6: Beyond School Hours

Start from the beginning
                                    

Nag-recite ako sa mga tanong ni sir dahil may point system kami kaya nag-aaral ulit ako sa subject niya. I scored 21 points out of 50 sa exam and my written works probably got a low mark altogether.

I have 2 more days to complete this remedial class.

Hindi na ako makakapunta sa mga training dahil bumagsak ako. Makakabalik na 'ko sa dati kong ginagawa. Walang badminton at higit sa lahat,

Walang Keon.

Sana pala 'di ako pumayag sa match namin sa PE, o kaya nagpatalo na lang ako. Do'n naman lahat nagsimula eh. I was doing good, 'yon ang paniniwala ko. Sapat na para sa'kin 'yong effort na ginawa ko to stay academically focused, but then I fell short.

I'll be better. I have to be.

I need to take this seriously, in order for me to be better.

After that one and a half hour class, nag-uwian na kami. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at nasaid ang utak ko.

"Ang tagal mo."

Biglang may libro o notebook na dumapo sa ulo ko. Tinaboy ko ang nakapatong at inayos ang buhok.

"May sinabi ba akong maghintay ka?"

"Ay, ang sungit mo naman." Nakahinga ako ng maluwag nang tumawa siya. Kumapit ako sa braso niya.

"Alam ni Grace na may rem class ka?" Tanong sa'kin ni pres kaya umiling ako. Tatlong araw na kaming hindi nagsasabay dahil sa'kin. Kahapon may inasikaso ako sa team, no'ng isang araw may group work naman kami, ngayon galing akong rem class.

"Buti pa kayo, wala kayong problema sa grades niyo. Nakakainggit."

"Ito naman, 'wag kang magdamdam. Dapat ine-enjoy mo lang pag-aaral."

You can say that because you're unlike me.

Masipag ka, maagap, at matalino. I consider myself as sakto lang, tapos bumagsak pa.

"Pres, sa super enjoy ko mag-aral nagkaroon ako ng three day rem class."

"'Wag mong sabihin 'yan, Zera. Ikaw ang importante dito at ang nararamdaman mo, pero hindi mo pwedeng sisihin palagi ang sarili. For sure you have thought of being better by now, tama ba?" Napalingon ako sa sinabi niya.

"Yes. Ang dami kong gustong baguhin, ang dami kong sana, ang dami kong dapat. Parang ganito, sana 'di ako nagpabaya, dapat nag-prioritize ako."

"You have what it takes to improve, 'wag mong pigilan ang sarili mo sa pagtingin lang sa negative side. We're given problems to solve and to learn from." Owemji, pres knocked the truth to me.

We're given problems to solve and to learn from.

"Problems are not always mistakes. Malay mo kaya mo 'to pinagdaraanan kasi kailangan mong may matutunan na bago, 'di ba?" Parang sinampal ako ng katotohanan sa sinabi niya.

Thank you for cheering me up, pres!

Pagkatapos kong makinig, hindi ko napigilang higpitan ang kapit sa braso niya at maisandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Pres, salamat. Gumaan ang pakiramdam ko."

"You're welcome, Zera. Kung kailangan mo ng kausap, I'll check my sched kung may time ako." Natawa naman ako sa biro niya.

"Wala rin naman akong time, so baka 'di na muna ako mag-emote." We passed by the badminton court, I didn't look back even though I saw coach Fiel and ma'am Sab talking outside. Pres and I went quiet until we reach the front gate of my compound.

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now