vernice. Puwede naman silang maging friends right? Kami lang naman ang medyo alanganing maging friends ni Vernice. Bakit pati si Casper kailangang masali sa gulo na 'to?

Hinila ako ni Casper sa braso saka nito isinandig ang ulo ko sa braso niya. "Don't think too much about it okay," he said while gently brushing my hair. "I'm just trying my best not to lose you."

"Pero Casper, ayaw ko ng gulo. Kung aalis man tayo rito, gusto ko makipag-ayos ka muna kay Vernice at sa kakambal mo."

Tumango lang ito saka ako hinalikan sa noo. Nanatili lang kami ng ilang saglit sa ganoong puwesto.

"Eh ano ba'ng pakialam mo?!" dinig kong sigaw ni Vernice mula sa kusina.

Humiwalay ako kay Casper. "Teka, ano 'yon?" tanong ko habang nakikinig. Hindi sumagot si Casper at muli lang ako nitong hinila pabalik sa mga kamay niya, but I pulled away. "Saglit, nag-aaway 'ata sila Vernice at Dominic."

"Hayaan mo sila, palagi naman silang gan'yan," ani Casper.

Mayamaya ay nakita ko nang naglalakad si Vernice palabas ng kusina. Nakasimangot ito at mukhang mainit ang ulo. Habang naglalakad ito ay hinahabol naman nito ni Dominic. "Vernice!"

"Ano?!" singhal ng babae.

Hinawakan ni Dominic si Vernice sa braso. "Kumalma ka nga lang. Bakit, hindi mo na ba kasi nahintay ang pagkagising ko? Umupo ka nga muna. Halika." Hinila ni Dominic si Vernice papunta sa sofa sa tapat namin ni Casper.

"Ayaw ko na nito Dmitri, sawang-sawa na talaga ako sa pagiging pakialamero mo," ani Vernice pagkaupo. "Magbreak na tayo, maghahanap na lang ako ng ibang boyfriend. 'Yong hindi pakialamero!"

Mukhang hindi na nagulat si Dominic sa binitiwang salita ni Vernice. "Pabayaan mo sila," ani Casper sa isip ko. "Sabi ko nga, palagi silang gan'yan."

"Vernice, hindi mo kayang mabuhay ng wala ako sa tabi mo!"

"Anong hindi ka d'yan? Bakit, pagkain ka ba?!"

"Fine!" iritadong sabi ni Dominic. "Alam mo namang marami akong trabaho ngayong araw na ito, pero sige. Pagbibigyan na kita. Sasama na ako sa'yo sa mall."

"Dapat lang, minsan na nga lang ako mag-aya tatanggihan mo pa letche."

"Sasama na nga ako 'di ba?!"

"K."

"Pero isama rin natin sila Casper at Rica, madouble date tayo. Ano, payag ka ba?"

Double date? Tapos magpupunta kami sa mall. Gusto kong sumama. Matagal na rin naman akong hindi nakakapaglibot. Holo, gusto ko talagang sumama. "Mahal ko, kung nais mong makapaglibot maaari namang tayong dalawa na lang." Ano ba 'yan, pero gusto ko marami akong kasama para masaya.

Pinasadahan kami ng tingin ni Vernice. Saglit itong nag-isip habang patuloy kaming tinititigan. Then she smiled. "Oh, sure. Masaya kapag kasama natin sila."

+ + +

MARAMING TAO SA mall. Nang makita kami ng mga ito ay kulang na lang ay sambahin kami ng mga ito dahil sa pagyuko nila tuwing makikita nila kami. Walang humpay din ang pagbibigay galang ng mga ito sa amin. Simple lang ang suot namin ni Casper, nakasuot lang ako ng simpleng blouse at ito naman ay nakasuot lang ng white polo shirt. Samantalang si Vernice at Dominic naman, sobrang mukhang mga model sa hitsura nila.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now