Chapter 17 : ( He's Back )

2.8K 49 0
                                    

A/N : Again , yung picture is si Redrick and Essa ^____^ baka kasi ma misundestood ^___^ Hoho !!


#EDITED


————————————————-



" Si Redrick " napatingin kaming lahat sa sinabi ni Kurt , Oo alam kong si Hyung lang ang gumagawa ng ganitong bagay , tuwing nasasaktan ako o iiyak lang , binubugbog na niya !!

" Wag mo muna siya pagbintangan wala siya dito " depensa naman ni Yssa kay Hyung !

" Yun nga ang pinagtataka ko eh , wala si Redrick edi sino ang gagawa nang ganung bagay ??" sabi naman ni Kurt !

" Tama na yan ,, tara na bumalik na tayo sa school diba sabi mo wala nang studyante doon baka pwede tayo makahanap ng mga pweba kung sino ang may gawa nun !! umagang umaga marami nang nangyari " sabi naman ni Kit , naalala ko yung ginawa niyang pag comfort saakin kanina !! , Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobra akong kumportable at sobra akong safe sa mga yakap niya saakin !!

kami ni Yssa ang magkasama sa sasakyan ko at siya ang nag drive , dahil wala talaga ako sa mode ngayon !! napapaisip ako , pano naging si Hyung yun eh nasa korea siya ?? July palang ngayon sat sa pagkakaalam ko sa August pa siya uuwi !!

" Beshy tara " sabi ni Yssa napatingin ako sa kanya , nasa school na kami at sarado na ang mga gate ., bumaba kami ni Yssa at pinuntahan ang mga tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng gate ,

" Pano yan sarado ?" Tanong naman ni Yssa ,

" This way " sabi naman ni Brent at pumunta sa likod ng school , nagulat nalang ako kasi may butas doon na natakpan lang ng mga bushes ,

" Dito kami dumadaan kapag nag cucutting kami NOON " sabi niya , medyo napangiti ako at nag ok sign siya saakin , hindi ako awkward sa kanya na alam na niya kung sino talaga ako !!

Nang makapasok kami sa loob , dumeretso kami sa Classroom pagpasok namin doon , may mga dugo pa sa floor , pakiramdam ko gusto ko ulit umiyak !! pero tinap lang ni Kit yung ulo ko kaya nag nod nalang ako sa kanya at ngumiti nang pilit ,,


" Guys tignan niyo to " sabi ni Brent at dumeretso kami sa upuan ni Roy may sticky note sa ibabaw ng desk niya , kinuha yun ni Yssa at lumaki ang mata niya ,

" Were Right " sabi niya at kinuha naman ni Kurt yon at binigay kay Kit !!

" Anong nakasulat ?" tanong ko sa kanila kasi halos mang lumo ang mga itsura nila at dahil tinapon narin ni Kit ang papel sabay ang pagkuyom nang mga kamay niya ..

" Don't YOU Ever Touch Her " nakakuyom ring kamaong sabi ni Kurt at hinampas naman siya ni Yssa na umiiyak na !!

" Ano ba wag mo nga siyang hawakan Piggy " pag lalayo sa kanila ni Brent pero hindi ko pinansin yun , at iniisip kung saan ko narinig yung mga words na yun ,

—- Flashback —

1st Year High School

Andito kami sa lumang bodega nakatali ako at may sampung lalaki ang nakapalibot saakin ,

" Ang tagal naman ng kutong lupa nayon " rinig kong sabi ng lalaki at tingin ko mga 3rd yr high school sila !! nakatakip sa bibig ko yung packing tape !! kaya hindi ako makapag salita ..

maya maya , biglang bumukas yung pintuan at nakita ko siya na galit na galit !!

" Sa wakas —" sabi nung isa pang lalaki pero hindi niya natapos yung sasabihin niyaat hinampas agad siya nang tubo sa ulo nang bagong dating na lalaki ,  dahilan para mag si suguran ang iba pang lalaki !! nang mapatumba na niya yung iba pang lalaki may isang lalaki na humawak sa ulo ko at sinabunutan ako kaya naman napaiyak nako nang sobra , ayoko umiyak dahil alam kong lalo siyang magagalit !! pero hindi ko mapigilan !

Chasing RedWhere stories live. Discover now