Maroon 10

273 7 2
                                    




At 6 AM ay gising na ako, epal kasi ni Carl ginising ako sa tawag niya sinabi niya na after the game bumili raw ako ng kape for him kasi didiretso na agad siya sa loob ng MOA mamaya.


Pasimple lang siya gusto lang niya magpalibre kasi alam niya na kapag humiling siya ibibigay ko kaagad.



"Bilhan mo na lang din ng frappe si Harold para tie." 'Di talaga papatalo si Carl at nag suggest pa kasi baka raw magselos si Harold pero gusto lang niyang gumastos ako.



"Bibilhan ko siya kahit 'di mo sabihin," yun na lang ang sinabi ko habang nag iisip kung alin ang susuotin kong damit.



"Kuya sa tingin mo, magsuot kaya ako ng shirtsey ni Harold or mag maroon na lang ako?" Tanong ko sa kanya at pinakita ang maroon corset top saka yung maroon shirtsey ko na may surname at jersey number ni Harold.


"Kung ako sayo mag shirtsey ka na lang ni Harold, dala mo yung bubble head ko diba? Pucha baka mapagkamalan na naman tayong magjowa." Natatawang paliwanag ni Carl kaya pati ako ay natawa na rin kasi naalala ko na naman yung unang encounter ko with his fan when she thought na jowa ako ni Carl kung hindi pa niya nakita yung suot ko na may Alarcon sa likod.



Nag end na rin kami ng tawag kasi need na niya mag breakfast at ako naman naligo na ako. After that ay bumaba na ako sa dining area para mag almusal at nandun na silang lahat naghahayin nang pagkain.



"Twinnie tayo," nakangiting bati ni Ate Mia when I saw na pareho kaming naka white skirt at flat shoes. Suot niya rin ang shirtsey ni Carl kaya napa apir na lang kami sa isa't-isa.


Aalis na kasi kami sa bahay mga around 8 AM kasi one hour ang byahe pwera na lang kung traffic. Si Mama ang nagvolunteer na mag drive kaya chill lang ako katabi niya tapos nasa likod sina Tita at Ate Mia.



At 9:10 AM ay nakarating na kami sa MOA at agad tumawag sa gc ng Harold Fam para magmeet kami sa isang coffee shop habang nauna na sila Mama sa loob ng Arena.



Pagkakita ko sa kanila ay kumaway ako. They are all wearing maroon shirt at may mga banner pa sila.



"Good morning," bati ko sa kanila at agad nilabas ang laptop ko kasi mas gusto ko na yun ang gamitin ko to send the links.



After ko ma send ang links we decided for a photo op, 25 kaming lahat in total.



"Ang cute naman ng shirtsey mo saan mo nabili yan? 'Di pa kasi release yan eh." Bulong ni Tita Kc sa akin agad naman akong napakamot sa batok ko kasi bigay 'to ni Harold sa akin sample raw kasi 'to kaya binigay niya sa akin kung maganda raw ba.



"Tita bigay 'to ni Harold," yun na lang ang sinagot ko kasi ayoko rin namang magsinungaling. Tumango naman siya at nag approve sa kain bago kami sabay-sabay na pumasok sa arena.



Konti pa lang ang nanonood kasi dahil na rin siguro sa sobrang aga at may pandemic pa rin.


Katabi ko si Ate Mia sa seat at naka-angat na ang bubble head ni Carl at Harold. Sumigaw ako saglit para makita ako ni Carl at tawang-tawa siya when he saw his bubble head saka tinawag si Harold para ipakita rin yung sa kanya.


Nag thumbs up si Harold habang thumbs down naman si Carl na may kasamang sama ng loob kahit alam naming deep inside natatawa rin siya sa ginawa namin ni Ate Mia.


Nagsimula ang game and as expected Carl did not dissapoint especially at naglalaro siya against his former school. Maganda nag pinakitang laro ng UPMBT considering na kung ako player baka tulog pa ako ngayon, 'di ko alam paano agad nila nakokondisyon ang katawan nila to play this game so early.



Maroon | Harold AlarconHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin