Hindi na sumagot si Dylan at pinagpatuloy na lang nila ang pagkain. Napansin naman ni Dylan ang lalaki sa kabilang table na pasulyap-sulyap kay Mitch, kaya sinipa niya nang mahina ito sa ilalim ng mesa. Tumingin naman si Mitch sa kanya.


"Let's see. Yung lalaki sa kabilang table is hitting on you, try to give him a response na hinihintay niya."


Naintindihan naman agad ni Mitch ang tinutukoy ni Dylan. Huminga muna siya nang malalim bago tingnan ang sinasabing lalaki. Paglingon niya, totoo nga na sinusulyapan siya ng lalaki, ngumiti siya sa lalaki ngunit hindi siya nagtagumpay, dahil bahagya lang ito ngumiti sa kanya at hindi na siya muling tinignan pa. Napabuntonghininga na lang siya.


"I really need help," dismayadong sabi niya kay Dylan.


"Tsk. There is one thing that you should know about us men: beauty can be either a turn-on or a turn-off for us."


"Bakit naman?"


"Just like what happened. Nagandahan siya sa 'yo, pero nang lumingon ka, naintimidate mo siya sa ngiti mo dahil we also fear rejection. Hindi ko sinabing magpa-easy to get ka, I am saying that you need to be provocative. E 'yong ngiti mo kanina, parang sarcastic pa."


"I'm just starting, Sir. But I can be provocative. Pero saan ako magsisimula?"


"You should know how to flirt. Hindi ko sinabing lumandi ka na parang mga babae sa may Quezon Avenue tuwing madaling araw, ang sinasabi ko ay iyong katamtamang flirt ba. You should know how to receive and give compliments back. Little touches wouldn't hurt as long as you don't feel violated. Which reminds me, have ever lusted on someone before? Or have you pleasured yourself before?"


Umiling si Mitch bilang sagot.


"That's my first assignment to you. Kinukulong mo ang sarili mo sa sarili mong kahon. Lumabas ka roon. Explore your wild side!"


Ni-list down niya ang mga 'lectures' sa kanya ni Dylan. Kaya nang pag-uwi niya nagbasa nga siya ng mga libro. Sa 50 Shades of Gray, yung mga love scenes doon. Pero wala pa rin siyang maramdaman na kahit ano kaya nilabas niya ang phone at binuksan ang isang porn site at nanood ng isang video. Napapangiwi siya sa nakikita kaya kaagad din niya iyon pinatay.


She started to think deeply, then her hands found their way to her breast, kaya nag-imagine siya nang mapapikit siya.


"Explore your wild side!"


Naulit sa isip niya ang boses ni Dylan, kaya ito ang unang lalaking pumasok sa isip niya.


She and Dylan inside his office. Nang maisip niya iyon, bigla na lang nag-init ang pakiramdam niya. The hot scenes that she was imagining drove her to sleep, pero kahit sa panaginip, ito pa rin ang laman. She was riding Dylan and moving up and down against him. His moans made her hot all over her body. They danced to their own rhythm...the scenes were hot and wild.


Seven PM na ng gabi at nag-overtime si Mitch. She was wearing one of the dresses Dylan bought her, nag-makeup na rin siya at inilugay ang maganda niyang buhok. All her officemates noticed her. Nasa loob pa rin si Dylan dahil gabi-gabi naman itong overtime, pero nakapagtataka dahil walang babae ngayon. Sabagay, mabuti na rin iyon dahil kakausapin niya ito.

My Seductive Boss [Fin]Where stories live. Discover now