Kabanata 06 - Ang Pamamaalam

Depuis le début
                                    

"Opo, ingat ate!" sabay-sabay na sabi ng mga kapatid niya.

Nagpaalam na rin ako. Humalik din sa pisngi ko ang mga batang kapatid ni Winona.

"Kuya Gin, babalik ka pa rito, 'di ba?" sabi ni May-may.

"Oo nga po kuya Gin, sama ka po ulit kay ate sa susunod na susunod na susunod na susunod po na bukas," sabi naman ni Coby.

Natawa na lamang ako at tumango. Hinatid kami ng mga bata sa labas at sinamahang maghintay ng tricycle. Nang makasakay na kami ay patuloy pa rin sila sa pagkaway.

***

PAGDATING sa terminal ay sumakay kami ni Winona sa bus na papuntang Maynila. Kakaunti pa lamang ang pasaherong naroon kaya't naghintay pa ng humigit-kumulang isang oras bago umalis. Natutulog na sa aking tabi si Winona. Nakaupo siya sa may bintana at ang ulo'y nakahilig doon. Nagsimula nang mangolekta ng bayad ang konduktor. Nag-alangan akong gisingin si Winona kaya't dinukot ko na lamang ang wallet sa aking bulsa. 

"Magkano ho?"

"One twenty," sagot ng konduktor.

"Ang isa?"

Tumango ito.

Binuklat ko ang wallet. Baka may naisingit pa akong cash dito. Nasanay kasi ako sa paggamit ng credit card kaya't hindi ko na naiisipang maglagay ng cash sa wallet. Mayroon akong tatlong malulutong na bente at isang singkwenta. Kulang pa iyon sa pamasahe pa lamang ng isa sa amin.

Napakamot ako sa ulo. "Boss, mamaya na lang. Gisingin ko lang 'tong kasama ko. Nasa kanya kasi 'yung pamasahe eh."

Tumango 'yung konduktor.

Marahan kong inuga sa balikat si Winona. "Nona... Nona..."

Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Itinuro ko 'yung konduktor na noo'y iyong nasa may likuran na namin ang sinisingil. Kinuha niya ang kanyang wallet.

"Idagdag mo na ito oh," sabi ko at inabot ang 110 pesos.

"Hindi na."

"Sige na! Idagdag mo na. Ang mahal kasi ng pamasahe eh. Saka nahihiya na rin ako sa iyo."

"Ano ka ba? Maliit na bagay lang ito," sabi niya at inabot na ang limang daan sa konduktor.

Nahihiya ako dahil ngayon lamang ako nailibre ng isang babae. Sa lahat ng nakarelasyon noon, ako ang gumagastos. Pakiramdam ko tuloy ay kabawasan ito sa aking pagkalalaki. Pero may magagawa pa ba ako?

Nilunok ko na lamang ang aking pride at nagpasalamat. Ngumiti siya at sabay na kaming natahimik. Maya-maya'y muli niyang binasag ang katahimikan. "Okay ka na ba?"

Tumango ako. "Sa ngayon."

Tumingin siya sa akin nang may tanong sa kanyang mga mata.

Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. "Masaya ako ngayon dahil nakilala kita at ang pamilya mo. Ang sarap niyong kasama, puno ng tawanan. Sa totoo lang, ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. Pero nalulungkot ako dahil hanggang dito na lang ang kasiyahang ito. Pakiramdam ko'y isang magandang panaginip lang ang lahat at ngayon ay kailangan ko nang magising sa malungkot na katotohanan."

"Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang."

"Alam mo, na-realized ko na hindi lang sa pera o materyal na bagay nasusukat ang kaligayahan ng tao. Hindi lang pera ang nagpapaikot sa mundo. Na-realized ko na napakababaw pala ng problema ko kumpara sa problemang dinadala mo. At na-realized ko na ang totoong pagmamahal ay selfless. Parang ikaw, you always give without thinking what you could get in return. You love without asking to be loved back. Ako kasi, naging selfish ako. Oo, binibigay ko nga ang mga gusto niya, ang mga pangangailangan niya. Pero dinidiktahan ko naman ang bawat gagawin niya at ikikilos. Sa paghihigpit ko sa kanya... akala ko'y kinakabig ko siyang palapit sa akin. Hindi pala, binibigyan ko lang pala siya ng dahilan na mas maghangad ng kalayaan. Sinasakal ko na pala siya."

"Alam mo kasi, kapag talagang mahal mo ang isang tao... makita mo lang siyang masaya, masaya ka na rin, regardless kung kasama ka sa ikasasaya niya o hindi."

"I wish I had realized these things bago pa man masira ang relasyon namin. Pero shits happened talaga when you least expect it. Why do I always have to learn my lessons in a hard way?" natatawang saad ko.

"Ang tigas kasi siguro ng ulo mo," natatawa ring sabi ni Winona.

"But thanks for showing these lessons to me, Nona. Naniniwala na ulit ako na may forever sa taong nagmamahal."

"May forever naman talaga sa love. You just have to find the right person whom you could fall in love with, forever. And if she's the right person, she'd be willing to do the same... without you begging for it."

"Sana nga, Nona. Sana nga makita ko rin siya."

"Sa susunod na mabibigo ka, Gin, sana naman bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong makabawi."

"I have failed many times, Nona. Always with the same reason. But I always give myself a second... third... fourth chance. Pero siguro nga, hangga't hindi mo natututunan ang lesson, paulit-ulit iyong mangyayari sa'yo? Kay Claire lang talaga ako sobrang nasaktan, umabot na kasi kami sa puntong hindi ko na iniisip na magkakahiwalay pa kami. Kasal at mga anak na nga namin ang ipinaplano ko eh."

"Well, I guess you have to find another woman na lang whom you could share those dreams."

"Yes, I think 'yun na lang ang natitira kong choice," natatawang sabi ko. "But finding the right woman is not that easy."

"Why? You have a good profession naman, and a good... look."

"Bakit medyo nag-buffer ka sa good look?" natatawang sabi ko. "Napipilitan ka lang ata eh."

Natawa siya. "Hindi lang ako komportableng magbigay ng compliment sa isang lalaki."

"Nona, do you believe in destiny?" tanong ko out of nowhere at mataman na napatingin sa kanya.

Nagsalubong ang aming mga tingin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at ngumiti. "Oo naman."

"Pagdating natin sa Maynila, maghihiwalay na ang landas natin. Kung sakali bang magkita tayo at buo na itong puso ko, maari ba kitang ligawan?"

Kumunot ang noo niya at iritableng tumingin sa akin, "Ano ba'ng sinasabi mo? Hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa'yo."

Pakiramdam ko'y muling nadurog ang puso kong durog na.

"Gin? Rogin... okay ka lang?" sabi ni Winona at iwinagayway sa may mukha ko ang kanyang kanang kamay.

Napaigtad ako.

"Natulala ka, ano na 'yung sinasabi mo tungkol sa. . . destiny?"

Pilit akong ngumiti. "Ah! W-wala, nevermind."

The PolicewomanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant