Kabanata 1

1.7K 57 6
                                    

Kabanata 1

Practice

"Doreen, diba crush mo yung Marine Engineering student?" usisa ni Rita, ang aking kaibigan.

Napanguso ako dahil sa kanyang kadaldalan. Matagal ko ng sinabi sa kanya na kapag nandito kami sa cafeteria, hinding-hindi siya magsasalita tungkol sa gusto kong lalaki. Ayaw kong malaman ng mga kapwa istudyante na may crush ako dito. Gusto kong maging tahimik ang college life ko. 

Kinagat ko ang ibabang labi at napahinga ng malalim. Tumingin ako sa bandang unahan namin, muling umusbong ang pagtibok ng puso sa lalaking tahimik na kumakain ng kanyang lunch. Wala siyang kasama, seryoso at focus lang sa pagkain. Kaya nasabi 'yon ni Rita dahil nakita niya dito si Leyandrius Costiño, ang Marine Engineering na sinasabi niyang crush ko.

Yes, I have a crush on him. Matagal naman na, pero hindi ako vocal lalo pa't sikat ang lalaking ito kahit hindi naman open sa mga social events. He is a Costiño. Blood by a rich family. Nakakahiya na ang isang katulad ko ay humahanga sa kanya. Tsaka kailangan ko rin na itago ang nararamdaman dahil rival ang tingin sa kanila ni Papa. 

Pero matapang si Yandro dahil nagawa niyang mag-stay sa hotel namin. Nagulat nga ako pero wala ng mas ikagigimbal ang nararamdaman ko ng sabihin niya sa akin na nanliligaw siya. Shit! Leyandrius Costiño? Nanliligaw sa akin! Paano 'yon nangyari? Paano niya ako nagustuhan? 

Hindi ko akalain na gagawin niya 'yon gayong malayo naman kami sa isa't-isa. Kalaban ang tingin sa kanila ni Papa. Bagama't nangunguna ang Riego at Mercadejas sa larangan ng negosyo, sumusunod naman sila. Pero hindi ko pa rin makuha na nanliligaw siya sa akin! 

Hindi ko 'yon sinabi kay Rita dahil alam kong magugulat talaga siya. Lalo pa't alam niyang crush ko 'yon at ngayon umaakyat ng ligaw sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil napabaling siya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi at napahinga ng malalim. Gosh, Doreen! You have to calm down!

From my peripheral vision, nakita kong tumayo si Yandro at ngayon ay naglalakad palapit sa amin. I swallowed hard. Nandito si Rita! Baka malaman ni Rita na may something na sa amin! Baka magimbal din ang kaibigan kong ito! Huminto siya sa harap namin, tumatalbog-talbog na ang puso ko sa kaba. Nilapag niya ang pagkain at tumikhim.

"Can we eat together?" he said softly.

Shit! Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Rita. You gotta be kidding me, Leyandrius! 

"Ah…" si Rita.

"Doreen, can we eat together?" he said again.

I nipped my lower lips. Nakita kong tumayo si Rita at walang ingay na umalis. Gusto ko siyang pigilan pero ang bruha, kumaripas ng lakad. Mabilis na umupo si Yandro sa harap ko. Napatingin ako sa kanyang pagkain, puro mga gulay ang ulam. Wala manlang akong nakitang karne. Vegetarian siguro?

"Iniiwasan mo ba ako?" marahan niyang sabi.

Mabilis akong umiling. Ayokong pag-usapan namin 'to dito! I want us in private! Ayokong ma-involve ang ibang mga tao sa amin. Pero nanliligaw palang naman. Hindi pa naman kami. Kaya siguro, hindi ko magagawang maitago ang pagliligaw niya. 

"Hindi naman." mahina kong sagot.

Nakatitig siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata. 

"Bakit hindi ka dumaan sa department namin kanina? Bakit kasama mo ang kaibigan ngayon?" tanong niya ulit.

I swallow very hard. Matalinong lalaki si Yandro. Hindi siya natatalo ng ibang students pagdating sa ranking at grades. He's always on top. Kaya ngayon, pakiramdam ko'y interrogation ito dahil umiiwas ako sa kanya. And yes, it was true! Simula nung sinabi niya sa akin na nanliligaw siya, mabilis akong nakaramdam ng ilang at hiya. 

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now