CHAPTER 26

148 12 0
                                    

LAYLA POV

DUMATING na ang judge at ang ilang saksi sa aming kasal. Naririto din ang Hari at ang Prinsesa.

"You're so pretty"nakangiting sambit ni Clyde.

"At napakagwapo naman ng groom ko"sagot ko.

"Bago natin umpisahan ang kasalang Ito ay nais ko lamang alamin kung sino ang gustong tumutol"ani ng Judge ngunit walang tumugon at ang lahat ay nanahimik lamang.

"Kung gayon ay umpisahan na natin ito"aniya pa.

Hindi ko mapigilan ang kabahan...

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba itong si babae upang iyong makasama sa kasiyahan o sa kalungkutan? Sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan?"tanong nito.

"Yes"sagot niya.

"Ikaw babae tinatanggap mo ba itong si babae upang iyong makasama sa kasiyahan o sa kalungkutan? Sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan?"tanong nito.

"Yes"sagot ko.

"I announce you husband and wife. You may now kiss the bride"sambit ng Judge.

Humarap ako sa kanya at naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa aking mga labi. Ngunit nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at nawalan ako ng malay.

CLYDE POV

NAWALAN siya bigla ng Malay Kaya dahil sa labis na pag-aalala naming lahat ay dinala namin siya sa ospital. Nagkakagulo sa labas ng ospital ngayon dahil nga namataan nila kami.

"Ano Kaya ang nangyari kay Layla? Bakit Siya nawalan ng malay?"tanong ni Daddy.

"Kailan pa po siya ganyan dad. Laging nahihilo at matamlay nagsusuka pa minsan"sagot ko.

Magsasalita sana si dad  nung biglang lumabas ang doctor at hinarap kami.

"Doc kamusta po siya?"nag-aalalang tanong ko.

"Okay naman siya pati si baby"nakangiting Turan niya.

"B-baby?"naguguluhang wika ko.

"Yes.. Hindi pa po Pala ninyo alam? She's two weeks pregnant! Congratulations"ani ng doctor.

"Salamat po doc!"masayang sagot ko.

Parang gusto kong lumundag sa sobrang saya dahil sa narinig. Magkakaanak na kami.

"Congratulations anak!"ani ni dad.

"Congrats kuya"ani ni Karina.

Pumasok kami sa loob ng room na kinaroroonan ni Layla at maya-maya lamang ay nagkamalay na siya.

"Nese heben nebe ekez?"

LAYLA POV

"NESE heben nebe ekez?"tanong ko. Napakaliwanag ng paligid.

"Iyan Lang ba ang Kaya mong sabihin matapos mo kaming pag-alalahin ng sobra Layla?"seryosong tanong ng aking asawa.

"Ahm sorry"sagot ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong niya at hinawakan ako sa kamay.

"Medyo nahihilo pa ako. Nakausap na ba ninyo ang doctor?"tanong ko.

"Oo Layla. Buntis ka"sagot ng Hari.

Hindi ko maiwasan ang mapaluha sa saya. Napakasaya na nalaman kong magkakaanak na kami ni Clyde. Pero may ipinangangamba ako.

"Bakit Layla? May problema ba?"tanong ni Clyde

"Naiisip ko lamang paano Kung manahin niya ang sakit ko?"nag-aalalang tanong ko.

"Huwag kang mag-alala Layla iingatan natin siya"sabi ng aking asawa.

Maya-maya pa ay pinahintulutan na ako ng doctor na umuwi. Sa likod kami dumaan upang makaiwas sa media at binayaran din ng Hari ang doctor para manahimik. Maayos naman kaming nakauwi habang ang Hari at Prinsesa ay umuwi na.

"Clyde hanggang kailan natin ito itatago?"tanong ko.

"Huwag kang mag-alala dahil hahanap tayp ng Tamang timing para diyan. Magpahinga kana muna"aniya.

Kaya pumasok na ako sa kwarto namin.

YASSER POV

NAKAUWI na kami sa palasyo. Ang paalam namin kay Janina ay pupunta lamang kami ng headquarters kaya hindi siya tumutol. Nakita ko si Janina na nakaupo sa isang malaking sofa at pinagmamasdan ang larawan nilang dalawa ni Clyde. Pasimple akong tumabi sa kanya. Lumuluha siya.

"Are you okay?"tanong ko.

"Ahhm oo. Andyan ka na pala?"tanong niya at pasimpleng pinunasan ang luha niya.

"Alam kong namimiss mo na siya... Hindi mo lamang maamin"ani ko.

"Siguro nga ay tama ka Yasser. Naging matigas ako kaya nagbago ang ating anak!"aniya at umiyak ng umiyak.

"Mabuti naman at naisip mo"sagot ko.

"Natatakot ako Yasser. Natatakot ako na baka habambuhay na niya akong kamuhian"umiiyak pang turan niya.

"Mabuting Tao ang ating anak Janina at mahal na niya Kaya tinitiyak kong mapapatawad ka niya"ani ko.

"Sana nga Yasser! Sana nga"

The Falcon CousinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon