What? Kinausap niya si Triston? For what? Don't tell me he warned Triston not to talk to me or give food to us? Oh my gosh!

"Bakit mo naman 'yon ginawa?" pinipigilan kong matawa.

Sumimangot ang kanyang mukha.

"Pinagtatanggol mo ba siya ha? Ano crush mo na 'yon ngayon?" he said bit mad.

Ngumisi ako. Aasarin ko pa siya kasi natutuwa talaga ako kapag ganito ang itsura niya.

"Medyo." I said.

Mabilis na dumilim ang kanyang mga mata.

"Sabi ko na e! Dapat pinabugbog ko nalang-"

"What the heck, Leyandrius?" pigil ko sa kanya.

He sighed problematically.

"Ilang taon akong nagtiis dahil sa nangyari tapos maaagaw lang sa akin ng ganoon kadali? Sa anong rason? Sa pagbibigay ng champorado?" aniya sa galit na boses.

Tumawa ako at umiling-iling sa kanya. Asar na naman siya sa akin. Natigil lang ako sa pagtawa ng bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang mga pinsan niyang halos nakakita ng multo dahil sa reaksyon ng mga mukha.

"What the hell?" si Adah sa hindi makapaniwalang boses.

Napatingin ako kay Yandro, he's just shrugged his shoulder. Naunang lumapit si Greece at huminto sa harap namin. Buong akala ko ay yayakapin niya si Leyandrius pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ng asawa ko.

"He's real. Sumakit kamay ko sa pisnge niya." Greece said coldly.

Nalaglag ang panga ko. Shit! Sinampal niya si Leyandrius upang sabihin na totoong buhay ang pinsan nila!

"Ouch! You really slap me to prove that I'm here!" Yandro said unbelievably.

Humarap si Greece at ngumisi ng malamig sa kanyang pinsan.

"What do you want, saksakin kita para maging totoong patay ka na?" she said sarcastically.

Laglag nalang talaga ang panga ko sa kakaibang ugali nitong si Greece. Hindi ko talaga alam kung kanino siya nagmana. Well, Tito Vizier is something crazy towards his wife. Pero bayolente naman itong si Greece masyado.

Madramang lumapit si Adah kay Leyandrius at parang Ina nito kung yakapin. Umiiyak pa hahang yakap-yakap ang asawa ko. Ganoon rin ang ginawa ni Cally na animo'y nasa isang scene ng movie at umaarte sila. Greece rolled her eyes because of her cousins.

"W-we thought, you're dead? Oh my...and now you're alive? Wow, it's a miracle!" Adah said dramatically.

Napanganga ako sa magpinsan na niyayakap si Leyandrius. My husband rolled his eyes.

"I thought, I will not see you again but God made a miracle and you're here, Leyandrius...oh!" dumagdag pa sa pag-aarte si Cally.

Narinig ko ang tawa ni Amadeus habang pinagmamasdan ang mga pinsan niya. Maging ako ay nagtaka sa kinilos ng dalawa.

"Para kayong mga baliw. Hindi bagay sa inyo ang umarte ng ganyan." Greece said harshly.

Bumitaw si Adah sa yakap kay Leyandrius at umiiyak na binalingan si Greece.

"Palibhasa wala kang puso e! Alam mong sobra kang mahal ni Joules pero parati mo siyang pinagtutulakan-"

"At bakit naman nasali si Joules dito, Adah?" pigil ni Greece.

Now the scene turn to them. Maging si Cally ay bumitaw ng yakap kay Leyandrius kaya nagkaroon ng pagkakataon si Yandro na bumalik sa akin. He sighed problematically.

"Kasi totoo naman diba? Diba Cally nakita mo kung gaano maglampungan ang dalawa sa office?" si Adah sabay baling kay Cally.

Si Cally naman ay tumango na umiiyak rin. Oh my gosh, mga baliw na yata sila!

"Oo! Ang gwapo-gwapo ni Joules at masarap pa! Tapos ikaw? Ang arte-arte mo! Hindi ka naman maganda!" sagot ni Cally.

Napanganga si Greece sa mga sinasabi ng pinsan niya. Lorenzo, Amadeus and Clive just watching them.

"See? Oh my... I should call Tito Vizier! You don't deserve Mark Joules-"

"Edi sa inyo na! Sige, sa inyong dalawa na! Ang kakapal ng mukha niyong tumatawag sa akin upang humingi ng advice dahil nag-o-overthink kayo na baka may ibang babae si Yurick at Rajik diba?" sagot ni Greece.

What the fuck? Maglalabasan na ba ng mga baho dito? Napasinghap si Adah at Cally habang natigil ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Kunwari ayaw pa ni Cally magpakasal pero nung nakita si Yurick, ayon lumambot ang malandi! Tapos ikaw Adah, diba dinadayo mo pa sa bahay ang lalaki mo dahil hindi ka naman gusto!" dagdag ni Greece.

"Oh my gosh!" si Adah.

Ngumisi si Greece at umirap-irap pa.

"Sige, hamunin niyo ako ng masabi ko lahat ng katangahan niyo sa mga lalaking mahal niyo!" Greece said sarcastically.

Laglag ang panga ng dalawa habang umiling-iling na lumabas ng library. Napahinga nalang kami ni Yandro bago umiling sa mga pinsan niyang may saltik sa ulo. Lahi yata talaga ng mga Costiño ang pagiging baliw.





---
© Alexxtott

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now