Maroon 15

224 5 1
                                    

Kinabukasan, May 2 ay umalis si Mama at sumama siya kina Lolo para kunin ang mga gamit nila para mag stay sila ng ilang linggo or possible ay isang buwan dito sa Quezon City.

May 4 ang next game at gaganapin ito ulit sa MOA at 4 PM ito magsisimula against La Salle. Dahil pang number 2 sa standing ang UP ay may advantage sila against La Salle which is the twice to beat advantage.

After their win against Ateneo ay diretso training agad sila para sa Final 4 round at gusto nila na makapasok sa finals. At dahil sa pagkatuwa ni Lolo habang nanood ng laro ay nangako siya sa UPMBT na isa siya sa magiging sponsor kung sakaling babalakin ng UP na magkaroon ng training overseas para sa preparation next season.

Laking pasalamat ni Lolo, meron kasi siyang lupain sa probinsya at mas lalong lumago ito dahil sa tulong ni Papa noon. Kaya gusto niyang makatulong kung kaya niya, dahil dun ay ang mga walang trabaho sa probinsya namin ang nagtatrabaho ngayon sa lupain ni Lolo. Meron din restaurants ang pamilya namin sa probinsya na pinamamahalaan ni Tita Jenny na napalago niya talaga dahil isa siya mismo sa nagluluto doon.

Habang dito naman sa Quezon City ay naiwan ni Papa ang mga apartments niya na pinaparentahan namin sa mga estudyante dito sa Katipunan. At habang si Mama na ang namamahala doon ay nagtatrabaho pa rin si Mama sa kumpanya ng pamilya ni Papa dahil kahit sina Lolo at Lola ay gusto ang paraan ng pamamahala ni Mama kaysa sa mga kapatid ni Papa na wala namang interes sa negosyo nila.

"Japan tayo sa birthday mo," pag-aaya ni Chin habang tahimik kaming nakaupo sa may swimming pool at nag-iisip kung maliligo ba kami.

"Sama natin sila Kuya Carl saka yung boyfriend mo ate." Dagdag pa niya at napangiti ako. Minsan lang kasi humiling si Chin kasi madalas tahimik siya at sumusunod lang sa gusto ni Mama.

"Sige sabihin ko kay Mama, papayagan tayo nun." Sagot ko at ngumiti naman siya saka tuluyan ng nagswimming habang pinapanood ko lang siya.


Tumapak ang gabi at dahil apat lang kami dito sa bahay ay ako na ang nagluto.


"Sa May 4 na pala agad ang laro nila against La Salle." Kwentuhan namin nila Ate Mia habang pinapanood ulit namin yung laro nila against La Salle noong first at second round.

"Ano pakulo natin sa next game, Ate?" Tanong ni Chin at nagdadrawing na siya. Plano niya kasi gumawa ng banners na itataas namin sa May 4.

Magaling kasi magdrawing si Chin at yun yung gusto niyang gawin at suportado naman siya ni Mama.

Plano ni Chin na sa family namin ay puro banner ni Carl ang hahawakan namin, pero hahawak pa rin ako ng banner ni Harold kasama ang mga kaibigan ko na sina Faith, Roseann, Juliet, at John na katabi na namin na manonood sa May 4.

May 4, 2 PM pa lang nasa MOA na kami, nag-uli muna kami at kumain habang inaantay na magpapasok sa loob ng Arena. Ang isang buong row sa lower box sa tapat ng bench ng UP ang pwesto namin. At 3:20 PM nagdecide kami na pumasok na sa Arena para doon na maghintay hanggang sa magsimula ang laro.

Makikita mo sa itsura ng bawat players kung gaano nila kagusto na manalo ngayon. For UP they need to win this game to go sa Finals habang kapag nanalo ang DLSU dito ay magkakaroon ng do-or-die match na gaganapin sa May 6.

Nung first quarter when Harold got 3 point shot ay grabe sumigaw ang pamilya ko dahil natatambakan na ang UP when he scored that point.

"Go UP!" Sigaw namin sabay-sabay saka kumakaway pa kasama ng banners na hawak namin. Marami kasi kami ngayon kaya mas malakas ang cheer namin.

Lamang na ang La Salle 26 against sa 16 ng UP when Carl shot a 3 point kaya nabuhayan ulit kami at nagtatalon. Kita na sa mukha ni Carl ang frustration pero salamat at hindi pa rin siya sumusuko kahit parang may something sa laro nila today.

Kahit ako ay napapatingin na sa bench nila dahil kahit ako ay 'di alam ang nangyayari. Pero habang tinitingnan ko sila doon ko narerealize kung gaano kalaking pressure ang kinakaharap nila. People are expecting for them to win it in one game, pero ang hindi nila alam it will not be easy.


At the end of the game, DLSU won against UP with a score of 83-80.

Kitang kita sa bench ng UP ang pagkatahimik nila pero alam ko na pagkatapos nito balik training sila para bumawi next game.

"Carl! Bawi next game, kaya niyo yan! Proud ako sayo apo ko!" Sigaw ni Lolo saka pinakita niya yung banner na ginawa ni Chin para kay Carl.

Tumango naman si Carl at ngumiti kay Lolo kahit pa kitang-kita ang frustration at lungkot sa mukha niya.

"Bawi kami, Lo!" Sigaw niya pabalik bago naglakad palabas ng dugout.

Lumapit naman si Harold para marinig rinig niya ang sasabihin namin sa kanya.

"Bawi Harold, kaya niyo yan! Manonood ulit kami next game full support!" Sigaw ni Lolo at ngumiti naman si Harold at tumalon talon para kumaway kay Lolo na ganoon din ang ginawa. Napangiti kami nila Mama when we saw how Lolo was so happy talking to Harold kahit malayo ang distansya nila dahil nasa lower box kami.

Pagkauwi sa bahay ay natulog agad ako, nagsabi na rin kasi si Harold na bukas na lang siya tatawag sa akin dahil mag extra training siya ngayong gabi at naiintindihan ko naman yun. Kailangan nilang bumawi at alam ko na gagawin nila ang best nila para magawa yun at saludo ako sa kanila para doon.

Gustong gusto talaga nila na makabawi hindi lang para sa championship kundi para na rin sa UP community na nagtitiwala sa kanila na kaya nila. They just need to work hard and trust one another gaya ng pagtitiwala nila sa kakayahan nila. Talent alone can't make you a champion in a group sport, it should also have teamwork and determination.


















Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now