3: Senior High School Medley

Start from the beginning
                                    

Bumalik na kami sa room saka naghintay palabasin para sa flag ceremony. Tinapon ko ang baso at bumalik sa upuan upang mag-cellphone.

Babagsak ka this sem kapag hindi mo nilapag cravings mo.

Natawa ako sa nabasa. I shared the post and captioned "lambing ni ano" for clout. Suddenly, I felt a pang on my chest and hips. My head ached a little, too.

"Uy, pila na raw." Tinapik ako ni Grace sa balikat.

"Pass. Sumama bigla pakiramdam ko." Tinanguan niya lang ako at lumabas. Sumilay ako sa bintana at nakitang nagpapaliwanag siya. Hindi ko naman makita silang buo dahil may isang section na naglalakad papunta sa hagdan.

"Pres, masama pakiramdam ni Zera. 'Di siya makakababa." Napangiti ako sa ginawa niya para sa'kin.

Wow, nakakataba ng puso.

"Grace! Thank you!" Sigaw ko dahil paalis na sila. Kinawayan niya ako at nag-thumbs up. Kinabit ko ang earphones sa magkabilang tainga at tumungo sa desk. Shuffle time.

She ain't got no money,
her clothes are kinda funny,
her hair is kinda wild and free.

"Oh, but love grows where my rosemary grows and nobody know like me."

For the first ten minutes, I feel my eyes become heavy and eventually fell asleep.

"Zera, gising. Basic calculus na." Marahan ang pagkakatapik ni Jaz sa likod ko. "Salamat."

I can't believe tulog lang ako sa chem at stat.

Parang may bowling ball sa ulo ko dahil inaantok pa rin ako. My head swung backward kaya bigla akong napamulat.

"Magandang umaga, E5. Ready na ba ang mga boards niyo?"

"Opo."

Pinaikot naming tatlo ang upuan namin para magkakaharap kami. Wala ng paliguy-ligoy si sir at nagtanong na.

Wow, STEM. Angas pakinggan. Select ko nga.

Dahil lang sa abbreviation na naangasan ako, pinili ko na. Naghihirap tuloy ako.

"Zera! Ano ba! Integral lang ng (3 sin x + sec² x) dx bilis!" Bigla naman akong nataranta sa sinabi ni Grace dahil may group work kami na quiz bee style. By pair dapat pero pinilit namin kay sir na maging tatlo kasama si Jaz.

"Shuta, 'di ako sure sa method na isa. Gagamit ako ng constant multiple rule. Wala ba kayong pabigat na groupmate? Ngayon meron na." Tumawa ako at nagpatuloy mag-solve.

"3 (-cos x) + tan x. Bilisan mo! Isulat mo na!" Nagmamadali kong sabi habang titig na titig sa whiteboard namin.

"Nasaan ang arbitrary constant!? Plus c! Minus two tayo niyan!" Buti na lang naalala ni Jaz!

"Ayan na ang group nina Miss Millarte. Masyado yatang mabilis?" Natatawang sabi ng basic calculus (na hindi basic) instructor namin.

"Alright, boards up! Most of you got the correct answer. May mga nakalimot pa rin ng ating constant, minus two ang groups nina Gonzales, Dela Cruz, at Aguilar."

Buti na lang talaga.

"Ayos lang kalimutan si x, 'wag lang ang ating plus C." Nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Yannie.

Bawat groups ay may twenty points, kada mali ay bawas two points, at one point naman sa tamang sagot. Lugi sa point system namin kaya dapat iwas error kami.

Ibinigay na sa akin ang whiteboard dahil salitan kaming tatlo.

"Next question, what is the derivative of 4x³ - 2x² + 34x - 6?"

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now