PROLOGUE

428 25 1
                                    

KARINA POV

NAGPUNTA sina Mom at Dad sa school ngayong hapon ipinatawag sila sa guidance. Noon si Granny ang napunta pero ngayon sina Mom and Dad na ang gusto nilang makausap. Inabangan ko sila. Maya-maya pa ay dumating na.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo Karina?"galit na tanong ni Daddy.

"Yasser ano ba? Mamaya mo na pagalitan ang anak mo kapag alam na natin ang buong pangyayari?"Sabi ni Mommy.

"Whatever"

NAGPUNTA na nga kami sa guidance office.

"Magandang hapon mga kamahalan"ani ng Principal.

"Magandang hapon. Ano pong Meron?"tanong ni Mommy.

"Maupo muna kayo"sambit ng Principal Kaya naupo kami.

"Ang estudyanteng Ito na si Ms. Leigh Salvador ay inirereklamo ang Prinsesa dahil sa panghuhubo at pagkuha ng Prinsesa sa panty niya"ani ng Principal.

"What the h*ll Karina?"galit na turan ni Dad.

"Wait. Yasser bago mo pagalitan ang ating anak alamin muna natin kung bakit niya iyon nagawa. Bakit mo nga ba ginawa iyon?"tanong ni Mommy.

"Nagpadrawing po kasi si Ma'am sa bond paper tapos nilagyan niya ng grades. Mas maganda mas mataas ang Grade kaso iyang babaing iyan itinapon sa basurahan ang akin. 100% po ang Grade ko Doon Mommy"sagot ko

"Hindi sapat na dahilan iyon para-"Hindi na pinatapos pa ni Mommy ang Principal

"Kaya naman pala. Tama lang iyon!"ani ni Mom.

"Shut up Janina. Ma'am we are so sorry-"

"No! Ikaw ang tumigil. Alam mo Ma'am hindi ko pinalaki ang anak para maagrabyado lang ng kung sino!"ani ni Mom.

"Pero labis na kahihiyan ang inabot ng bata kamahalan!"ani ng Principal.

"Labis din naman ang dinanas ng drawing ng anak ko!"sagot ni Mom.

Si dad? Hindi na siya makaimik at napapakamot nalang ng ulo. May kuto ata?

"Mukhang walang patutunguhan ang usapang Ito. Mahal na Prinsesa ibigay mo na ang panty niya"ani ng Principal.

Binuksan ko ang zipper ng bag ko at kinuha ang kanilang hinihingi.

"Ayos ahh nakabalot pa talaga sa papel na parang espasol anak!"ani ni Mom.

"Magsorry ka sa kanya"maawtoridad na Turan ng Principal.

"No! Hindi siya magsosorry dahil hindi naman siya ang pinagmulan ng gulo!"Sabi ni Mommy.

Napabuntong hininga nalang ang Principal bago nagsalita.

"Wala nga talagang patutunguhan ang usapang Ito. Sige na sakto oras na ng uwian"ani ng Principal. Kaya lumabas na Kami ng office.

"Yasser wait! Ang bilis mong maglakad!"ani Mom habang hinahabol si Dad. At padabog itong sumakay ng kotse.

The Falcon CousinsWhere stories live. Discover now