Maroon 14

222 4 0
                                    



At gaya nga ng sinabi ko UP did bounce back against La Salle at nagtuloy tuloy siya hanggang sa natalo rin nila ang UE at UST. During those times na wala ako Harold never failed to call me every after game to check up on me lalo ma at nakwento ko sa kanya na halos hindi na ako lumabas ng kwarto dahil sa mga taong nandidito.



May 1 ng madaling araw ang alis namin dito sa probinsya kasi kasama namin ang pamilya nina Tita Jenny na kapatid ni Mama since birthday ni Althea at gusto niya na sa Quezon City magcelebrate. Nagpresenta na rin ako na isama si Lolo para hindi siya ma bored dito sa bahay since maiiwan siya mag-isa kung hindi siya sasama.



Nung nalaman ni Tito Mark, asawa ni Tita Jenny na manonood ako ng game sa May 1 ay gusto rin daw niyang manood ng game kasama kaming lahat kaya agad ako naghanap ng tickets para sa amin. Mahirap pero naghanap naman ako online kung saan makakabili ako.


April 30 ng umaga umalis na ang mga kapatid ni Lolo, as expected for the past 12 days na nandidito sila ay halos hindi kami magkasundo ng pamilya ni Lola Jean kulang na lang ay magalit na ang buong angkan sa kanya dahil sa walang prenong bunganga niya. Hindi ko rin maintindihan ang sobrang pagkagalit niya kay Mama, pero ipinaliwanag na lang ni Tita Jenny na at some point naiinggit si Lola Jean kay Mama dahil nakapagtapos si Mama sa magandang paaralan at nakapag asawa ng lalaking mahal siya.



Nasa van si Mama kasama sina Lolo habang mag-isa akong nagmamaneho ng kotse na dinala namin. 1 AM ay nagbyahe na kami para makarating kami ng 7 AM or 8 AM sa bahay depende sa traffic para maka idlip naman kami kahit papaano pagkarating sa bahay bago kami manood ng game.


Nagpapatugtog lang ako habang nakasunod ako sa van na sinasakyan nila Mama dahil sabi niya sumunod na lang daw ako sa kanya. Hindi naman naging mahirap ang byahe kasi kaunti pa lang ang bumabyahe. Nakarating kami ng 7:14 AM sa bahay at nag almusal lang kami bago natulog.



Pinagluto pala kami nila Ate Mia ng pagkain at nagpresinta siya na gisingin na lang daw niya ako mamaya kapag maghahanda na papunta sa MOA. Yung driver na lang pala namin na si Kuya Rodrigo ang magmamaneho sa amin para isahang van na lang ang gagamitin.


Si Lolo naging madali lang at close na sila noon sa family ni Carl, lalo na kay Carl kasi nakikita niya yung sarili niya noong binata pa siya kay Carl. Kaya feeling ko si Carl talaga yung favorite niyang apo.



Nag message ako kay Harold na nakauwi na ako at manonood ako ng game mamaya kasama ang family ko.



Around 4 PM ay nagreready na kami para makaalis na ng mas maaga para less hassle sa traffic. Doon na rin kami kakain sa labas after the game kesa kumain pa kami dito sa bahay sayang sa oras.



Tahimik kami sa van kasi pagod pa rin galing sa byahe pero excited kasi magandang laban ang mangyayari.


"Ang cute ng damit mo," nakangiting sabi ni Ate Mia saka tumabi sa akin sa may passenger seat.


Naka pink kasi kaming lahat kahit si Lolo, actually siya pa ang nagpresinta kaya matchy matchy kaming lahat buong family.


Nag-uli muna kami sa mall bago kami tuluyang pumasok sa Arena nung malapit na magsimula ang laro. Pagpasok namin nakita namin sa may kabilang dulo sina Tita Remy kasama sina Tita Kc kaya kumaway ako at nagpaalam saglit kina Mama para lapitan sina Tita.



"Kasama mo buong family mo?" Tanong ni Tita Kc at tumango naman ako sa kanya saka tinuro ang Lolo ko na seryosong nakatingin sa bench ng UP at mukhang hinahanap si Carl.



"Gusto kasing manood ng Tito ko po kaya sumama sila sa akin pati po yung Lolo ko." Paliwanag ko sa kanila at tumango naman sila. Yumakap ako kay Tita Remy saka sa kapatid ni Harold bago ako bumalik sa upuan ko kung saan katabi ko si Lolo.


Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now