"Salamat sa tulong," sabi ni Kye.

"Wala 'yon," sagot ko.

Kinuha na niya sa akin ang mga gamit niya. "Hindi na kita aayain pumasok, ah. Mga malisyoso at malisyosa mga kablock ko, 'e," aniya.

"Okay lang," saad ko. "Sige na, una na 'ko at malayo-layo rin ang lalakarin ko pa-Ruaño. See you around," paalam ko bago siya tinalikuran.

Nagulat naman ako nang paglingon ko sa likod ay muntik ko nang mabunggo 'yong isang lalaki na naglalakad palapit. Architecture student din siya based sa uniform niya.

"Sorry," paumanhin ko bago umiwas at nilagpasan siya.

"Kita ko 'yon, ah," narinig kong sabi nung lalaking muntik ko nang mabangga. "Kaya pala ayaw mo ng archi kasi engineering pala ang nais," sabi nito kay Kye.

Nilingon ko sila. Nakita ko kung paanong dinedma ni Kye ang kablock niya at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa classroom nila.

"Guys, may girlfriend na si Top 1!" sigaw nung kablock niya na sumunod sa kaniya sa pagpasok. Narinig ko naman ang kantyawan nila sa loob.

Napailing-iling ako. Malisyoso nga sila.

☼ • ☼ • ☼

"Mali! May kulang ka rito, oh," sabi ni Macky nang ipinakita ko sa kaniya ang solution sa practice problem set na ibinigay niya.

Nandito kami ngayon sa gazebo malapit sa UST Open Field. Inirereview niya ako para sa quiz namin ni Ava mamaya. Dapat ay nagrereview din kasama namin si Ava kaso naiwan niya raw ang calculator niya sa dorm kaya tumawid siya para kuhanin.

Ipinakita na ni Macky sa'kin kung paano i-solve. Nakita ko rin naman agad 'yong mga mali ko.

"Gago, oo nga pala!" sabi ko nang maintindihan na kung papaano.

"Oo, nagmura ka pa," sagot ni Mac habang nagsusulat ulit ng mga problems na nakabase sa textbook ko.

Namamangha talaga ako sa math skills ni Mackinley. Kahit anong may computation ay madali niyang nakukuha. Bagay na bagay talaga siya sa engineering.

Naiinggit na nga ako kasi hindi naman ako magaling sa math. Kinuha ko lang naman ang Industrial Engineering dahil ayokong malayo kay Papa. Hindi ko rin talaga alam kung ano bang course ang gusto ko. Pinanindigan ko lang ang IE dahil sobrang natuwa si Papa noong nalaman niya na pinag-iisipan ko kuhanin.

Akala nga raw ng mga relatives namin magmemed-related course ako kasi magaling ako sa biology pero hindi ko kasi makita ang sarili ko na nagtatrabaho sa ospital o kaya sa lab kaya hindi ko talaga naisip na kumuha ng ganoong kurso.

"Ayan, try mo ulit." Inabot na sa'kin ni Macky 'yong yellow pad na may problems. Kinuha ko ang pencil at calculator ko bago nagsolve.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot nang may marinig kaming sumigaw ni Macky. Parehas kaming napatingin sa gilid namin.

Nakita namin ang isang babae na nakaupo sa bench malapit sa gazebo na tinatambayan namin ni Mac. May kausap yata siya sa phone. Nalaman ko agad na taga-College of Tourism and Hospitality Management siya dahil sa uniform niya. Nagagandahan talaga ako sa uniform ng CTHM. Mukha na kasi talaga silang ganap na flight attendant.

"Tangina! Gusto mo ba pumunta pa akong Clark para lang magsabi ka ng totoo?!" sabi nung babae sa kausap niya.

Natahimik naman siya para pakinggan ang nasa kabilang linya. Hindi na ako makafocus sa ginagawa ko dahil inaabangan ko pa ang mga sasabihin niya.

"Ah, kaibigan mo... Kaibigan mo? Gago, kahalikan mo kaibigan mo?!" sigaw niya kaya napahawak si Macky sa bibig niya dahil sa gulat.

Siniko ko naman siya dahil baka maobvious nung babae na nakikinig kami.

Meet Me in EspañaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt