Kabanata 4

71.8K 2.9K 1.3K
                                    

Maki Says: Happy Weekend! May gising pa? Haha

Ella

"Maghunos-dili ka, Ella. Estudyante mo si Cairo." Pinagalitan niya ang sarili habang palakad-lakad sa loob ng kanyang maliit na salas.  "At paano magiging propesyunal ang isang yon? Walang bakas ng hiya sa katawan! Parang hinihintay na lang akong maghubad 'e! Hindi, hindi niya makikita ang dede ko." Napahawak pa siya sa magkabilang dibdib at mariing napailing nang may mapagtanto.

"Paano naman yun, Ella?" She inwardly groaned. "Ano, mag-uuniform ako habang nagpapaturo ng sex para pormal? Bwisit ka, self! Mga desisyon mo talaga sa buhay!"

Halos mapatalon siya nang bumukas ang kanyang pinto sa apartment. Naroon si Cairo at mayroong dalang ulam na binili sa karendirya sa kanto. Ang walanghiya, nakipagset pa ng dinner meeting para daw maayos ang kanilang 'business deal'. 

"Gutom ka na ba, Ma'am? Kakain na tayo." Nakangisi si Cairo habang kalmanteng naglalakad papasok ng kanyang apartment. 

Kain? Kain daw? Ng ano?

"Parang kinakabahan ka, Ma'am? Namumutla ka." Puna nito sa kanya. 

Napahaplos siya sa mukha na nangangapal. Maiistroke pa yata siya sa kanyang mga ideya! Pinagmasdan niya si Cairo na parang walang pakialam. 

Harujusko, feel at home pa nga ang loko! Nilagpasan pa siya at dumiretso agad sa kusina at binuklat ang mga gamit niya sa kusina para isalin ang pinamili.

"Kapag nagstart na ang lesson natin, dapat malusog ka para hindi ka manghina agad." Sambit pa nito.

Nakapamewang siyang pumaroon sa may kusina. "Bakit naman ako manghihina? Tuturuan mo lang naman ako ng basic? Ano 'yun? Aaraw-arawin ba natin?"

"Paano ka gagaling kung hindi aaraw-arawin? Saka tiyak naman kapag natikman mo ako, hahanap-hanapin mo rin."

Pinanliitan niya ng mata si Cairo kaya malutong itong napahalakhak. "Binibiro lang kita, Ma'am. Kailangan mong maging kumportable sa akin, baka tadyakan mo ako kapag hinawakan kita."

"H-hawak? Bakit mo ako hahawakan? Bibigyan kita ng stick, ituturo mo lang ang dapat kong hawakan."

Tumaas ang kilay ni Cairo at napailing, muling pinagbalingan ang isinasalin na ulam sa mangkok, "Manood ka na lang ng porn kung ganon ang gusto mo. Libre pa."

"Hindi nga pwede... Kailangan kong maging kumportable sa harap ng iba habang naghuhubad ako."

"Gusto mo bang matuto o ayaw?"

"Gusto..." 

"'E di susunod ka sa akin ng walang angal, Ma'am. Kain na tayo." Anyaya ni Cairo. Napabuntong-hininga siya sa lakas ng presensya ni Cairo. He's very manly, brusque, rough. Kahit pa aminado itong walang pera, hindi nito ikinakahiya ang katayuan. She finds him confident, even.

Magkaharap sila sa lamesa. May kanin na sa plato niya at sinasalinan na lang siya ni Cairo ng ulam. Hindi siya sanay na may kasabay, at lalaki pa! Take note, 6-footer and buff! Mabuti at wala siyang kakilalang kapitbahay kaya hindi niya kailangan magpaliwanag. Puro dorm at apartment kasi sa kanilang street kaya tulog lang ang madalas na ginagawa ng mga kapitbahay niya na hindi niya rin napagkikikita.

About his question, gusto niya naman matuto ng maayos, pero hindi madali para sa kanya ang kinasasadlakan na sitwasyon.

"Alam mo kasi--" Nagtaas ng palad si Cairo para patahimikin siya nang may maalala. 

"Sandali lang, Ma'am. Pasensya na." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may idinial. His phone is not even touchscreen. IT student ba talaga ito?

"Saint, kumain ka na? Anong ulam mo?" Narinig niyang nagsalita si Cairo, nakatalikod ang malapad na likod nito sa kanya at nakaharap sa sink. 

Temptation Island: Illicit TiesWhere stories live. Discover now