"Why would you ask me? You know that human better than anyone."

"Hindi naman ganito 'to katagal nagtampo sa akin kaya 'di ko alam kung ano gagawin."

"Continue to pursue him. Initiate the conversation. Start up any topic. Let him see how eager you are for your apology. Show him you appreciate him." Nilapat niya ang kamay sa tuktok ng ulo nito. "I am in no position to say this, but I want to give you a heads-up before I leave this dimension."

Nagulat ito sa kaniyang sinabi. "You're leaving?"

He nodded. "Logan is in the middle of giving you up. He's distancing himself in act of mending himself. It will be regretful if both of your feelings will not have a chance to recognize each other, so I want you to pay attention to yourself. Think, my reddy readsy. What is he really to you?"

She scratched her head in confusion. "Anong feelings pinagsasabi mo? May gusto sa akin si Logan?"

"I don't know. Ask him." Hinila niya ang braso ng babae at binilisan ang paglalakad upang makahabol kay Logan.

Napansin nila ang pagtigil ni Logan kaya napatigil din sila. May kinuha ito sa bulsa. Mukhang may tumawag sa lalaki.

"Hello, Ma?"

Kaagad silang napaigtad sa gulat dahil sa lakas ng boses ng caller.

"Putangimo na talagang bata ka! Pati ba naman kapatid mo dinamay mo sa kahibangan mong 'yan! Putangina mo talaga!"

Napatingin si Adamas at Gonietta sa isa't isa. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka.

What the hell is her problem again?

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo, Ma? Hindi kita maintindihan." Kahit na sinisigaw-sigawan na siya ng magulang, nanatiling mababa ang boses ni Logan. Dahil na rin siguro sa pagod at may lagnat pa.

"Nawawala ang kapatid mo dahil sa 'yo!"

"What?" Logan exclaimed. "What do you mean, Ma? Papaanong dahil sa akin, e, wala naman ako r'yan."

"Sumunod siya sa 'yo dahil inuto mo siyang mas maganda ang buhay r'yan sa siyudad. Ngayon hindi ko na mahagilap ang kapatid mo! Lintek ka talaga! Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo, ikaw sisisihin ko hangga't mamatay ako!"

"W-what?" He uttered. Logan was lost for words. Napahilot ito sa sintido. "Ma, hindi ko alam ang sinasabi mo. I never told Hina to follow me."

"Palagi mo siyang kinukuwentuhan kong gaano kaganda r'yan! Nakita ko chat niyo!"

"We rarely talk, Ma. Nag-me-message lang siya sa akin at nagtatanong tungkol sa buhay ko rito. I just answered her. I never convinced her to come here. She even told me last time she want to graduate there." He sighed. "And Hina is not the type to stay away from home. You know how shy she is."

"Not anymore! Iyang kapatid mo, palagi na lang wala sa bahay at ngayon hindi na nga umuwi!" Isang kalabog ang narinig nila sa kabilang linya. "Hanapin mo ang kapatid mo! Kapag hindi mo siya nakita magpapakamatay ako, Logan, at ikaw ang sisisihin ko. Kasalanan mo kung bakit ganito ang pamilya natin ngayon! Kung nag-law ka sana hindi ganito ang naging buhay natin, lintek ka! Putangi--"

Inagaw ni Adamas ang phone at pinatay ang tawag bago pa matapos ang ina nito sa pagsasalita. Tumaas ang balahibo niya sa katawan nang biglang kumapal ang itim nitong emosyon. It took it shaped like a giant mouth, ready to devour Logan.

Kaagad niyang hinawakan ang magkabilang braso nito at niyugyog. "Hey, human!"

Nakatunganga lang ito.

"Hey!" Inalog-alog niya ito ng ilang beses at saka lang napabalik sa diwa ang lalaki. The monstrous emotion subsided as well as though it was disappointed that Logan came back to his senses.

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now