"Manahimik ka! Simula no'ng mamatay ang ama mo, nagkadalitse-litse na ang buhay natin! At dahil iyon sa 'yo!"

"Papaanong ako?" Hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang siya ang pinagbubuntungan ng ina. Ano ba ang nagawa niyang mali? Dahil ba sa pangako niyang hindi niya pa natutupad?

"Kung ibang kurso sana ang kinuha mo, matiwasay sana buhay natin! Ba't ka pa kasi nagsusulat, wala naman 'yang silbi!"

"Kung ibang kurso ang kinuha ko, I doubt makakapagtapos ako. Ayokong kumuha ng kursong hindi ko handang pagdusahan ng ilang taon."

"Wala kang karapatang mag-inarte!" Isang kalabog ang narinig sa kabilang linya. "Sana pala hindi ka na namin pinayagan! Kung alam ko lang na mawawala ang ama mo, hindi na sana kita hinayaang magpakabaliw diyan sa pagsusulat mo! Putangina mo!"

"Can you stop cursing me? You're hurting me, Ma." Nagsimula nang mamuo ang luha niya sa mga mata. "Just like you, hindi ko ginusto ang pagkawala ni Papa. Kaya nga nagsisikap ako rito para mapakain kayo. Sobra-sobra pa nga binibigay ko sa inyo pero hindi ko alam kung bakit panay ang paghingi ng pera mo sa akin."

"Aba dapat lang! Sino ba sa tingin mo ang bumuhay sa 'yo? 'Di ba ako? Dapat lang na ibigay mo lahat ng mayroon ka! Wala kang karapatang magreklamo dahil wala ka pa namang naaabot. Responsibilidad mo kami!"

"Ikaw, Ma? Responsibilidad mo rin kami. Bakit wala kang ginagawa para tulungan ako?" pumiyok ang boses niya. "Hindi ba ina kita? Bakit parang ako ang naging magulang sa pamilyang ito?"

"Nasaktan ako sa pagkawala ng ama mo, Logan, kaya hindi mo ako masisisi na--"

"Na ano? Na wala kang trabaho ngayon? Ma naman, ilang taon nang patay si Papa. Pinagbigyan na kita. Sinalo ko na lahat pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagalaw. Tulungan mo naman ako."

"Nasaktan nga ako!"

"Ako rin. Ako rin naman, Ma." Napakagat siya sa kaniyang labi upang pigilan ang sariling mapahikbi. "But I never used my pain to turn my back on you so stop blaming me for everything. Baka nakakalimutan mo, tao rin ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kong saluhin lahat ng masasakit mong salita."

"Wala akong paki sa nararamdaman mo! Wala kang karapatang magreklamo! Kung pagod ka na, edi magpakamatay ka na lang. Iwan mo 'ko kagaya ng ginawa ng ama mo!"

Logan froze.

Nanginig ang mga kamay niya matapos iyong bitiwan ng ina. Tuluyang tumulo ang luha niya sa mga mata habang pinapakinggan pa rin ang mga masasakit nitong salita. His mother had always been sharp with her words, but this time, it was more than a knife. Tumagos sa puso niya ang mga salita nito.

Hindi niya inakalang aabot ang panahon na ang mismong ina niya ang magsasabi sa kaniyang bawiin ang sariling buhay.

Nilapag niya ang phone sa lamesa habang hindi pa rin pinapatay ang tawag. Tinakpan niya ang kaniyang bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa pulso niyang may mga peklat. Ayaw niyang marinig siya nina Gon at Adamas. Lalo lang siyang manghihina kapag nakita niya ang mga mukha nila.

Tahimik siyang umiyak habang patuloy pa ring umaalingawngaw ang boses ng ina. Ang malalaking butil ng mga luha niyang ilang linggo niya ring pinigilan ay isa-isang kumawala sa kaniyang mga mata.

Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang magpanggap na handa siyang pasanin lahat. Pagod na pagod na siya. Ubos na ubos na ang isip, katawan at pati damdamin niya.

I wish I could disappear . . . even for a bit.

He needed to stay away from everyone. He wanted to choose himself even just for a little while. Because if he tried to push himself again while not having anything left for himself, he might break and would never get a chance to be fixed.

Author's Note (The Villain Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat