Maroon 07

275 7 1
                                    


Umalis na rin ako kaagad matapos kong maihanda ang mga dadalhin ko for Carl. Binilin kasi sa akin ni Mama at Tita na siguraduhin ko na sa loob ng one hour ay makakain ng maayos si Carl habang inaayos ko ang mga gamit niya.


Nagmaneho na ako papunta sa hotel kung saan sila nagstay ngayon. I was informed that I just have to call the person na bibisitahin ko para makapunta na sa area kung saan pwede ang visitation. After almost one hour na byahe dahil traffic ay nakarating na rin naman ako sa hotel.


Pagpasok ko pa lang sa hotel ay tinawagan ko na si Carl para pabababain na siya kasi marami akong dala. Nagpatulong na lang ako sa guard para madala ko yung mga gamit. Pagbaba niya I saw him talking to Terrence bago siya tumingin sa akin at tipid na ngumiti.


Kumaway naman ako sa kanya saka pinakita ang isang bag of chocolates na binili ko for him. 'Di man halata pero para kaming magkapatid na nagpapalamangan sa mga bagay na binibigay namin sa isa't-isa.


Papasok na kami sa room when I saw a glimpse of Harold looking at us habang kinakausap niya ang kapatid niya.


Sa loob ng ilang minuto ay tahimik lang si Carl habang tinitingnan niya isa-isa ang mga pinadala ni Mama at Tita for him. After that, nagsimula na siyang kumain habang pinagbubuksan ko siya ng tubig para mailagay sa baso.


"Kuya, I won't be able to watch the game this Saturday." Yun na lang ang lumabas sa bibig ko kahit marami pa akong gustong sabihin sa kanya.



Sa kanya ko lang kasi nasasabi lahat ng mga hindi ko masabi sa mga kaibigan ko o kahit kay Mama, kasi alam ko na safe sa kanya lahat.



"Ako ang nagsabi kay Tita na ayain ka," yun ang sinagot niya, which I didn't expect kasi hindi naman siya ganoon. Siguro bakas sa mukha ko ang gulat kaya napailing si Carl.


"Hindi mo ineexpect na gagawin ko yun? Mahalaga ka sa akin, Luie. Ayoko na nakikita kang nasasaktan dahil sa hindi sigurado ang isang tao sayo. Mabait si Harold, kilala ko yun pero hindi ko rin siya masisisi kung hindi niya masabi yung mga gusto niyang sabihin kasi naka focus siya sa pangarap niya." Habang nagpapaliwanag si Carl ay napatingin na lang ako sa sahig habang hawak-hawak ang pareho kong kamay para pigilan ang sarili ko na maiyak kasi alam ko na may point siya.



"Alam ko naman yun, Kuya, I am not expecting anything from him. Siguro nasanay lang ako na yung mga ginagawa ko sayo noon ay ginagawa ko na rin sa kanya ngayon kasi pareho kayong mahalaga sa akin." Sagot ko saka tumingin sa mukha niya. Ngumiti naman siya sa akin kaya ngumiti na lang din ako.



"Ayokong pakielaman ang buhay mo kasi sayo yan. Pero please lang, ingatan mo ang puso mo, bata ka pa. Ayokong makita kang umiiyak dahil nasasaktan ka." Dahil sa sinabi niya ay 'di ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako.



Noon kasi, nasanay ako na ako lang mag-isa ang umiintindi sa sarili ko dahil panganay ako at kailangan ako ni Chin at Mama. 12 years old na si Chin habang turning 19 pa lang ako. Pero I have to be independent at some point kasi ayokong maging pabigat kay Mama. When I met Carl and his family doon ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng mas matanda sa akin na maaaring intindihin ako kapag may problema ako. He made sure na siya ang tatayong mas nakakatanda sa aming dalawa, kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya at sa pagmamahal na binibigay niya sa pamilya ko.


Tumayo ako sa kinakaupuan ko at lumapit sa kanya para yakapin siya kahit hindi pa siya tapos kumain.



"Kaya love kita eh," saka ko ginulo ang buhok niya at niyakap pa ulit siya.



"Habang binibigyan mo ng time si Harold, siguraduhin mo na bibigyan mo rin ang sarili mo ng oras, deserve mo yan." Paalala niya at tumango ako sa kanya saka pinahid ang mga luha sa mata ko saka ngumiti sa kanya.



Nagtagal ang pag-uusap namin kasi nagrereklamo siya bakit hindi raw yung favorite na chocolate ang binili ko para sa kanya.



Nakangiti naman ako palabas ng visitation area pero nawala rin yun when I saw Harold looking at me. Para bang inaantay na niya talaga ang paglabas ko.



Lumapit siya sa akin at nahihiyang ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya pero saglit lang.



"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit ten minutes lang bago ako paakyatin sa hotel room ko." Paghihingi niya ng permiso at pumayag naman ako sa kanya.



"Pasensya nga pala sa nagawa ko kanina, nagulat lang ako sa sinabi ni Carl." Paliwanag niya saka tumingin sa likod ko at nakita ko si Carl na nakatingin sa amin ngumiti siya sa akin at tumango kay Harold bago siya umalis.



"Ah, yun ba? Okay lang, pasensya na rin kasi mahilig talagang mang-asar si Kuya." Sagot ko sa kanya saka umiwas ng tingin.



"I like you," sa gulat ko ay napahawak ako sa bag ko at nahila ko ito. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kasi tumunog yung bag sa pagkakahulog sa sahig, kahit ang mga dumadaan ay napatingin din.



"Sorry, nabigla ba kita? Hindi ko kasi alam kung kelan yung right timing. Busy pa kasi ako kaya ayoko pa umamin kasi gusto ko after season para full focus ako kaya lang baka mawalan ako ng chance." Sunod-sunod na paliwanag niya kaya napangiti ako to realize na gusto niya rin pala ako at mukha lang akong tanga para isiping hindi.



"Naiintindihan ko naman, naipaliwanag na ni Kuya sa akin lahat. Dapat nga ako pa ang umintindi kasi ako naman yung pumasok sa buhay mo kahit alam ko na busy ka." Sagot ko naman sa kanya saka ngumiti at hinawakan ang braso niya to assure him na okay lang.



Ngumiti naman siya saka binuka ang dalawang kamay niya like he is opening it for a hug. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at saglit na paghalik dito bago niya ako bitawan.



"Babawi talaga ako after season," pangako niya at tumango ako dahil alam ko na magagawa niya yun.



Pagkatapos naming mag-usap sa hotel ay umuwi na rin ako. Nagpatuloy kaming mag-usap pagkarating ko sa bahay, we decided to know each other kung ano ba ang mga gusto namin at mga ayaw namin. Nasabi ko na rin sa kanya na hindi ako makakanood sa Sabado pero ipapadala ko pa rin yung pagkain na gagawin ko for him.









Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now