Chapter 32 : ( Hinala part 2 )

2K 28 0
                                    

#EDITED


Kit's POV

Umaga na nang masigurado kong sa resort nga namin naka check in si Red pero hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya o siya lang bang mag isa , ayaw din kasi ibigay saakin ni Ate ang important profiles nang mga naka book in sa resort , hindi ko rin naman siya mapipilit dahil para na din yun sa safety nang mga naka check in dito ,

At ngayon naman nakatambay lang ako sa kwarto ko at nakatingin sa sala , gusto ko lumabas at hanapin si Red pero matirik pa ang araw kaya naman sigurado akong wala siya sa labas , pero boryong boryo na ako dito sa kwarto !!! Ugh ..

Dahil sa pagkainip ko lumabas muna ako para naman hindi sayang ang pagpunta ko dito this is a vacation after all .. Cool lang akong lumabas nang resort building ko at nang akmang liliko na ako may nahagip yung mata ko ,

Nakita ko si Redrick sa ilalim nang malaking payong at may nakakalong na babae sa kanya at nakapulupot pa yung kamay sa batok niya , kumunot ang noo ko sa nakita ko .. dapat ba akong magselos ? pero bakit ... parang natural lang ?

Nakakalong si Red sa kanya , na parang sobrang close nila ... Eh diba ang Girlfriend niya si Charm ?? hindi rin naman halata sa kanya na nangbababae siya ? yung ginagawa nila , para kasing ginagawa rin nila yan ni Essa .... ayoko mag isip nang kung ano pero malakas ang pakiramdam ko na may mali kay Red eh ... maraming beses ko nang napaghahalataan yun !!!


-Flashback-


@Resort's Bar

Gabi na nang mapagpasyahan kong pumunta sa bar pagkatapos nang swimboard kanina bigla nalang din nawala si Red kaya dito na ako dumiretso nang mag gabi ..

Pagpasok ko nakahagip ko kaagad ang babaeng pinagtitinginan nang kalalakihan pero walang lumalapit sa kanya , hindi ko inaasahan na andito siya .. Napangiti ako at saka siya nilapitan ,

" Can i sit here ?" Nakangiting tanong ko , lumingon siya saakin at nakita ko ang kulay berde niyang mga mata , ang ganda .. napaka ganda .. bakas sa muka niya ang gulat pero agad ding ngumiti ..

" Sure " Sagot niya kaya naman umupo na ako sa tabi niya , tumagilid siya nang gawi saakin at biglang nang dim yung lights kaya napatitig ako sa naka side view niyang muka , biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko si Essa sa kanya .. yung mahaba niyang pilit mata na katulad nang kay Essa , bakit ganun .. bakit ba siya ang nakikita ko kahit si Red ang nasa harapan ko ?

Hindi ko pinansin yun kasi sobrang imposible ... Hindi naman siguro ako lolokohin ni Essa , hindi siya ganung tao .. at anong rason para lokohin niya ako ?!! Aish !!!

At bakit ko iniisip yung pangit na yun ? i feel guilty kasi nasa harap ko ang babaeng mahal ko pero ibang babae ang nasa isip ko , pero ..

Kanino ka guilty ? kay Essa o kay Red ?

Biglang sabi nang gilid nang isip ko !! what the hell is that supposed to mean ??????

" Are you ok ?" nabaling bigla ang tingin ko kay Red na nagtatakang nakatingin saakin  ..

Napangiti agad ako nang pilit ..

" Ahh oo may iniisip lang !!D-Do want me to buy you a drink ?"Pag aalok ko sa kanya nang mapansin kong Juice lang ang iniinom niya .. Agad siyang umiling saakin ,

" No i refused, i dont drink " she calmly said . Napatango naman ako bilang pag intindi .. Interesting , she don't drink ?

" Just one ??" pagpupumilit ko sa kanya wala naman akong balak sa kanya , gusto ko lang talaga siyang alukin !! Tinitigan ko siya sa mata at bakas din sa mata niya ang pagdadalawang isip hanggang sa ngumiti siya saakin at nag nod saakin , ngumiti ako at  nag order na nang Cherry leschie, hindi naman masyadong nakakalasing yun eh , it's ladies drink.

Chasing RedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu