Wala naman na sa akin 'yong mga nangyari, nakakaya ko na ikwento 'yon na hindi ako kinakabahan at nanginginig. Nakakaya ko nang makita sa TV 'yong nanay ni Catria na hindi na ako natatakot.


"Why didn't you file a case against them?" tanong sa akin ni Hunter noong matapos ko statement ko.


Nagkibit-balikat ako. "Ayaw ko lang i-relive 'yong nangyari at ayaw ko na sila harapin."


Tumango si Hunter. "If you want to pursue the case, here's my calling card. My friend and I are willing to help you if you're filing a case against corrupt politicians." Inabutan niya ako ng calling card at umalis na.


Bakit nga ba hindi ako nagsampa ng kaso?


Kasi takot ako na madamay 'yong pamilya ko...


Kasi ayaw ko na talaga harapin ang mga 'yon tapos wala namang mangyayari dahil kakampi nila ang batas....


Kasi kawawa si Catria kapag nakulong 'yong magulang niya at hindi naman siya tutulungan ng mga kapwa corrupt dahil mga makasarili naman silang lahat...


Napailing na lang ako sa huli kong naisip. Talagang para sa kanya pa rin...


"Kumusta?" tanong sa akin ni Ella noong makapasok siya sa restaurant kung saan namin napagpasyahan magkita-kita para sa campaign rally ng sinusuportahan naming presidential candidate.


Tinuro ko 'yong mga libro nasa harapan ko. "Pagod."


"Same," sagot niya at umupo sa tapat ko. "Hirap ng grad school."


"Ga-graduate ka pa nga lang, anong grad school sinasabi mo diyan?" pang-aasar ko sa kanya.


"Excuse me?" Tinaasan niya ako ng kilay. "PLE na lang hinihintay ko. Pitong taon akong nag-aral."


"Congrats in advance, doc," sabi ko sa kanya. Pinaghirapan din naman niya 'yon.


Inirapan niya lang ako at tinignan 'yong mga librong nasa harapan ko. Kinuha niya 'yong laptop niya at tinawagan si Blair na nasa New York kasama ni Zia, maya-maya sumali na rin si Axel sa group call.


"I miss you all!" madramang sabi ni Axel. "Where's Daph, Crys, and Julian?"


"Magkasama raw si Daph at Crys, si Julian nasa work daw pero hahabol. Alam mo naman ngayon mas marami silang trabaho dahil eleksyon."


Ngumuso si Axel. "So boring naman ni Jul—"


Dumating bigla si Julian at nakasuot pa ng polo-shirt na ginagamit ng mga reporter sa MDS. Naghahabol siya ng hininga at umupo sa tabi ko.


Nag-order kaagad si Ella ng tubig para kay Julian.


[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Where stories live. Discover now