Kabanata 07 - Ang Pagbabalik

Start from the beginning
                                    

"But what if she wants to win you back?"

"Imposible. Ma-pride si Claire. She'd rather chose to leave than beg for forgiveness. Ni sorry nga ay hindi niya magawa eh. Even before, she doesn't say sorry when I get mad at her. Kailangang ako pa ang sumuyo kahit na siya ang mali para lang magkaayos kami."

"Alam mo, ang love kasi ay parang pagdedesiplina ng bata. Kung may nagawa siyang mali, make her feel guilty about it. Ikaw rin ang may kasalanan kung bakit siya na-spoiled. That cheating thing, siguro akala niya'y you love her that much kaya maiintindihan mo at mapapatawad mo siya kahit na magmahal siya ng iba."

"Yeah. That's my fault, I spoiled her. I remember one of my ex-girlfriends told me na ang hirap ko raw mahalin, ang hirap daw kasing pantayan ng pagmamahal ko. Mali ba na magmahal ng sobra?"

Tumingin lang siya sa akin. Nang may dumating na bus pa-Alabang ay pinara niya iyon at sumakay na kami. Tayuan na pero parang wala lang sa kanya. Ako naman ay hindi komportable sa ganito. Pagpasok ko pa nga lang ay madami ng mukha ang natamaan ng backpack na sukbit ko kaya't walang katapusang pagso-sorry ang ginawa ko.

Inilagay ko na lamang sa harapan ang backpack. Natutumba-tumba pa ako sa pagpreno ng bus at kapag may bumababa, hindi ko malaman kung papaanong pagtabi ang gagawin upang makadaan sila. Ngayon ko lamang nalaman ang disadvantage ng pagiging malaking tao. Si Winona ay tawang-tawa sa akin. Hiyang-hiya naman ako sa mga kapalpakan ko. Parang hindi ako lalaki.

Maya-maya'y nabakante na ang upuan sa tapat ni Winona. Kinalabit niya ako. "Maupo ka na."

"Ikaw na. Ikaw ang babae."

"Ayos lang ako," sabi niya. "Ikaw na maupo. Hindi ka sanay eh."

Natawa ako. "Kaya ko naman. Ikaw na maupo, Nona."

Ngumiti siya. "Bahala ka."

Tumapat ako sa kinauupuan niya. Kinuha niya ang backpack at kinandong iyon nang hindi raw makaharang sa daan. Naglabas siya ng maliit na notebook sa bag at isang ballpen. May isinulat siya roon. Hindi ko na binasa dahil baka pribado ang isinusulat niya. Maya-maya'y kinalabit niya ako. Inabot niya ang isang piraso ng papel na pinilas mula sa notebook.

Kinuha ko iyon at binasa. "I have found the paradox. That if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love. -Mother Theresa."

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at may itinuro sa likod ng papel. Tinignan ko iyon at may nakitang mga numero. Tumingin ako sa kanya nang may mga tanong sa mata.

"Tawagan mo 'ko kapag kailangan mo ng karamay."

Natuwa ako dahil ibinigay niya ang number niya sa akin which means, she like to get in touch with me. I thought this is where our instant friendship ends. Bakit nga ba hindi ko naalalang kuhain ang number niya kanina pa? Bakit nga ba nagdamdam agad ako sa paghihiwalay ng landas namin? Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Thanks for this! The best gift ever."

Natawa siya. "Best gift ever talaga?"

Tumango ako. "Bihira lang ang nabibiyayaan ng kaibigang tulad mo."

"Well, thanks for the compliment," sabi niya. "Basta kapag may problema ka, don't forget that you still have God up there and Winona down here. Okay?"

Nag-thumbs ako.

"Oh! Bicutan na! Bicutan!" sigaw ng konduktor. Sa haba ng biyahe ay hindi man lamang ako nakaupo.

Sinuntok ako nang mahina ni Winona sa braso. Napaigtad ako at napatingin sa kanya. "Bye! Ingat ka."

With those words, parang bigla akong nanghina, parang gusto ko pang manatili sa tabi niya. Tiningnan ko ang mukha niya at kinabisado ito dahil alam ko na matatagalan pa bago kaming magkita muli. Magkikita pa ba kami? Baka nga ito na rin ang huli eh.

"Bye, Nona!" sabi ko at matipid na ngumiti.

***

PAGDATING ko ng apartment ay naka-lock ang pinto. Wala akong dalang susi. Hindi ko sigurado kung narito pa si Claire pero nagbaka-sakali na ako at nagsimulang kumatok. Biglang bumukas ang pinto at napaigtad ako. Narito pa nga siya. Nagulat din siya nang makita ako at agad na yumakap sa akin. Hinayaan ko lamang na yakapin niya ako dahil sa totoo lang ay na-miss ko rin siya.

Narinig ko ang paghikbi niya malapit sa tainga ko. "I'm sorry! I'm sorry, Roj!"

Muling sumagi sa isipan ko ang kasalanan niya. Nanumbalik ang galit sa dibdib ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa akin at walang imik na pumasok sa loob.

"Roj, please. Please forgive me."

Tinignan ko siya. "I can't forgive you. It's not that easy, Claire."

Muling bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. "I love you, Roj."

"Sarili mo lang ang minahal mo, Claire," sagot ko at nagbadya na rin ang luha sa mga mata ko.

"I know... what I did was unforgivable. But please, give me a second chance."

"You know what, I never thought you'll beg for a second chance. I never thought that Claire Beñaflor would lower her pride for me. Pero sana... sana mas inagahan mo."

"Roj," sabi niya at sinubukang lumapit sa akin.

"No. Diyan ka lang. Hindi mo na ako madadaan sa paglalambing mo!"

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para mapatawad mo 'ko?"

"I already told you, I can't forgive you. There's nothing you can do about it," sabi ko at tumalikod na. Inilapag ko sa mesa ang dalang suman.

"What do you mean? Wala na tayo? Sumusuko ka na?"

Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Muli ko siyang nilingon. "Huwag mo akong baliktarin. Ikaw ang unang sumuko sa atin, Claire. The moment you took a fvcking left turn, isinuko mo na ang pagmamahalan natin."

Lumapit siya sa akin. "No, Roj! Naipit lang ako sa sitwasyon."

"You kissed the guy, Claire! You kissed him willingly and passionately. Nagawa niyo pa ngang magtawanan pagkatapos. Paanong naipit sa sitwasyon?"

"I was bored! Bored na bored na ako sa bahay na ito. You don't even ask me on a date."

"So, it was all about a date? What a lame reason, Claire."

Yumuko siya. "No, it's not like that."

"Then what?"

"I thought you don't love me anymore. I thought you're taking me for granted just because you've already got what you want."

"What? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin, Claire?"

"I'm sorry!"

"We don't go on dates because I love the food you cooked for dinner. Umuuwi ako nang maaga because I was thinking, ano kayang ulam ang hinanda ni Claire para sa akin? Even if it doesn't taste that good, I still eat it as if it's the tastiest food I'd ever eat. Because I love you that much, Claire."

Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin.

"I want you to stay, Claire. I really do. But your lack of trust and faithfulness has forced me to leave you. I'm done choosing you, Claire. It's time I choose myself. This is the toughest decision I've ever made. I wish things were different but it wasn't, it isn't, and it will not be. We can't escape the fact that we're not enough for each other. I love you, thank you, and goodbye, Claire."

The PolicewomanWhere stories live. Discover now