Chapter 6: Ang pag-alis ni Clyde sa Palasyo

167 14 0
                                    

CLYDE POV

NAKAUPO kaming dalawa sa sofa nang biglang pumasok si Dad at si Mom at napatingin sila aming dalawa. Halata ngayon sa mukha ni Layla ang matinding kaba.

"Ahmm Mom, Dad siya po si Layla. Ang girlfriend ko"ani ko.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo mga kamahalan"ani ni Layla at inilahad ang kanyang kamay ngunit hindi siya pinansin ng aking mga magulang

"Anong ibig sabihin nito Clyde? Diba ikakasal kana?"tanong ni Mommy.

"Kasal na kayo lang ang may gusto"sagot ko.

"Taga saan ka iha?"tanong ni Dad

"Sa San Fernando po sa may purok 4"sagot ni Layla

"Teka. Squatters area Yun ahh huwag mong sabihing mahirap Ka Lang??"galit na Turan ni Mom.

"Huwag ninyo naman po sanang bastusin si Layla! Pakitunguhan ninyo naman sana siya ng maayos!"sagot ko.

"Anak ikakasal kana! Bukas na ang engagement party ninyo ni Celine!"madiing Turan ni Mom.

"Mom, Dad huwag ninyo po sanang pilitin si kuya Kung ayaw niya"ang pagsabaf ni Karina.

"Manahimik ka Karina. Ikaw bakit Kaba pumatol sa anak ko? Pera ba ang kailangan mo?"tanong ni Mommy sa kanya.

"Tama na iyan Janina! Sumosobra na ang bibig mo!"ang pagsaway sa kanya ni daddy.

"At ano ang gagawin ko? Hahayaan kong napahiya ako kay Amber at malaman ng buong mundo na isang mahirap lang ang nobya ng anak ko??"galit na baling ni Mom kay Dad.

"Baka nga gusto Lang mamera niyan!"galit pang ani niya.

"Mawalang galang na po kamahalan. Oo mahirap lang ako pero hindi po ako mukhang pera! Marangal akong nagtatrabaho para maitawid ang aking pangangailangan pero hinding-hindi ako gagamit ng ibang tao para lang magkapwra."naiiyak na sagot ni Layla at humarap siya sa akin.

"Hindi ako welcome dito Clyde. Gusto ko nang umuwi. Nasira ko lang ata ang araw ng mga magulang mo"aniya at dali-daling lumabas.

Sinundan ko siya palabas. Inalok ko siya na ihahatid ko siya pero pilit siyang tumanggi kaya sinamahan ko nalang siya hanggang sa nakasakay siya ng jeep. Walang gana akong bumalik sa palasyo.

"Son"tawag sa akin ni Mom.

"Why?"tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Nakikiusap ako sayo anak. Pagbigyan mo nalang ako please"aniya.

"Hiwalay na kami ni Layla dahil sa inyo. Kung iyan ang gusto ninyo edi sige gagawin ko! Ano masaya na kayo??"ani ko at dali-daling umakyat sa kwarto ko.

Hindi naman totoong naghiwalay kami dahil. Walang napag-usapang ganon dahil isang malaking pagpapanggap lamang ang nagaganap. Ayokong magpakasal pero sinabi ko kay Mommy na pumapayag na ako dahil ayokong makahalata siya sa aking gagawing pagtakas mamaya dito sa palasyo

YASSER POV

SUMABAY sa amin si Clyde sa pagkain ng dinner. Pero malamig ang pakikitungo niya sa Aming dalawa ni Janina. Nakakaramdam ako ngayon ng pagkakonsensya. Nakaramdam ako ng awa para kay layla nung umiiyak siyang umalis ng palasyo.

CLYDE POV

MATAPOS naming maghapunan ay kaagad akong bumalik sa aking silid. Nakahanda na ang ilang mga gamit na dadalhin ko sa aking pag-alis. Bandang 11:30 ng gabi ng bumangon ako. Nakita ko ang imperial knights na nakabantay sa may gate. Natanaw ko silang lahat. Anim sila. Nagtimpla ako ng juice. Pitong baso Ito. At yung anim ay nilagyan ko ng pampatulog. Akin Yung isa. Ibibigay ko sa kanila Ito at makikipagkwentuhan ako upang hindi ako mahalata. Gumawa din ako ng sandwich. At nung matapos ako ay dinala ko Ito sa labas at binigyan ko silang lahat.

"Hindi ako makatulog ehh kaya heto. Hayaan ninyong magkakwentuhan muna tayong pito"ani ko sa kanila at kinuha ang juice ko at isang sandwich. Nagkakwentuhan Kami sandali at maya-maya pa ay nakaramdam na sila isa isa ng pagkahilo at nakatulog na nga sila. Dali-dali akong bumalik sa aking kwarto. Isinuot ko ang jacket ko na may hood at nag face mask. Kinuha ko ang backpack ko at dali-dali akong lumabas ng palasyo. Nagkangtatakbo ako palabas ng gate. At dahil Gabi na ay halos wala nang jeep kaya nagtricycle nalang ako at nagpahatid ako sa bahay ni Layla. 12:30 nung nakarating ako sa bahay niya. Kumatok ako pero tila ba walang nakarinig. Palibhasa ay alanganin oras na. Paulit-ulit akong kumatok at tumawag.

"Layla! Layla!"

LAYLA POV

NAGISING ako dahil sa mga naririnig kong tawag at katok.

"Sandali lang"sagot ko at binuksan ko muna ang ilaw bago ko binuksan ang pinto at nagulat ako sa aking nakita.

"Clyde? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Pilit nila akong ipinakakasal Layla pero labag sa loob ko. Masama din ang loob ko sa ginawa nilang pambabastos sayo kanina kaya nagpasya akong maglayas. Please Layla tulungan mo ako"aniya.

"Ano naman ang maitutulong ko?"tanong ko.

"Gusto Kong lumayo muna sa kanila Layla. Hayaan mo sanang manuluyan muna ako dito please"aniya.

"Wala ka na bang ibang mapupuntahan? Kita mo naman itong bahay ko. Hindi Ka sanay sa hirap"ani ko.

"Wala na akong iba pang mapupuntahan. Naisipan kong pumunta kina Tita Emma or kay Tita Mira pero tiyak na pababalikin Lang nila ako sa palasyo. Okay lang naman sa akin kahit sa ganitong lugar ako mapatira. Kaysa naman sa palasyo nga pero hindj naman ako masaya"aniya.

"Sige. Pero paano kung hanapin Ka nila at may makakilala sayo dito? Pati pag-aaral mo paano?"tanong ko.

"Hindi nalang ako maglalalabas masyado. At Kung lalabas man ay magjajacket nalang ako at magmamask para hindi agad ako makilala. Sa pag-aaral ko naman ay pumayag na ang mga professor natin na magmodule ako"aniya.

"Sige Kung iyan ang pasya mo"ani ko.

iisa lamang ang kwarto sa maliit na bahay ko. Inalok ko siya na dito na matulog sa kwarto ko pero ayaw niya. Sa salas nalang daw siya. Ibinigay ko sa kanya ang isa Kong foam at dalawang unan. Iniabot ko din sa kanya ang isa kong electric fan.

YASSER POV

DAHIL Hindi akomakatulog ay naisipan kong puntahan si Clyde sa room niya para magsorry. Napansin ko na nakaawang ang pinto ng silid niya kaya pumasok ako. Wala siya sa loob! Hinanap ko siya pero wala! Nawawala din ang Ilan niyang gamit Gaya ng backpack, laptop at Ilan sa mga damit niya! Kaagad kong pinuntahan si Janina sa silid niya at ginsing siya at sinabi Kong nawawala ang aming anak. Lumabas Kami upang tanungin ang mga imperial knights kung lumabas ba siya pero nabigla Kami sa aming nakita! Nakabulagta silang lahat habang bukas ang gate! Pilit namin silang ginising. Ikinuwento nila ang mga nangyari. Kaagad kaming nag-utos sa lahat na hanapin siya.

Bumalik kami ni Janina sa room niya nang makita namin ang isang sulat na nakalagay sa kama niya.

"Mom, Dad hindi ko ninais na humantong sa ganito ang lahat. Pero kayo na din mismo ang nagtulak sa akin palayo. Mas inuuna ninyo ang mga sarili ninyong kagustuhan kaysa sa aking nararamdaman. Hindi ko Rin inakala na tatratuhin ninyo ng ganon si Layla. Nasaan na ang mga magulang ko na mabait at mapagbigay? Ayokong lumayo mula sa inyo pero paano naman ako? Halos buong buhay ko wala na akong ginawa kundi ang sundin ang mga gusto ninyo pero hindi sa ganitong bagay. Huwag ninyo na akong ipahanap pa Kung patuloy ninyo din lang na igigiit ang inyong mga gusto sa akin!"

Wala kaming magawa ni Janina kundi ang mapaiyak. Nagsisisi ako.

The Falcon CousinsWhere stories live. Discover now