Pumunta pa ako sa profile ko at nag scroll scroll. Nakita ko pa ang last post ko bago ang kasend ko.

Dump Shrimpay •••
June 5 • 👥

Why naman ganon huhu 😭😭 bakit di na lang si Luigi ang nakatuluyan ni Venus 🥲🥲

👍like 💬 comment 🔁share

Anu ba naman tong post na toh. Mukhang tanga lang.

Tumayo akobpara pumunta na sa CR at madaling naligo. Nauna ako sa mga kapatid ko kukupad lang. EME! Parang di ako mabagal, ah.

Buti na lang may load ako. Hehe

Nag scroll ako pero May Isang post akong di matuwa

One piece Philippines •••
Fayfay • 1 d • 🌏

Favorite donut🍩

👍35k 🔁13k share

Picture ni Ace yung nakalagay nung namatay sya.

Ay nakakatawa ba yun. Donut na nga yung tao eh.

Carliza •••
5 m • 👥

Ang bilis ng oras- ako pa ba?

😆5
👍like 💬 comment 🔁share

Nag scroll pa ako hanggang malapit na kami. Doon ko lang inoff iyon.

Papunta ako sa room ng masalubong ko si Venus.

Wala naman kaming ginawa kung di mag-lesson lang nang mag-lesson. Nang mag 12 na doon lang ako nakagalaw.

Papuntang akong kanteen. Nakita ko si Venus mag-isa ulit siya, ganoon din ako.

Nang natapos na ko kumain may naghila sa akin papunta sa sulok.

"Ate" ani Shea

"Bakit mo ba ko bigla hinihila, ha?"

"Ate, diba masyadong tumatagal-tagal ata pag-iwas nyo sa isa't isa?"

"Oo nga ate, tama si Shea" singit ni Shanti na nasa likod ni Shea.

"Anu ba pake niyo?"

"Ate!" Pasigaw na sabi ng kambal

"Wag kang ganyan ate" ani Shea "Iisang kaibigan mo na lang si Ate Venus ganyan ka pa"

Sinasabi niya ba na wala akong kaibigan? O walang gusto kumaibigan sa akin? Dating sa akin ganon, eh. Saka ang oa ah! Day 2 pa lang noh.

Tumawag ang kaibigan ni Shea at ni Shanti kaya pinabalik ko sila pero makulit sila at pinipilit pa din ako.

"Malaki na kami. Alam na namin ang tama at mali. Labas kayo dito, wag kayong sumali sa away namin, Shea....Shanti" ani ko bago umalis.

Napahinto na lang ako nang may biglang nagsalita.

"Ganon ba kayo magkakapatid?" Napalingon ako sa nagtanong na iyon. Si Elio lang pala, naka-sandal sa pader parehong kamay niya nasa bulsa niya.

"Anu pake mo ha?"

"Anu yan copy paste. Sinabi mo na yan sa kapatid mo. Wala na bang iba?"

"Bakit? Kapatid ba kita, ha?"

"Hindi. May sinabi ba ko?"

"May sinabi din ba ko na kapatid kita? Wala naman diba? Nagtanong lang ako. Wag kang assuming" huling sabi ko bago bumalik sa room.

Tsk, assumero

Napaisip ako na subukan ko makipag kaibigan sa iba. Lumapit ako sa kaklase ko.

"H-hi a-ako" napiyok ako. Mariin akong napapikit dahil nadinig ko ang malakas na tawa ni Elio.

Narinig nila yun? Anu kaya tingin ni Luigi sa akin Huhu nakakahiya. Anu ba!

Napatingin ako sa katabi niya si Jah, tinarayan niya lang ako. Sa katabi niya naman si Law na tinarayan din ako tumaray ako pabalik.

Cinelear ko muna ang lalamunan ko bago nagsalita "Ahem, ako pala si Shreya"

"Alam na namin yun"

Talaga ba? Edi bigyan ng jacket yan!

"Ah....ok. Gusto ko makipag kaibigan sayo." Deretso kong sabi.

Tinuloy ko makipagkaibigan sa kanila hanggang ilan araw nadin kami nagkakasama. Di ko pa din kinakausap si Venus.

Ang napapansin ko lang medjo pasaway sila. Saka talagang gusto nila nasusunod sila PALAGI.

"Mae, bili mo nga kaming pagkain sa kanteen. Shreya, anu ba gusto mong kainin?" Tanong  ni Chel sa akin

Tumayo ako "Wag mo nang utosan si Mae, Chel. May mga paa ka naman"

Tinarayan lang ako nito. Isang linggo na silang ganto. Lagi nila binu-bully si Mae, ngayon di ko na matiis na ganto na lang.

Mukhang nasa novel nga ako. Mae side characters dito sa novel.

Spoiler alert!

Ang karakter niya ay puno ng inggit kay Venus. Inshort boba siya.

Alam ko naman inggitera siya pagdating kay Venus pero tinulungan ko pa din siya. Incredible isn't it?

"Uh, thank you pala Shreya sa pagtanggol mo sa akin"

"Ah, yun ba wala lang yun"

"Ang lucky niyo talaga ni Venus noh? Kaya pala naging kaibigan kayo. Parehong kayong mabait, matapang saka maganda syempre"

Nagtaka ako sa ani niya. "Huh" yun lang ang lumabas sa bibig ko

"Ah, kasi nakwento ka ni Venus sa akin habang pinagtanggol niya ako sa masasamang tao na nagtangka sa akin"

Ay oo nga pala. Kaya pala sila naging kaibigan ni Venus dahil pakelamera si Venus. Lagi sumasali sa gulo.

"Ah, ok"

"Alam mo. Lagi akong hinihiling na sana may ganon din akong kaibigan katulad ninyong ni Venus. Kaya sana Shreya kahit anung pagsubok ang dumating sa inyo, sana maging matatag kayong magkaibigan"

Nalungkot ako sa sinabi niya. Ganyan din sinabi niya kay Ria noon.

Ria, 2nd lead, aka jowabels ni Jah, ang original na kaibigan ni Venus na pinalitan ko. Kung talaga nasa nobela ako.

Meron kaming group activity. So lucky ko!

Puta gusto ko na umuwi

Kasi may kasama ko ang apat na hiwaga

Baka malas kamo

Dito sa school in short. Opo kagrupo ko sila. Ganon din si Venus.

Tuwing titignan ko siya naalala ko pa din sinabi sa akin ni Mae.

"Class, sa lunes na lang niyo report sa klase dahil magtime na"

Anu?! Huhu so sasama pa ako sa kanila. Ganon ba?! Ayaw ko.

"Arat, punta sa bahay ni Law. Sa Sabado, g ba kayo?" aya ni Elio.

Pumayag yung ilan na kagrupo namin. Kaya wala akong nagawa kundi sumama na din. Sabado naman iyon.

So no choice ako

Please nakakahiya huhu

-----

To be continued....

©ikigai2u
[2022]

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now