CHAPTER 10: Sina Albert at Karina

157 11 0
                                    

KARINA POV

PAGPASOK ko sa school ay usapan agad ng mga estudyante dito ang narinig ko.

"Hanggang ngayon ay hindi parin nakikita ang Prinsipe"

"Ayaw talaga niya kay Celine dahil nga daw may nobya na"

"Palagay mo ba ipagkakasundo siya ng Reyna kay Celine kung ayaw niya?? Ang sabihin ninyo chickboy at paasa siya"Sabi ng isa pang estudyante dahilan para nagdilim ang paningin ko. Nilapitan ko siya at kinuwelyohan.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan laban sa kuya ko!!"galit na Turan ko.

"Bakit? Hindi ba totoo naman??"pang-aasar pa niya.

"Alam mo ba na ang pambabastos at paninira sa isang may dugong bughaw ay may kaparusahang kapalit? Maaari kitang ipakulong sa palasyo at ipahagupit ngayon DIN!"madiing Turan ko

Lumambot ang expression ng mukha niya ngayon at bigla siyang lumuhod.

"Patawarin mo ako kamahalan! Pakiusap huwag mo akong ipahagupit!"ang pagmamakaawa pa niya

"Kayong lahat makinig kayo. Oras na makarinig ako ng hindi maganda tungkol sa kuya ko, matitikman ninyo ang galit KO!! Maliwanag??"galit na Turan ko.

"Masusunod kamahalan"sabay-sabay na sambit nila.

Dumeretso ako sa classroom namin at inabutan ko doon sina Aubrey at Luis. Si Aubrey ay anak nina Tito Brandon at Tita Emma. Matanda ako ng isang taon sa kanya pero advance siyang pinapasok sa school kaya nagkasabay kami.

"Narinig namin ang mga sinabi mo kanina. Malaki din ang concern mo sa kuya mo kahit lagi kayong parang aso't pusa"ani ni Aubrey.

"Oo nga day! Takot na takot sila sayo"ani pa ng baklang si Luis.

Biglang pumasok si Albert at naupo sa tabi ko. Ang balita ay anak siya sa labas ng isang mayamang negosyante. Pumasok na din si Ms. San Juan ang teacher namin saeEnglish at nagdiscuss. At kagaya ng dati heto nambubuw*sit na Naman itong si Albert. Sinisiko na naman niya ako!!

"Stop Albert!"galit na sabi ko ngunit tumawa Lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Albert ano BA??"galit na Turan ko.

"Why?"pang-aasar pa niya.

"WTF ALBERT!!"Sigaw ko at hindi na nga ako nakapagtimpi pa. Sinaks*k ko siya ng ballpen sa braso niya.

"ARAAYY!!"daing niya.

"What's happening here?? Princess Karina! Mr. Roosevelt!"galit na Turan ni Ma'am.

"Bakit may sugat ka Mr. Roosevelt??"tanong pa ni Ma'am.

"Sinaksak po ako ni Karina ng ballpen niya!"ang pagsusumbong niya.

"Princess Karina say sorry to Mr. Roosevelt!"maawtoridad na Turan ni Ma'am.

*Pero Ma'am-"

"Magsosorry ka or maggaguidance Ka muli?"ani ni Ma'am.

"Sorry!"galit na Turan ko.

GIGIL na gigil ako kay Albert dahil sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi nalang niya akong binubuwis*t. May araw karin sakin!

CLYDE POV

WALANG subject para sa araw na ito kaya naririto din sa bahay si Layla. Naglalaba siya ngayon. Nakaisip ako ng kakaiba. Gumawa ako ng dalawang sandwich at kumuha ako ng isang siling labuyo sa lalagyan. Inilagay ko yon sa sandwich na ginawa ko para kay Layla.

"Layla Kain Tayo! Iginawa Kita ng sandwich ohh!"ani ko

Lumabas naman siya ng cr.

"Ahmm salamat Clyde. Pero pwede mo ba akong iigib ng tubig dun sa poso? Pasuyo nalang kinulang kasi ako sa tubig ehh"aniya.

"Sure!!"ani ko

Kinuha ko muna ang jacket ko na may hood at nagmask bago lumabas...  Naiisip ko palang ang magiging hitsura niya pag nakain niya yung sili ay natatawa na ako. Hanggang sa nakaigib ako at inilagay ko ang isang balding tubig sa cr.

"Ohh ayon na. Tara kain na Tayo!"ani ko.

"Nagtimpla ka din pala ng juice! Mukhang gaganahan ako nito!"aniya.

Talagang gaganahan ka.

"Masarap Kaya itong sandwich na ginawa mo?"tanong niya.

"Oo nanan. Favourite ko nga ito ehh!"ani ko at kinagat ang sandwich ko.

Kaagad akong nakalasa ng matinding hanghang kaya nailuwa ko ang sandwich. Kaagad niyang kinagat ang sandwich na hawak niya

"Masarap nga"nakangiti niyang sambit habang patuloy na kinakain ang sandwich.

The Falcon CousinsWhere stories live. Discover now