Gia's POV

Palakad-lakad ako sa office ng pinsan kong si Emmanuel—- he's gay. Siya talaga ang may-ari ng resort na ito. Alam kong alam nila Sammy iyon. Ewan ko ba kung bakit niya sinabing ako ang owner. Baka kaya lalong nabwisit si Arman. Bakit? Mukha ba talaga akong kapus-palad? Tsss..




"Hey Girl! Ano ba! Ako ang nahihilo sayo! Kumalma ka nga! Ano ba kasing nangyari??"




"Diba may ininvite akong guest dito? Sila Sammy—- ang akala ko tatlo lang sila! Isinama pala nila yung —— yung Alien na yun! Naku Emman!!! Emman! Kung alam mo lang kung gaano kahaba ang sungay nung lalaki na iyon!!!" tumataas na ata ang presyon ko dahil sa inis. Dito kasi ako sa office ni Emmanuel nagpapahupa ng sama ng loob at galit.



"Ay yes, nagdagdag sila ng isang guest! Wait, ito yung Arman Herrera ba??"




"Wag na wag mong mabanggit banggit yung pangalan niya—- utang na loob Emman!!!"




"Ay sorry, sorry! Eh kasi naman Gia, ngayon ka na nga lang nakabisita dito, na-stress ka pa! Sana sinabihan mo ako diba? Pero teka nga, ano bang ginawa sayo nung Ar—— yung lalaki na yun?"



"Madami." nagtitimping sagot ko.




"Madami. Wow. Ang lawak ng sagot mo. Madami. Be specific naman girl! Baka anong maisip ko hah!"



"Kaya nga ako pumunta dito sa beach resort mo Emman eh para mag unwind kasi super stress ako sa Manila. Gusto ko lang huminga. Pero pagdating ko dito, susundan pa pala ako ng stress! Nakakainis!"


"So siya ang cause ng stress mo?? As in?"




"Isa sa cause." pagkaklaro ko.




"So maupo ka dito at magkwento. Kailan kayo nagbreak??"


"Anong nagbreak??? Emman! Hindi ko siya boyfriend! Mukha ba akong papatol sa kanya?? Mukhang siyang Tito!" inis na sabi ko kay Emman at ang walanghiya at bumulahaw ng tawa.




"Girl!!! Pa-Tita era ka na din naman! To talaga!!" sinamaan ko ito ng tingin.



"Naka bikini top lang ako na white oh! Kita nga yung sides ng dibdib ko! Tapos sasabihan mo akong pa-Tita era na?? Hoy Emmanuel! Ang sama mo na sa akin! Hindi ka naman ganyan nung mga bata pa tayo hah?" tumawa ito at lumapit sa akin para tabihan ako.



"Ano ba kasing ginawa sayo kanina?"




"Sinigawan ba naman ako na bakit daw ako nandito at pati ba dito ay sinusundan ko siya??"



"Eh bakit mo naman kasi siya sinundan?"



"Emman! Hindi ko siya sinusundan! Hindi ko alam na pupunta siya! Kung alam ko lang eh sana nagkulong na lang ako sa kwarto! Mainit na talaga ulo niya sa akin mula Day 1 ng makatrabaho ko yan eh!"


"Oh? Magkatrabaho naman pala kayo eh. Boss mo ba siya?"



"Alaga."



"Alaga? Ano yan, pusa?" natawa ako sa sinabi niya.



"Road Manager niya ako. Artist yan. Kumakanta sa tv, concerts, sa theater—- wedding singer—- hmp, talent lang niya maganda sa kanya, wala ng iba."



"Girl! Baka namana kaya nagalit sayo kanina eh nagsuot ka kasi ng ganyan na bikini top? Wala manlang cover ng polo or something—— baka hindi lang siya sanay na makita kang naka bikini top na ganyan!" napahawak ako sa dibdib ko. Too revealing ba? Hmp—- eh ano naman?


WANDA For YouWhere stories live. Discover now