Kabanata 6

94.1K 3.1K 1K
                                    

Ella

'Ang dumi-dumi mo na, Ella.' Niyakap niya ang sarili habang nag-iisip kung babangon na ba o hindi. Nag-enjoy naman siya, paano kapag gusto niya ulit? Magkano kaya ang ganon? Petting, necking, and kissing pa lang naman! Kailangan na ba niyang isali sa weekly budget niya ang bayad kay Cairo?

Napaigtad siya nang makarinig siya ng mahihinang katok sa labas ng kanyang gate. She felt na ang Dean iyon at tsinecheck kung may estudyante bang nasa loob ng apartment niya. Damn it! Babawasan niya na talaga ang pagkakape!

Binuhat niya ang mabigat na braso ni Cairo para makawala siya sa yakap nito sa kanyang tiyan at pagkakasiksik nito sa kanyang leeg at unti-unting dumulas papalayo sa kanyang kama. 

Binuksan niya ang main door at sumilip doon. Napakunot ang noo niya nang makitang may nakahintong SUV sa tapat ng kanyang bahay at may nakatayong lalaki na nakasuot ng puting polo at slacks. Maamo ang mukha nito at kahit mula sa malayo ay bakas ang pagiging mestizo.

"Magandang umaga, kayo po si Ma'am Ella?" Magalang na tanong nito kahit palagay niya ay magkasing-edad lang sila.

Tumango siya, "Ano yon?"

"Ako si Saint. Gising na po ba ang Kuya ko? Nagbilin kasing dalhan siya ng uniporme."

Muntik na siya mapatapik ng noo sa narinig mula sa kapatid ni Cairo. Ano na lang iisipin nito? Sinabi ba nitong nagtatrabaho ito sa kanya at tinuturuan siya sa sex?

"Pasensya na po kayo kung inumaga na kayo sa pagtuturo sa Kuya ko. Hindi kasi siya mahilig mag-aral pero matalino rin naman. Nagdala pala ako ng almusal. Sorry po, Ma'am." Iniangat nito ang dalawang paperbag, isang may lamang damit at isang may lamang Jollibee. 

"Tinuruan ko? Parang baliktad, este... Okay lang! Maliit na bagay pero malaki yung sa Kuya mo." Bumubulong-bulong pa siya sa ibang sinasabi habang lumalapit kay Saint.

"Ano po yun?"

"Huwag mo na akong pino-po, kasing-edad lang daw kita sabi ng-- estudyante ko." Ngumiti siya habang kinukuha ang paperbag. Napalingon siya nang bumaba ang bintana ng sasakyan at nakangiting sumilip don ang isang magandang babae.

"Good morning, Ma'am! Ako rin, tinuruan ko si Saint magdadamag. Bobo 'e!" Humalakhak ito. Nahihiyang napangiti si Saint. 

"Salamat ulit, Ma'am. Pakiabot na lang kay Kuya ko."

Tumango siya at pinagmasdang lumayo ang sasakyan sa kanyang apartment. Bumalik siya sa loob ng bahay at ipinatong sa lamesa ang pagkain at ang uniporme ni Cairo. Kailangan na rin niyang maghanda. Habang nagpapakulo ng tubig ay may yumakap mula sa kanyang likuran. She got a whiff of Cairo's natural musky scent, kagabi niya pa naaamoy ang panlalaking pabango nito kaya mas lalo lamang siyang naengganyo na 'magpaturo' rito.

"Bakit ang aga mong bumangon, Ma'am?" Bulong ni Cairo sa kanyang tainga. May hatid na kiliti iyon sa kanya. Jusme, anong kiliti?! Bakit ka nakikiliti, Ella?!

"Dumaan kasi ang kapatid mo, dala ang uniporme mo at saka almusal." Pagbabalewala niya sa kiliting nararamdaman. 

"Si Saint?" Nakakunot ang noo ni Cairo nang lingunin niya ito. "Sinabi ko na huwag masyadong maaga at ayokong magising ka. Napuyat kita kagabi, Ma'am."

"H-hindi naman." Iniwas niya muli ang tingin, "M-marami akong natutunan..."

"Natutunan lang? Hindi mo ba nagustuhan, Ma'am?"

Napigil niya ang paghinga, "Hindi naman importante kung nagustuhan ko o hindi. Ang goal ay matuto ako. Salamat sa libre. Gusto mo ng kape?" Patay-malisya niyang inayos ang lakas ng apoy sa kalan. 

Temptation Island: Illicit TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon