At saka wala rin akong masyadong alam sa pagpapatakbo nila ng mga negosyong hinahawakan nila Kuya Samael dahil ayaw rin nitong kapatid ko na ma-involve ako sa mga ginagawa nila lalo na't marami ring nakakaaway na ibang Mafia family ang aming angkan.

Bukod sa organisasyon na yan ay marami rin kaming family business. May sari-sarili ring kompanya at malinis na negosyong hinahawakan sila Kuya pati na rin sila Kuya Palermo.

And speaking of Kuya Palermo.

Natanaw ko siya sa labas ng pinto habang kausap niya ang Daddy Avenido niya. Ano kayang meron at naparito sila sa Mansyon? Well, baka tungkol lang sa negosyo kaya sila nandito ngayon. Tiyak na may importante lang silang pag-uusapan o baka naman kailangan nilang makausap si Kuya Samael. Iyon naman palagi ang sadya nila dito sa tuwing nagpupunta sila dito sa bahay.

Bumaba naman kami agad ni Kuya Samael sa sasakyan niya nang matapos niyang maiparada sa loob ng garahe ang kotse niya.

"Buti naman at nakauwi na kayong dalawa.." ani Tito Avenido sa amin at humalik pa sa aking noo nang makalapit kami sa kanila.

"What happened? Akala ko ba first day of school mo ngayon? Bakit ang aga mo yatang umuwi?" nakakunot-noo namang tanong ni Kuya Palermo sa akin.

Malalim naman akong bumuntong-hininga, "As usual, Kuya." tila problemado kong sagot sa kanya.

Hindi ko na rin namang kailangang magpaliwanag dahil alam kong mage-gets nila ang ibig kong sabihin. At tama nga ang hula ko. Naintindihan nila ang sinabi ko dahil tinawanan ako ni Kuya Palermo na ikinasimangot ko naman.

"So, care to share what happened this time?" tanong ni Tito Avenido.

I sighed, "Nasabunutan po ako, Tito." tila parang bata kong pagsusumbong sa kanila.

"Nagtanong lang naman po ako kung saan yung building ng mga Business Management dahil hindi ko kabisado yung pasikot-sikot dun sa pinasukan kong school tapos biglang may humablot sa buhok ko." dugtong ko pang sabi habang sila ay mariin lang na nakikinig sa akin.

"And then?" Kuya Palermo na nakataas na ang kilay.

"Hindi ko alam na yung napagtanungan ko ay boyfriend pala nung babaeng sumabunot sa akin. Sinabunutan ako nung babaeng yun tapos sinampal at kinalmot sa gitna ng hallway. Hindi ko akalain na warfreak pala yung babaeng yun at napagkamalan niya akong nilalandi ko yung boyfriend niya kahit na nagtatanong lang naman ako. Kaya ayun, nadala kami sa guidance office." sunod kong pagkukuwento.

"At naisipan na lang ni Kuya Samael na mag-homeschool na lang ulit ako," dugtong ko pang sabi na ikinauwang naman ng bibig ni Kuya Palermo.

"Kukuha na lang ako ng private tutor niya para dito na lang ulit mag-aaral si Ilaria sa Mansyon hanggang sa makatapos siya. At least she is safe here," saad ni Kuya Samael.

"What the heck, Samael?! Dahil lang dun kaya inuwi mo itong si Ilaria at pagho-homeschooling mo na naman ulit siya?" bulalas ni Kuya Palermo na hindi makapaniwala dahil dito kay Kuya kaya natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Bakit hindi mo na lang hayaan si Ilaria na ma-try na makapasok man lang sa school kahit buong isang taon lang? At least may experience man lang niya ang college life!"  dagdag niya.

Of course, alam nilang halos sa buong buhay ko ay nagho-homeschooling lang ako dahil dito kay Kuya Samael. Pansin ko naman na kumunot ang noo nitong kapatid ko at napameywang pa sa harap ng pinsan namin.

Napangiti naman ako ng matamis dahil kahit na mukhang nakakatakot at may pagka-bad boy itong si Kuya Samael ay may tinatago naman siyang cuteness! I'm the only one who sees his soft side and I find him cute in whatever he does, especially kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now