"Manahimik ka dyan. Bwisit ka!"

Dinig pa namin ang mga ingay na mga estudyante sa loob ng room nang pumasok kami doon lang tumahimik ang lahat at bumaling sa kinaroroonan namin. Buti na lang wala pa ang mga teacher. Nagulat si Law at Luigi nang makita nila kami.

"What are you doing here?" Tanong agad ni Law.

Walang welcome? Ganon lang. Parang ayaw pa niya kaming makita.

"Malamang mag-aaral" ani Jah

"Wala naman pa welcome dyan, Law? Nakakatampo ka naman" kunwaring tampo ko. Sinungitan lang kami ni Law habang si Luigi ay kinamusta kami.

Umupo na lang kami at walang nang ginawang ingay pa. 

***

Shreya

Naglalakad ako papuntang Ambrose academy. Nagdesisyon ako na ituloy ang pag-aaral doon kahit wala akong ideya kung anong meron doon. Di ko pwedeng di pumasok dahil lang may kababalaghan nangyari. Kailangan ko pa din ipagpatuloy ang pag-aaral ko at makapagtapos sa pag-aaral.

Tumakbo ako papuntang room dahil mukhang late na ko.

Syete! Bakit naman kasing ang daming hakdanan dito?!

Hingal na hingal akong tumingin sa salamin ng pintuan. Nakita ko ang teacher doon. Ay, first day late agad ako. Paano na!

Binuksan ko ang pinto at naramdaman ko na nasa akin ang lahat ng atensyon. Nahuli na lang ng paningin ko ang babae kulay rosas ang buhok. Na nag-aalala sa akin. Nakita ko din si Luigi. At bigla akong nahiya sa kanya. Napayuko na lang ako dahil sa hiya.

Anu na iisipin ni Luigi nito! Baka isipin na stalker ako. Napakunot ang kilay ko sa iniisip ko.

Gurl! Anu ba yan! Ay, imported ka ba? Eh hindi ka nga kilala ng tao. Saka Di ka mahalaga sa kanya.

And di siya totoo!!

"Teka teka! Tutal ikaw ang late. Bakit di ka na lang ma unang mag pakilala sa klase"

Kinabahan ako sa bigla sinabi ni Ma'am....? Basta ma'am.

"A-ako s-si Serene Riyanna Lagasca but you can call me Shreya for short"

"Whoo Shreya" dinig kong sigaw ng kung sino. Napatingin ako doon sa sigaw. Medjo pamilyar siya. Napalaki ang mga mata at yumuko ulit. Syete! Si Elio pala! Malalaman niya na sinungaling ako! Pero totoo naman yun. Hindi ko alam kung nasaan ang Ambrose academy. Google lang naman ginamit ko, noh!

Anu ba yan bat ba napaka indenial ko. Nabasa ko naman sa libro na transferee si Venus, Ria, Elio at Jah sa Ambrose academy.

"Yun lang? Tapos na ba yun? Sige, umupo ka na. Miss Lagasca"

Di man lang ako hinintay sumagot.

Dahil ako na lang ang iisang late pumunta ako sa bakanteng upuan sa may tabi ng babaeng kulay rosas ang buhok.

Bat ba hanggang ngayon babaeng rosas ung tawag ko sa kanya este kulay rosas ang buhok ang tawag ko sa kanya.

Kasi nga indenial ka!

Haytss anu ba naman tong iniisip ko. Venus kasii. Tumayo si Elio para magpakilala sa amin.

"Ako nga pala si Elliott Alair Ortanez"

Nagpatuloy lang sila sa pagpapakilala sa sarili hanggang nagstart na mag discuss. Nang mag-lunch na lumabas agad ako without glancing at them.

Kumain ako magisa kahit hiyang hiya na ko dahil sa mga tingin nila sa akin. Dumeretso agad ako sa CR. Pagkatapos pumunta na sa room.

Nagstart ulit ang klase at puro pakilala lang ang mga ganap. Ibang teacher naman nag-start agad nang klase after nang pakilala. Ung iba naman nag-palaro.

Hayst, nakakahiya naman. Ang awkward kaya!

Natapos ang klase at wala pa din akong nakakausap. Inaayos ko ang gamit ko. Nang may makitang akong anino ng babae.

"Shreya, pwede ba tayong mag-usap?"

Sinubukan ko di pansinin iyon. "Shreya wag ka naman ganyan, oh"

Tumakbo ako papaalis kaso may nabunggo ako. "Sorry" paumanhin ko bago umalis.

Nasaan ba talaga ako?! Bakit ang gulo ng araw ko ngayon. Pilit kong tandaan ang ginawa ko kahapon. Naalala ko lang bago ako matulog tinapos ko ang libro na title Falling for the popular guy in school

Kailangan ko agad makauwi para hanapin yung book na yun.

"Sorrel, bayad mo?! Nasaan na!" Sigaw ni Aling Gee.

"Bukas na lang— uhm, sa isang buwan na lang Ate Gee..."

"Isang buwan na naman. Lagi mo na lang sinsabi yan. Dika ba nagsasawa? Kung hindi pwes ako oo"

"Ah, Aling Gee magandang tanghali po. Nandito ka pala" sabat ko papalapit. Lumingon siya sa akin pero saglit lang iyon.

"Alam mo Sorrel, mabait naman ako. Pasalamat ka naaawa ako sa mga anak mo dahil wala na silang tatay. Kung hindi... baka palayasin ko kayo dito sa apartment ko. Diba mayaman naman magulang mo? Bakit di ka na lang manghingi ng pera sa kanila para bayaran ako?!"

"Walang galang na po Aling Gee pero di po ganon kadali sitwasyon ni Mama"

"Shreya, wag ka nakikisali! Usapan to ng matatanda to! Magbihis ka na sa kuwarto mo at Papasukin mo na din mga kapatid mo"

Sinunod ko naman gusto niya nasa hamba ako ng pinto nang madinig ko huling sambit ni Aling Gee. "Sige bibigyang kita ng panahon. Sa February, isang taon pa yun. Siguro naman tapos na utang mo sa akin. Babalik ako dito sa February" inayos ko ang mga gamit ko.

Nagaalala ang mga kapatid ko habang nakaupo sa sofa.

"Wag kayo magalala maaayos ni Mama yun" paggagaan ko ng loob sa kanila

"Ate buti na lang dumating ka. Baka nag-eskandalo si Aling Gee dito"

"Anu ka ba naman Shea. Di mangyayari yun. Kaya ni Mama yun noh"

Lumapit sa akin si Silas hawak hawak ang dulo ng tshirt ko "Ate, bakit di na lang po kayo humingi ng tulong kay Lola? Tamang tama di ko pa po nakikita si Lola eh".

"Silas! Anu ka ba naman! Dapat di mo na binabanggit iyon. Katulad nang sinabi ni Ate kaya ni Mama yun" pagbabawal ni Shanti kay Silas.

"Ah, sorry po Dite Shanti" saka yumuko. Lumuhod ako "Ok lang yun Silas. Kaso di ko din alam kung nasaan ang lola natin"

Lumalaki na kapatid ko. Di na sya yung bata narating inaasar namin ni Shea.

Pagpasok ni Mama nag paumanhin agad ito. Nag-isip ako saan pwede trabaho na pwede kong pasukan. Sa madaling panahon kailangan kong tulungan si Mama.

Pagkatapos kong kumain pumunta na ko sa taas para tignan ang libro. Kinakabahan ako kung anu mangyayari sa akin.

Walang ideya buong pamilya ko sa nangyayari ngayon.

Tinignan ko sa may paanan ng higaan kung saan nandoon ang mga pocket books ko at books. Pero wala iyon. Tinignan ko naman sa kabila kung saan nasa tote bag na si Anya ang design, wala pa din. Tumingin ako sa ilalim ng kama ganoon pa din, wala pa din.

Mas lalo akong kinabahan pero kahit ganon naalala ko pa ang storya.

Tumayo ako at pinagpag ang alikabok na bumalot sa kamay ko. Bigla kong ginulo ang buhok saka sinuklayan gamit ang kamay.

Shetttt nawawala yung nobela na yun!

-----

To be continued....

©ikigai2u
[2022]

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now