Simula

19 0 0
                                    

SIMULA

“YOU may now kiss your bride.” The Priest announce.

Nahihiya akong tumingala at sinalubong ang matiim na titig sa akin ni Trent. Halos himatayin na ako sa kaba habang unti-unti niyang itinataas ang belo ng suot kong wedding gown.

Lalo na at sa unahang upuan ay naroon ang mga kaibigan kong malawak ang ngisi na animo inaasar ako.

When we are still in high school kasi, we have this deal na kung sino ang unang mag-aasawa ay magbabayad ng isang milyon. I’m not that scared naman na magbayad because I have money na naman for myself. I am a fashion designer on my mother’s fashion company.

Halos lumabas ang puso ko sa dibdib dahil sa sobrang nerbiyos ng unti-unti bumaba ang mukha nang binatang halos dalawang buwan ko pa lamang nakikilala ay heto at mahahalikan ko na... muli.

At halos mabuwal ako kung hindi lamang ako mahigpit na hawak nang aking asawa ng tuluyang maglapat ang aming mga labi.

His lips are so soft and warm. Hindi ko napigilang ipikit ng mariin ang aking mga mata kasabay ng malakas na hiyawan at palakpakan sa paligid.

We have decided to have a very intimate garden wedding on one of the Valte’s property in Marinduque. Pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang imbitado. Taga-rito ang mga Valte but they are residing in Tagaytay dahil sa negosyo at trabaho.

Hindi ako binibitiwan ni Trent hanggang sa makarating kami sa reception. Kung hindi pa siya tinawag nang magulang niya ay hindi siya aalis sa tabi ko.

“Gaga ka! ‘Yong isang million namin, hah.” Mahinang bulong ni Ysa. Si Lourine naman ay hinila ng bahagya ang aking buhok habang natatawang nakatingin si Shamia na umiikot ang paningin sa paligid, mukhang may hinahanap.

“Duh!”

Nagpatuloy ang harutan namin hanggang sa maging iyakan at dramahan.

“Basta kapag pinaiyak ka, we’re just one call away.” Kindat ni Shamia.

Natawa ako. “Kahit naman arrange marriage ito siguro naman maayos kaming magsasama dahil mabait naman si Trent.”

But I was wrong.

“May I talk to you, Krysta?” bungad sa akin ni Trent nang pumasok siya kasunod ang babae.

Pilit man ay ngumiti ako, “of course. What is it?”

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa silid.

“I’m s-sorry…”

Doon na ako kinabahan ng husto. Hindi pa man ay parang alam ko na agad.

“Hmm?”

“She’s Ziah.” Tukoy sa babae na naiwan sa sala. “And…” he stop, heave a sigh and continue. “I got her pregnant.”

Tila ako nabingi. Sumikip ang aking dibdib. I want to cry pero walang luha. Nanatili akong nakatitig sa maamong mukha nang asawa kong natutunan ko nang mahalin sa maiksing panahon.

***
Author's Note:

Simulan na ang medyo mapanakit na kwento.

-august-

The Capable Wife (ONGOING)Where stories live. Discover now