"AAAA OMG! Ang galing-galing mo talaga!" She kissed my cheeks. "Ang galing niyo parehas ni Steven ano ba 'yan."

I was laughing with her until one of my classmate, MJ, went on my table. "Apir tayo, bes. Ang galing niyo talaga ni pareng Steb."

Even though I'm confused why he's suddenly calling me bes, I shrugged it off. Since naka offer na 'yung kamay niya sa hangin ay nakipag apir na ako sa kanya. I chuckled when he smiled after what I did.

"'Yun oh, mabait ka naman pala bes, eh. Ewan ko ba diyan kay pareng Steb. Alam mo ba sabi niya sa amin, hindi ka raw tao. Mukha ka raw engkanto kasi masungit ka raw."

My jaw dropped upon hearing his revelation. The fuck?

"Sinabi niya 'yon?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"I didn't say that. Ang sabi ko lang hindi ka friendly." Narinig ko ang boses ni Alvarez na obviously pinagtatanggol ang sarili niya.

Umirap ako sa hangin bago siya tiningnan ng masama.

"Sus! Itatanggi mo pa, par! Huli ka na, oh. Nasabi ko na kay bespren."

Humarap ako kay MJ. "Okay lang kung sinabi niya 'yon. Hindi rin naman siya mukhang tao."

"Huy grabe! Kung hindi kayo parehas tao, edi ano? Bagay kayo?" Malakas na sabi ng isang kaibigan nila.

"AAAAA OMG! My main ship is sailing!" Violet exclaimed, almost shrieking. "Kinikilig akooo! Dahan-dahan lang naman!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Vi kaya nahampas ko nang mahina ang braso niya. "Shut up, Violet."

After lunch, it was time for Politics. We were all settled when Miss Adi entered our classroom.

"Good afternoon, class. I'm just going to explain your performance task saglit at bababa rin ako kaagad sa faculty dahil may meeting."

"Ma'am, hanggang ano oras po?" Tanong ng isang classmate namin.

"Hanggang 2 ang meeting namin kaya simulan niyo ng gawin ito pagbaba ko," she answered.

I heard my classmates cheered in low voices. Tuwang-tuwa na naman sila na walang teacher. Me too, makakatulog ako.

"Class, by group itong activity niyo. I need five groups. Kayo na ang bahala sa mga groupmates niyo."

"Ma'am kailan po deadline?" Tanong ni Violet sa tabi.

"Deadline agad? I haven't explained your activity yet," natatawang sabi ni ma'am. She stood up before facing the class. "Your activity will be a mini research. I want you to pick a country around the world that has a monarchical government. Or sabihin na nating kahit hindi present time, basta nagkaroon ng monarchial government."

I raised my hand. "So, it's like we're going to research about their ways and how they function as a monarchical country?"

"Exactly, Añasco. Indicate what type of monarchy, find out how the leaders were chosen, figure out who leads the trading industry and a lot more details. Sundan niyo itong outline na ibibigay ko." Tumalikod siya sa amin para isulat sa board ang magiging outline ng gagawin naming activity.

Hm, madali lang pala.

"No less than 15 pages and I want it to be ring-bind. Any questions?"

Sabay-sabay na nagreact ang mga kaklase ko. What? Gulat sila sa no less than 15 pages?

Nang umingay ang classroom dahil sa kanya-kanyang paghahanap ng group ay nagalit si ma'am. Nag-suggest siya na alphabetically arranged na lang ang pag-group na agad kong tinanggihan.

"Huwag na alphabetically arranged, ma'am. Ayokong magkaroon ng kagrupo na mayabang na engkanto." Kahit mahina ang boses ni Alvarez ay pumintig ang tainga ko nang marinig ko 'yon.

"Excuse me?!" Inis kong sabi. "Who told you na gusto rin kitang ka-group?"

He looked at me boredly before smirking. "Natamaan ka ba sa sinabi ko? I didn't know na assuming ka pala, Añasco. Malay mo I was talking about Abalos?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bigla akong nahiya dahil na-realize ko na wala naman nga siyang sinabing pangalan.

"Par naman, bakit ako nadadamay diyan?" Reklamo ni Abalos.

Nanindigan ako na ako na lang ang pipili ng groupmates. Kaso, mali ko rin pala dahil hindi ko naisip na hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko. Who knows baka maging pabuhat sila?

Tapos, ayaw pa ni ma'am na magkakagrupo raw ang magkakaibigan kaya hiwa-hiwalay kami nila Violet.

Kailangan namin ng seven members per group. Pinili ko 'yung sa tingin ko ay may malaki ang ambag. I was looking for more members when Alvarez went on my side.

"Can I join your group?"

I raised a brow. "What are you doing here? Akala ko ba ayaw mong may ka-grupo na engkanto?"

"Hindi ba obvious? I'm asking for your permission to join your group." He also rolled his eyes at me. "And don't please yourself na sumali ako sa group mo kasi nandito ka."

"Oh, bakit nga sa group ko?"

"Bakit hindi? Ayaw mo ba non? Hindi ka ma-p-pressure na mataasan ang grade ng magiging group ko, if ever? And come on, Añasco, hindi ka mabibigatan na ka-grupo ako. Besides, gusto ko rin mapadali ang trabaho ko. Ayokong magbuhat ng group mates."

Pinag-isipan ko ang sinabi niya. He's right. Since this is a group work, iisa lang ang magiging score namin. It will be an advantage to have him as my groupmate since I won't be pressured. Isa pa, pareho kaming magaling, mas aangat ang group namin.

"Fine. Only because I don't want dumbbell groupmates." Tinutukoy ko ang mga kaklase kong pabigat. Syempre mas gugustuhin kong ka-grupo si Alvarez kaysa naman sa mga walang ambag.

Nag-f-finalize na ako ng ¼ namin nang ipasa ni MJ ang papel nila kay ma'am. Binasa naman ni ma'am ang members ng group nila at nagulat ako nang nandoon ang apelyido ni Alvarez.

"Ma'am! Ka-group ko po si Alvarez!" Protesta ko.

"Hala, ang daya! Magkakasama kayo sa isang group?" Apela ni Carl nang masilip niya ang papel na ipinakita ko kay ma'am.

"Ano ba talaga? Sino bang ka-group ni Alvarez?" Inayos niya ang salamin niya bago humarap kay Alvarez. "Sino ba talagang ka-group mo?"

I rolled my eyes.

"Bakit ka nakipag-group ka sa iba, Alvarez? Akala ko ba sa akin ka na?" Inis na tanong ko sa kanya. Siya nagsabi kanina na makikisali siya sa group ko tapos ngayon bakit nakasulat ang pangalan niya kila Carl?

"Oo nga. Sa'yo nga ako, Añasco."

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

elluneily 🌷🍰🎫

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now